"Papalapit na sa lugar na ito ang alipores ni Prinsesa Roisa," simula agad ni Stella ng makarating sila sa bahay niya. Nasa kusina naman ang kasintahan para maghanda ng hapunan nila. Naikuyom niya ang mga palad. Kung gayun nasa panganib na naman siya..sila. Kasama na niya ang dalaga. "Sina Aquilles?"saad niya ng maalala ang kakambal at ang mag-ina nito. "Hindi madali matutonton ng mga bampirang iyun ang kinaroroonan nina Aquilles at Sanastacia..ikaw ang inaalala namin," seryoso saad ni Stella. "Hindi ba sila mapipigilan ni Celina? Hindi ba siya ang namumuno sa pagtugis samin?" "Limitado lang ang kayang gawin ni Celina,Aquill. Kailangan niyang mag-ingat sa kinikilos niya,alam mong buhay niya ang magiging kapalit kapag may nakaalam na isa siyang traydor kay Prinsesa Roisa," tugon nito.

