Hindi sya makatulog. Naglalaro pa rin sa isip niya ang mga pagdududa niya sa binata. Marahas siyang bumuga ng hangin at pabalikwas na bumangon sa kinahihigaan kama. Napasulyap siya sa hagdanan. Tulog na kaya siya? Nasa salas kasi natutulog ang kasintahan. Gusto sana niyang sabihin na share na lang sila sa kama nito kaso pinangungunahan naman siya ng hiya kahit gustong-gusto niya ito makatabi gabi-gabi. Bigla nag-init ang mukha niya ng maalala ang pinagsaluhan nilang halik ng binata ng nakaraan gabi. Kailan kaya ulit mauulit yun?! Napailing siya sa sarili. Bumangon siya para silipin ang kasintahan sa ibaba. Nakapatay na ang ilaw sa buong bahay pero maliwanag naman dahil sa salamin na kisame sa silid na ginagamit niya. Agad siya nagtaka ng hindi makita ang binata sa mahabang sofa. Wa

