Chapter VI
"Siya 'yon? Bati na kayo?" nilingon ko si Toffer na nakasandal sa nakasaradong pinto ng sasakyan ko. Pinaglalaruan niya ang susi sa mga kamay.
Kung tutuusin, halos hindi ko na siya kilala. Halos anim na taon siyang nawala. Mula sa appearance, malaki na ang pinagbago niya. Ano pa kaya sa ibang mga bagay? Masasabi kong kilala ko siya sa pangalan pero hanggang doon nalang iyon. Ibang iba na siya. Hindi na siya ang Toffer na dating akin. What we had is history.
"Siya iyong lalaking nangiwan sa akin. Iyon lang iyon" sagot ko. Nilingon ko ulit si Toffer at umiling. Pagkapark ko kasi ay iniwan ko na siya sa loob. Ayaw kong sinusundan sundan niya ako. Hindi ko alam kung bakit pa nga siya nakasunod sa akin dito.
"Ay ang bitter. Ilang ampalaya ang nakain mo?" inirapan ko siya at hindi na nagkumento pa. Naglakad ako pauna kay Toffer. Nilingon niya ako. Tumayo siya ng maayos ng makita ako.
"Sa likod ka Toffer" sabi ko bago hinablot ang susi sa kamay niya. Hindi ko na siya pinayagang magsalita pa o kahit ipakilala kay Sam. Nawala ako sa mood para gawin iyon.
Umikot ako sa driver seat. Pumasok naman agad si Sam sa passenger seat at si Toffer sa likod. Wala kaming imik na tatlo. Mas maganda na rin iyon.
"Sigurado ka bang sasama ka sa akin? Pwede namang sa susunod na araw nalang" sabi ni Sam gamit ang lalaking lalaking boses.
"Tomorrow, then? Ilang araw ka ba dito?" Hindi ko siya magawang tignan dahil pahinto hinto ang sasakyan. Traffic kasi. Traffic na naman.
"I'm not yet sure. How 'bout you? Ang sabi mo pagkatapos ng kasal babalik ka rin? Anong nangyari?"
"May tinanggap akong project. Malapit ko narin namang matapos. Siguro pagkatapos no’n uuwi na ako" may narinig akong tumikim at alam na alam ko kung sino iyon. Kulang nalang umikot ang mga mata ko sa pagkairita.
"Si Toffer pala Sam, friend ko and Toffer, he's Sam, my boyfriend" sinamaan ko ng tingin si Sam ng bigla niya akong sipain. Anong problema ng baklang ito?
Hinayaan ko silang magbatian at magusap. Hindi ko naman kailangan na sumabat dahil wala naman akong masasabi. Pagkatapos no’n ay muli na naman kaming nanahimik hanggang sa huminto ang sasakyan sa harapan daw ng bahay ni Sam. Lumabas ako at nagpaalam. Hinalikan ni Sam ang pisngi ko katulad ng nakasanayan niya bago ako muling bumalik sa sasakyan.
Pinaandar ko muli ang sasakyan. Hindi na siya umiimik hindi ko na rin siya inimik. Pagka-park na pagka-park ko ng sasakyan sa harapan ng bahay namin ay agad siyang lumabas. Hindi man lang nagpaalam sa akin at basta nalang umalis. Ano pa bang aasahan ko sa kaniya?
Lumabas na rin ako. Nilingon ko kung saan siya pumunta pero nakita ko lang siyang naglalakad habang nasa tenga ang isang kamay. May kausap sa phone? Pakialam ko ba?
Umiling iling ako at pumasok. Napakahirap intindihin ng mga Dela Marcel.
As usual, wala na namang ibang tao sa bahay maliban sa mga maids. Kahit naman kasi pigilan ko si Dad na mag work ay ipipilit parin nito ang gusto.
Paakyat palang ako papunta ng kwarto ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Nilingon ko ang caller at agad kong sinagot ng makita kung sino iyon.
"Good afternoon, Ms. Winslou. I just want to ask if you're done with the designs? Gusto ko ng makita ang buong designs ng mga kwarto, so as kitchen and other things"
"No problem, Ma'am. I'm done with all the designs. Handang handa na po lahat" sagot ko. Ang kulang nalang ay ang bisitahin ko ang bahay pero magagawa ko naman siguro iyon one of these days.
"Perfect. See you tomorrow then. Same place and time. I have to go"
"Wait. Ma'am? Hello?" halos mapasigaw ako sa frustration ng makitang pinatayan na ako. I tried calling her pero out of coverage na ang phone niya.
Hindi ako pwede bukas. Sasamahan ko si Sam sa parents niya. Hindi ko alam Kung bakit parang nagkainteres bigla si Mrs. Mercado sa designs ko gayong sa pagkakaalala ko ay halos Hindi niya tignan ang mga pinakita kong disenyo sa kaniya noong huli kaming magkita.
Sa lahat pa talaga ng araw ay bukas pa niya ginusto get makita. Pwede namang ngayon na. Pwede namang sa ibang araw nalang at wag ng bukas. Sinubukan ko siya muling tawagin pero ganun parin.
Sa huli ay si Sam nalang ang tinawagan ko. Panigurado ay nasabi na niya sa parents niya na bukas niya ako dadalhin doon. Anong gagawin ko nito?
"Hindi talaga ako pinagpahinga? Halos kakahatid mo lang sa akin tapos tawag agad?" sarkastikong sabi ni Sam. Gusto kong umirap pero pinigilan ko dahil importanteng bagay ang itinawag ko.
"We have a problem, Sam" panimula mo.
"Buntis ka tapos si Toffer ang ama?" What?
"Hindi iyon! Walang kinalaman ang lalaking iyon dito, Sam. I'm serious here!" pagtataray ko. Bumuntong hininga ako.
"E ano? Nagkabalikan na kayo? Good for you—"
"Samigno Ildefonso III!" sigaw ko.
"Ay Grabe! Sam nga kasi! Ano nga iyon? Nak-stress na ako sa'yo!"
"I have a client meeting tomorrow. Katatawag lang. Hindi ko naipa-cancel kasi biglang namatay iyong linya" there. Nasabi ko rin ng hindi niya ako pinangungunahan.
"And? Hindi ko pa naman masasabi kila Daddy kasi wala pa sila. I've heard that Dad is throwing a party for me. Mas maganda siguro kung doon nalang kita dadalhin" nabunutan ako ng tinik ng marinig na hindi niya pa nasabi sa Dad niya. Thank God!
"Thank God! Just call or text me about the party. I'll let you rest, now"
"Finally!"
Katulad ng nakasanayan ko ay twenty minutes bago ang meeting ay papasok na ako ng coffee shop. Dala dala ko ang laptop at ilan pang gamit.
Nagmadali akong pumasok at umupo sa unang bakanteng table na nakita ko. Isa isa kong inayos ang mga gamit ko sa table. Lumingon ako sa buong coffee shop. Halos wala namang tao rito. Naiwan ko pa kasi ang blue print sa kotse. Wala naman sigurong kukuha ng gamit ko,
Tinignan ko ang mga disenyo ng nagawa ko. Katulad ng sinabi niya ay inangkin ko talaga ang bahay. Lahat ng gusto kong disenyo ng magiging bahay ko ay siyang idinisenyo ko sa bahay na iyon kaya sigurado akong magugustuhan ito ni Mrs. mercado.
Lumingon ako sa relo ko. Sampung minuto pa bago siya dumating. Tinawag ko ang waitress para mas makasiguro. Pinabantayan ko ang mga gamit ko bago tumayo at lumabas.
Malapit na ako sa kotse ko ng mapansin ang dalawang bulto ng tao sa gilid ng coffee shop. Nilingon ko iyon at kumunot ang noo ko ng makita si Toffer at Mrs. Mercado na naguusap. Magkakilala sila?
Wala sa sariling lumapit ako doon. Ilang kotse nalang ang kayo namin sa isa't isa ng marinig ko ang pangalan ko.
"You should ask Yxel to look at the house or something like that. Kailangang ma papayag mo siya! I want her in my house tomorrow morning!" Nanlalaki ang mga mata ko.
I want her in my house tomorrow morning!
You should ask Yxel to look at the house or something like that.
Ang bahay na dinidisenyohan ko. It isn't Mrs. Mercado's house but Toffer?