Madalas siyang magpunta sa bahay ng Sir Aquill niya kapag may papeles na urgent na kailangan nitong pirmahan at hanggang sa salas lang siya pero ngayon tuliro pa rin siya habang pinapasadahan niya ng tingin ang kwarto ng boss niya. Hindi pa nga siya nakakabawi kanina sa pagkakadikit nila ng boss niya ngayon ito naman. Ang pangalawa palapag ng bahay nito ay ang buong kwarto nito. Mula roon tanaw ang nasa ibaba ng bahay pero hindi makikita ang kabuoan ng pangalawa palapag mula sa ibaba. Saka lang siya natauhan ng makarinig siya ng kalampag mula sa ibaba. Muli niya ibinalik ang atensyon sa silid ng boss niya. Hindi siya giniginaw kasi patay ang aircon o walang aircon? Wala siya mahagilap sa silid nito kung may aircon roon hanggang sa mapatingala siya at napaawang ang mga labi niya ng makit

