Kinalunesan,isang rosas muli ang nadatnan niya sa ibabaw ng desk niya at sa pagkakataon iyun may kasama ng card. Agad na binasa niya ang nakasulat roon. Gaya ng mga patak ng ulan ang damdamin ko para sayo,hindi mo mabibilang sa dami nila at ganun ang nararamdaman ko para sayo.. H Agad na nangunot ang nuo niya. Agad na naalala niya ng umulan noong isang gabi at nakitulog siya sa bahay ng Sir Aquill niya. H? Sino kaya H iyun? At bakit parang nagkataon naman ata na ginamit nito ang ulan sa moment nila ng boss nya? "Bakit? Anong nakasulat?" Napaigtad siya sa bigla pagsasalita ng Sir Aquill niya. Nasa tabi niya ito at napakalakas ng kabog ng dibdib niya. Palihim siyang humugot ng malalim na hininga. "Ahm,a simple quote ,I guess," naiilang na saad niya. "Hmm,hindi ba weird?" saad nit

