Buong maghapon siyang wala sa mood mula ng makaharap niya ang magandang Stella iyun. Hindi nga siya makapagconcetrate sa trabaho niya panay ang delete niya sa bawat encode niya ng mga letra. Nagngingitngit taLaga ang kalooban niya. In short,nagseselos ka! Anang ng isip niya. Pero hindi naman sila para magselos siya! Marahas siya napabuntong-hininga. "Di naman ako late ah," pukaw sa kanya ni Wendy,tinawagan siya nito bago siya mag-out sa trabaho na magkita sila sa isang tattoo shop. Nagpapasama ito roon. "Seryoso ka talagang magpapatattoo ka?" maya-maya saad niya. Ngumisi ito. "Yup! Astig kaya nun,magpatattoo ka na rin kapag dalawa tayo makakadiscount ako," anito. Napaisip siya. Marahil dala na rin ng nararamdaman niya pumayag siya na magpatattoo na rin. Ilang oras din ang lumipas ba

