Tyron didn't talk to me hanggang sa makarating kami sa mansyon niya. Nawala na rin sa isip ko ang sinabi niya kanina. Masyado akong nalula sa laki ng bahay niya. Mukhang dalawang beses na mas malaki ang bahay niya kesa sa amin. Ang daming maids sa loob. Mabilis nila kaming binati ng makita. Dire-diretso lang si Tyron sa loob habang busyng busy naman ang mga mata ko kakatingin sa paligid. I love his house kaya lang medyo boring. Dapat may kulay eh. Puro na lang kasi black and white ang nakikita ko sa paligid. Dito niya talaga balak na ibahay yung Siara na yun? Swerte naman niya ata masyado. Mahal na mahal na siya tapos mayaman pa ang mapapangasawa niya tapps ibabahay pa siya sa magandang mansyon na toh. Ano bang nagawa niya sa buhay niya at biniyayaan siya ng isang

