Agad na nangunot ang nuo ni Sabina ng matuon ang mga mata niya sa isang tangkay na rosas na nakapatong sa table niya. Lumingon-lingon siya sakali na may makita siyang tao na posibleng maglagay niyun pero sino niloloko niya? Siya lang ang tao roon. Ibinalik niya ang atensyon sa kulay pulang rosas at dinampot iyun. Sino naman kaya ang maglalagay niyun sa mesa niya? Wala sa sarili na dinala niya iyun sa tapat ng ilong niya para samyuhin. Ito ang unang beses na may nagbigay sa kanya ng bulaklak kaya naman natutuwa siya. Nasa ganun ayos siya ng bumukas ang pintuan ng opisina ng Sir Aquill niya at agad na nagtama ang mga mata nila. "Goodmorning," nakangiti nitong bati sa kanya. Maaga ata pumasok ang boss niya ngayon? Agad na inalis niya sa tapat ng ilong niya ang rosas at natuon roon ang k

