Napahilamos sa mukha si Aquill pagkapasok niya sa loob ng opisina niya. Hindi niya napigilan na hindi hawakan ang sekretarya at mainit iyun sa pakiramdam niya. Pabagsak siya umupo sa swivel chair niya. "Sana lang hindi siya magtaka kung bakit malamig ang kamay ko," usal niya at pinakatitigan ang kamay niya. Hindi nga sila nasusunog sa sikat ng araw pero kasinglamig ng bangkay pa rin ang temperatura nila. Umikot siya gamit ang upuan paharap sa wallglass kung saan tanaw niya ang ilang gusali at pabrika at mula sa likod ng mga instraktura ang mga kumpol-kumpol na puno. Pinagsalikop niya ang mga kamay. Kung hindi lang nanganganib ang buhay nila magkakambal sana malaya siya nakakagala ngayon. Nakakaalis lang siya kapag may businesstrip siya..pero pahirapan pa dahil kailangan talaga niyang

