Tuwid na tuwid na nakahiga siya sa reclining sofa niya si Aquill habang naka-cross ang mga braso sa harapan niya at nakatitig sa kisame ng salas niya. Wala siyang kakilos-kilos kahit paghinga niya hindi normal. Pinakikiramdaman niya ang kanyang sekretarya na natutulog sa kama niya na nasa ikalawang palapag lang kung nanaiisin niya madali lang nya ito matatabihan dahil wala naman pintuan ang silid niya. Marahas siya bumuga ng hangin at deretso ang katawan na bumangon paupo. "Okay,sisilipin ko lang siya," hindi na mapigilan ang sarili na saad niya. Nagmamadali na at walang ingay na lumapag ang paa niya na nakayapak sa sahig ng pangalawang palapag. Swabe lang na nilundag niya ang silid. Whew! Obvious na sabik siya na makita ang dalaga! Agad na natuon ang mga mata niya sa nahihimbing na

