Chapter VII
"Yxel..." sambit niya ng makita akong nakatingin sa kanila. Maging si Mrs. Mercado ay sa akin na rin nakatingin.
Si Toffer. Si Toffer ang may-ari ng bahay. Si Toffer ang may-ari ng bahay na dinidisenyohan ko at wala akong kaalam alam doon. Mariin akong pumikit. D*mn. hanggang ngayon, napapaikot parin ako ng isang Dela Marcel.
"Ms. Winslou" sambit pa ni Mrs. Mercado.
Gusto kong umiling. Gusto kong ipakita na galit ako kasi para akong trinaydor. Gusto kong ipamukha sa kanila na hindi dapat nila ako paglaruan ng ganito pero nanahimik ako. Para pala akong tangang nagdidisenyo ng bahay ng hindi ko alam kung kanino talaga iyon.
"I have the designs with me. The owner might want to see that" malamig kong tugon, emphasizing the word owner. Nilingon ni Mrs Mercado si Toffer na hindi man lang inalis ang tingin sa akin.
Tumalikod ako at bumalik sa kotse ko. Ilang beses akong huminga upang pakalmahin ang sarili ko bago ko kinuha ang blue print. All this time, alam niyang ako ang interior designer niya? All this time, nagmumukha akong tanga.
"Yxel..." pumikit ako ng marinig ang boses na iyon. Bakit kailangan niya akong sundan hanggang dito?
"Let's go, Sir" sambit ko bago sinara ang pinto ng kotse ngunit hindi pa man ako nakakahakbang ay pinigilan niya ako gamit ang kaniyang kamay.
Ano na namang kailangan niya?
"Ano 'yon?" pinigilan kong lagyan ng kahit anong emosyon ang pagkakasabi ko.
Nilingon ko siya ng hindi siya magsalita. Matiim siyang nakatingin sa akin na para bang binabasa niya lahat ng galaw ko. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakakapit sa braso ko. Unti unti ko iyong tinanggal gamit ang mga kabilang kamay ko.
"Yxel..."
"What? I'm here as the interior designer of your house. Dapat kanina pa tayo nagsisimula..." sabi ko bago siya iniwan. Mabilis ang mga hakbang kong iniwan siya doon. Kung ano man ang sasabihin niya... wala na akong pakialam pa.
Nakaupo na rin naman si Mrs. Mercado sa table kung saan ko iniwan ang gamit. Umupo ako sa harapan niya. Ramdam ko ang titig niya sa akin. Hindi naman nagtagal ay umupo sa tabi niya ni si Toffer.
Now I understand why Mrs. Mercado doesn't have any care for the designs. Kaya pala kahit anong gusto kong disenyo ay pumapayag siya dahil hindi naman pala sa kaniya. Pagandahin ko man o hindi, wala siyang pakialam.
Ihinarap ko sa kanila ang disenyo ko. Sa tingin ko kailangan ko na namang magsimula sa umpisa.
"Excuse me" nilingon ko si Mrs. Mercado. Tumayo ito "I have to go. Hindi na ako kailangan dito"
"Thank you, Tita" sabi ni Toffer. Thank you for what? for helping him? Umiling ako.
Tumango si Mrs. Mercado sa akin bago tuluyang umalis. Nilingon ko ang disenyo ng masters bedroom. My design is the same design we planned six years ago. Kung alam ko lang...
Napansin kong nakatingin din siya doon. I know what's running inside his mind. "As you can see, it's a combination ang red and black..." nahinto ako sa pagsasalita ng nilingon niya ako. Para niya akong tinatanong sa paraan ng pagkakatingin niya.
Umiwas ako ng tingin. "I don't think I still need to explain my deigns. I know you know every inch of it" Tinignan ko pa ang ibang disenyo. Lahat iyon ay ang plinano naming dalawa noon. Hindi ko alam kung bakit iyon ang naisip kong idisenyo. Siguro dahil ang bahay ay kaparehas ng bahay na pinangarap namin noon. Kaya ganun. Kaya parehas.
"That... and everything you designed in my house... It's ours..." nagaakusang sabi niya. Hindi ko alam kung bakit. Ayaw niya ba ng disenyo ko? Ayaw niya ba ang disenyong pinangarap namin noon para sa bahay niyang kaparehas din naman ng bahay na gusto namin noon?
Kung alam kong siya ang may-ari, hindi iyan ang magiging disenyo ko dahil unang una hindi ako papayag na maging interior designer niya. I don't care what they'll think about that but I won't accept it. Never.
"Because the house itself is the house we dreamed of. Naisip ko lang na magkaparehas naman sila, bakit hindi nalang iyon ang ilagay ko? Wala namang binigay na descriptions si Mrs. Mercado o talagang wala lang siyang pakialam. Well, mas maganda na rin iyon dahil mas naging malaya akong gawin ang gusto ko" sabi ko at iminuwestra ang mga disenyo. Imbes na tignan iyon ay ako lang ang tinignan niya.
Nakakailang ang paraan niya ng pagtitig. Kung ayaw niya, I can always change it or better yet, mas magandang mag-quit nalang ako as his interior designer.
"How 'bout the furniture? Natawagan mo na ba?" Aniya.
"Not yet, but I can do that. Give me a day or two—"
"Give me the list and I'll do it" does that mean?
"Hindi mo ba muna titignan? The kitchen? Living room?" umiling siya.
"I'm fine with your designs. What you want... I'll give you that" umiling ako. He will give me what? The designs that I want? What for? Hindi na niya ako maloloko. Hindi na ako ang eighteen years old na babaeng iniwan niya noon.
"Fine" kinalkal ko ang bag ng laptop ko. Sa pagkakaalala ko ay doon ko nilagay ang mga listahan ng furnitures kasama ng kung ano ang kukunin doon. Binigay ko iyon sa kaniya. "Kung wala ka ng kailangan pa. Aalis na ako"
"Saan ka pupunta?" kunot noo ko siyang nilingon.
"I think that wasn't part of our meeting?" sagot ko.
"Pupuntahan mo ba iyong boyfriend mo?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Bakit hindi? Pwede ba! Hindi tayo nandito para pagusapan kung saan ako pupunta at sino ang pupuntahan ko. Nandito tayo para pagusapan ang disenyo ng bahay mo na hindi ko alam na bahay mo pala! Kung pupuntahan ko ang boyfriend ko, wala ka ng pakialam pa doon!" inis kong sabi sa kaniya.
Masama ko siyang tinignan bago sinimulang ligpitin ang mga gamit ko. Nilagay ko ang laptop ko sa bag nito at isinaara. Isusukbit ko na dapat iyon sa balikat ko pero bigla niya iyong kinuha.
"Give me that!" mariin kong sabi. Nagkibit balikat ito at kinuha ang mga gamit kong natira sa table bago ako tinalikuran. Inis na sinundan ko siya. "Toffer!" sigaw ko ng makalabas na kami. Sinusubukan ko namang agawin pero mas mabilis siyang gumalaw. Binuksan nito ang pintuan ng isang sasakyan at pinasok ang gamit ko doon tsaka hinarang ang katawan.
"What's your problem! Give me my things!" sigaw ko. Hinihila ko siya paalis doon pero hinila niya lang ako palapit sa kaniya. Nawalan ako ng balanse maya kahit na ayaw ko ay bumagsak ako sa kaniya.
Dalawang braso niya ang yumakap sa akin at bago pa man ako makapagprotesta ay niyuko niya ang leeg ko at siniksik doon ang mukha niya.
"Toffer ano ba! Get off me!" I tried to push him but he is twice stronger than me. Naiiyak na ako sa inis. Naiiyak ako dahil pakiramdam ko ay wala na naman akong magawa sa kaniya.
"Not until you promise that you won't see that guy!" Bulong niya.
"Why do you care! You're not my boyfriend! Get off me! D*mn you!" mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ang labi niya sa leeg ko.
"Toffer!"
"I'm your boyfriend, Yxel. Hindi tayo nag-break. Akin ka lang"