Hindi niya alam kung gaano katagal siya nakatitig sa hagdanan kung saan mabilis na bumaba roon ang kasintahan. He kiss her! At sinamantala niya ang pagkakataon na yun na maranasan ang mahalikan nito at talagang nawala siya sa kanyang sarili habang nakikipagsabayan siya rito ng halik. Pero bigla na lang siya bumalik sa katinuan ng makita ang mga mata ng binata. Bigla siya kinilabutan ng maalala ang mga mata nito. Ang puting bahagi ng mga mata nito ay naging itim rin! Alam niyang hindi siya nagmamalikmata! Dagdag pa na napakalamig din ng mga labi nito na nakalapat sa bibig niya. Ano ba talaga ito? Nagdududa na siya sa tunay na pagkatao nito. May kakaiba talaga rito. Mabilis ang t***k ng puso niya na bumangon siya sa kama. Gusto niya makausap ang kasintahan. Gusto niya ito tanungin kung

