Sa paglipas ng mga araw mas nakilala niya si Aquill. Bukod sa napakasweet nito ramdam na ramdam niya ang pagmamahal nito sa kanya kahit na magkaiba sila ng uri. Hindi niya din inisip na kailanman ay iibig siya sa isang bampira. Isang bampira na tangi siya lamang nagpatibok sa kanyang puso. "Stop staring me,my Sabina..baka hindi ako makapagpigil sa sarili at angkinin kita," bigla nitong pagsulpot sa harapan niya na kanina lang ay nasa likod lang ito ng desk nito habang abala ito sa harapan ng laptop nito. Pinalipat kasi nito ang mesa niya sa loob ng opisina nito. Hindi tuloy siya makapokus sa trabaho niya mas gusto niya na titigan lang ito. "Doon na kaya ulit ako sa labas," saad niya ng makabawi sa sarili. Napangisi ito. Lumipat ito sa gilid niya. Lumuhod ito at pinaikot ang upuan niya

