Agad na nagmulat ng mga mata si Sabina ng maramdaman na umalis na ang Sir Aquill niya. Sinapo niya ang sariling dibdib sa tapat ng puso niya. Ubod iyun ng bilis. Mabilis siya nagigising kapag may kakaiba sa paligid niya kahit na natutulog siya. Naramdaman niya na tila may humahawi sa buhok niya at ang Sir Aquill niya iyun. Nakaupo ito sa gilid ng kama at pinagmamasdan siya habang natutulog. Pinilit niya maging mahimbing sa paningin nito hanggang sa hindi na niya nakayanan pa ang presensya nito kaya tinalikuran na niya ito. May gusto ba sa kanya ang Sir Aquill niya? What if? Hala,posible ba yun? Ayaw man niya hindi niya napigilan ang pagguhit ng ngiti sa mga labi niya. Gusto niya tumili pero hindi na siya teenager para gawin kaya naman nagtaklob na lang siya ng kumot at agad na binal

