Chapter 7: Pulis na Makulit

2092 Words
Jadie's POV Nakatingala ako ngayon sa madilim na kalangitan dito sa likod ng gusali namin.Tila may nagbabadyang malakas na ulan dahil napakaitim ng mga ulap sa kalangitan, na siyang nagtatago sa mga bituin. May kalakasan na rin ang hangin dahil sa paggalaw ng mga sanga ng puno. Ang bilis dumaan ng mga araw, kailan lang no'ng nagkabwisitan kami ni Gian the unggoy sa unang drill at ngayon isang linggo na ang nakalipas. Sa isang linggo na 'yon marami na ring nagyari, tulad ng nakasanayan at wala ding pagbabago. Malalim na ang gabi, tulog na rin ‘yung mga kasamahan ko. Naparito lang naman ako dahil hindi ako makatulog, iniisip ko kasi sila Mama at Papa. Pa’no na kaya silang dalawa doon? Hindi ko maiwasang mag-alala sa kanila dahil first time ko lang naman na mailayo kagaya nito. Maya-maya pa, habang napapa-isip ako ay nakaramdam ako ng makati sa braso ko. Kasabay pa nito ang nakakairitang tunog, na parang isang sirang eroplano. Nilalamok na pala ko dito at ayoko namang maging dinner nila ang special bagoong kong dugo at baka mamaya ay magkasakit pa sila sa bato, siya pang mauubos sa lahi nila. Kaya't naisipan ko ng umakyat sa silid namin. Nagsimula na 'kong maglakad sa madilim at nakakatakot na paligid, pero ‘di ako takot sa multo, ah? Baka sabihin niyo pang bakla ako. Share ko lang ‘to! Maraming multo sa Isabela, minsan nga pinautangan mo lang eh, tapos pagkadating nang araw na bayaran na, saka ka tataguan. Hindi mo na siya mahanap-hanap kasi naglaho na lang bigla. ‘Di ba, parang multo? Ang saya 'no? Nangangalahati na 'ko bago makaakyat sa hagdanan nang makarinig ako ng kaluskos at tunog ng mga tuyong dahon na naapakan. Kasabay pa nit ang parang pagragasa ng tubig. Nilingon ko naman ‘yung bahabang sink sa gilid pero wala naman. Nag-uumpisa na tuloy akong pangilabutan. Joke lang pala na hindi ako matatakutin! 'Sino ka? Laro tayo?' pagbibiro ko pa sa isip sa pambatang tono ng boses. Kahit na naninindig ang mga balahibo ko ay nakuha ko pa ding buksan ang selpon ko, sabay bukas ng flashlight at tinutok sa pinanggalingan ng kaluskos. "Ay unggoy ka!" gulat kong sambit nang makita ko ang bulto ni Gian, habang nakatalikod. Bigla rin naman itong lumingon sa akin at hinarang ang isang kamay sa mata, nasilaw ‘ata ang gago. "Anong ginagawa mo d’yan? Dis oras ng gabi mag-isa kang nakatayo d’yan. Mangkukulam ka ba?" sunud-sunod na pagtatanong ko sa kaniya. Ngumisi lang naman siya bago sumagot. "Jumi-jingle ako! Mangkukulam ka d’yan? Ikaw nga ang mukhang ipinaglihi sa kulam," sagot nito sabay bulong sa huling sinabi. Hoy! Narinig ko ‘yon pero pagbigyan na natin, hidi naman 'to mananalo sa 'kin eh. 'Ang layo pa ng pasko jumi-jingle ka na? Ibang klase ka rin ’to 'no? Hindi ka nga talaga galing sa planetang 'to. Siguro ay galing ka sa planeta ni Goku. Hahahaha!' ganti ko namang sagot sa kaniya sa isip-isip. Tatawa o ililibing kita? Gaya ng nakasanayan patuloy pa rin sa pambwibwisit ang hinayupak na unggoy na ‘to. Ewan ko ba? Para lang siyang uod na nakakainis sa kakakulikot, ‘tapos panay pa ang bigay ng sakit sa ulo akin. Nababawasan tuloy ‘yung kagwapuhan ko. Kung gago lang rin akong lalaki at sanay sa mga rabulan, matagal ko ng sinapol ang isang ‘to sa ulo. Tumingin lang ito nang nakakaloko at iniharap nito sa 'kin ang pototoy niya. Dugyot! Aso't unggoy na nga, may lahi rin pa lang ponstar ang animal. "Waaahhh!" pananakot nito sa akin. Akala siguro niya matatakot ako. "Bwisit kang unggoy ka! Yuck juts!" Sabay turo ko sa taguro niyang ewan ko ba? Parang siling lanta haha. Tumawa pa ako ng malakas dahil sa nakita ko. Magsasalita pa sana ako nang magsimula na siyang lumapit sa akin habang gano’n ang itsura niya. Dahil naman sa hindi ko na alam ang gagawin ko ay kumuha ako ng buhangin at sinaboy sa kaniyang mga mata. "A-Argh! Gago ka, Jadie! Ahhh," daing nito sabay kuskos sa kaniyang mata. Tumawa lang naman ako bago tumakbo paakyat nang hagdanan. Doon ko lang din naramdaman ang buhos ng ulan. "Kapag ako nabulag dito, ako mismo ang dudukot sa mga mata mo!" galit nitong sigaw sa kaniyang kinatatayuan. Whahahaha! Para lang talaga siyang unggoy na inagawan ng saging, haha. Buti nga sa kaniya. Ganyan ang napapala ng mga m******s. Enjoy rin pala siyang kakulitan at asarin. "Pa'no mo pa makikita at madudukot kung bulag ka na? Tanga ka ba? Gago ka ba?" sambit ko habang nakatanaw sa may hagdan. 'Hinding hindi ka mananalo sa 'kin kahit magsama-sama pa kayong lahat. Syempre, matatalo ako, alangan namang mananalo ako eh, mag-isa lang ako!' Bigla na lang akong napatakbo ng mabilis nang makita ko na ulit siya sa ibaba. Hala! Pa’no ‘yon nangyari? May super powers ba ang isang ‘to at napakabilis niyang kumilos nang hindi ko napapansin? Baka naman masyado lang akong nag-enjoy sa eksena kong ‘to? Hindi ko naman inaasahan ang mangyayari dahil ang dilim-dilim na rin naman dito. Sa sobrang bilis ng takbo ko ay ‘di ko na napansin, na may tubig pa lang tumulo sa hall way at nadulas ko. Nakaramdam na lang ako ng sakit sa pwet dahil sa pagkabagsak ko sa matigas na sahig. "Aray," daing ko habang napapahawak sa masakit kong pang-upo. Na-flat na ‘ata! 'Argh! Ang bilis talaga ng karma!' isip ko pa habang nakikita ko naman si Gian, na ngaton ay siya naman ang tumatawa. ALAS tres ng umaga, maaga kaming ginising dahil lalabas daw kami ng kampo para mag-jogging at may camping activity daw kami sa bundok. Ayoko pa sanang bumangon dahil sarap na sarap pa akong natutulog sa pinagtitiisan kong mala batong higaan, pero no choice na 'ko kaya tara na. Habag bumabangon ay naalala ko na naman yung nangyari kagabi. Masakit pa rin ang pwet ko sa pagkakabagsak ko sa may sahig. Napabaling naman ako sa pwesto ni unggoy at nakangisi lang ito. Nakakairita ‘yung mukha niyang ganyan! 'Ngising aso! Sira na naman ‘tong araw na to!' napapabuntong-hininga kong saad sa isip ko. Matapos ‘yon ay dali-dali na akong bumangon at nag-ayos n g sarili. Nagsuot lang naman ako ng urban short at ‘yung type-b t-shirt ng uniform namin. Sa paa naman ay ‘yung black na Nike kong sapatos. Nagdala rin ako ng tumbler para sa tubig at isang face towel. Tinawag ko na rin sina Sara at Leo upang sabay na kaming bamaba at makapaghilamos muna. "Good morning, Cap!" bati sa ‘kin nang dalawa pero ‘di ko na lang sinagot. 'Walang maganda sa umaga ko! Tingnan mo nga, oh? Ang dilim-dilim pa eh, nakita ko na agad ‘yung mukha ng kinaiinisan kong tao sa mundo. Ang mas masahol pa ay kulang rin ako sa tulog!' sira kong ganyan sa isip ko. Nakita ko naman ang pag-irap sa 'kin ni Sara, nang ‘di ako sumagot. Tingnan mo 'tong babaeng ‘to, parang suman, balot na balot. Mukhang hindi nga ‘to magjo-jogging eh, parang tinamaan lang nang bird flue. Whahahaha! Nandito na kami ngayon sa ibaba at naghihilamos na. Malamig pa ‘yung tubig. kaya nakakagising talaga. Mabuti na lang at nakapag-freshen up at nawal bigla ‘yung bad vibes sa aking mukha. Cold morning water is my savior! 'Refreshing!' buhay na buhay kong saad sa isip ko. Lakas maka-commercial 'no? Kung hindi lang talaga ako nagpulis, siguro ay artista na 'ko. Makapal ba talaga ang mukha ko o sakto? "Itsura mo d’yan, para kang suman," pamumuna ni Leo sa kaniya at parehas pala kami ng iniisip. Haha! What a coincidence? "Pakialam mo ba? Eh, sa nilalamig ako. Ikaw nga para kang turon d’yan sa dilaw mong sando!" sagot naman nito nang pabalang. As usual, nagtalo na naman sila, kaya umalis na 'ko at iniwan sila nang hindi nagpapaalam. 'Isang tigasing baboy at matapang pusa!' --- "Sige na, Leo, bilisan mo pa!" sigaw kay Peppa, na ngayon ay ‘di na makasabay sa amin ni Sara sa pagtakbo. Papasikat na ang araw ngayon at nandito kami sa gilid ng daan, dito lang din sa labas ng kampo at nag-eehersisyo. Ewan! Siguro ay excited lang akong makalabas dahil gusto ko lang makakita ng mga sexy chix. "T-Teka l-lang, magpahinga naman t-tayo," hinihingal na sambit nito at himinto sa habang nakayukod. 'Hindi pa nga nakakalayo pagod na? Ang hina mo naman! Kaya ang laki ng katawan mo eh,' isip-isip ko. Nilapitan naman namin ito ni Sara at saka inabutan ng tubig. Ang lakas niya pa lang uminom. Uhaw na uhaw siya. Kung sabagy ay masama rin kasi kapag kinukulang ng tubig ang katawa. Dehydration ay aabutin kapag gano’n. "’Insan ‘di ba gusto mo ng McDo?" tanong ni Sara sa kaniya at panay naman ang tango nito na kumislap pa ang mga mata sa narinig, " E di tumakbo ka na. Ililibre kita pagkatapos nito!" pagpapatuloy pa niya. "Talaga?" Si Leo na parang naghugis fried chicken pa ang mata. Tinangulan lang naman ito ng may butihing pusong si Princess Sara nang Chuminea at ako si Miss Minchin, na kontradida? No, ‘yung guard na lang nila! Hindi ko alam ang pangalan pero hayaan niyo na. Sa mga nakakaalam, ‘yon na ‘yon! Natatawang nag-apir na lang kami ni Sara nang kumaripas sa takbo si Leo. Baboy nga! Mukhang pagkain talaga, haha. 'Parang si Flash lang sa bilis eh, napabayaan nga lang sa kusina!' Matapos ang dalawang oras na pagtakbo ay nagbalot-balot na kami ng mga gamit para sa camping activity namin. Oh, ‘di ba? Ang lakas lang maka-boy scout at girl scout 'no? Sana ay may treasure hunting rin ,t’apos si Leo ang tutugisin. Hahahaha! Siguradong letchon ang aab utin niya doon. Kakatapos ko lang maligo at heto, dating gawi, makikita ko na naman ang mga mukhang sambakol kong mga kagrupo. Nagdala na ako ng damit kanina sa banyo, kaya diretso upo na 'ko sa kama ko. Ayoko kasing nakikita ng iba ‘yung katawan ko eh. It sounds like gayish, pero talagang ayoko lang mabusog at masanay ‘yung mga mata nila sa kagandahan ng katawan ko. "Sir Jadie, mauna na po ako sa ibaba." paalam ni Mark, isa sa mga kasamahan ko, sabay kuha ng bag niya at lakad palabas ng silid. Tinanguan ko lang naman ito bilang sagot at ngumiti. Maya-maya pa ay kinuha ko na rin ‘yung travel bag ko at naisipan ng bumaba. "Tara na!" aya ko kila Sara at Leo, na nakahiga pa sa kani-kanilang kama. Napagod ‘ata 'tong mga ‘to? Pa'no kasi, ang bibigat ng katawan? Kung ‘di ko lang kaibigan 'tong dalawang ‘to, pagkakamalan ko talaga silang sumo wrestler. Bumangon naman sila sa aktong tinatamad, sabay kuha ng mga gamit at labas ng pinto. Hindi na nila ako hinintay. Sana pala ay iniwan ko na lang sila. 'Mga heartless monster, mga zombie pigman!' inis kong sambit sa isip ko. Hinabol ko naman sila at tinulak. Kaya naman… Ayun, para silang bread roll na pinagulong-gulong sa bread crumbs. Inirapan na lang nila ako habang pinapagpagan nila ang isa’t isa. Tawa lang naman ako nang tawa dahil sa m ga itsura sila. Ako na talaga ang pinakagagong pulis sa mundo! BAGO naman kami sumakay sa van ay tinawagan ko muna sina Mama at kinamusta sila ni Papa. Maayos naman daw sila, kaya ibinaba ko na agad ang tawag, baka kasi iyakan na naman niya ako at sabihing, "Miss na miss na kita, anak! Huhuhu." Feeling ko kasi ay nasa langit na ako kapag gano’n siya. Maya-maya pa ay nagsimula na rin kaming bumyahe. Doseng sasakyan ang ginamit namin dahil marami kami at masaya dahil bawat grupo ang magkakasama, walang out of place. Napapaisip na lang kaming lahat kung saan ba kami pupunta? Excited na rin akong makarating at malaman kung saan ‘yon pero ang sabi nila ay surprise daw ito. ‘Birthday party ba ang pupuntahan namin, kaya may surpresa pa silang nalalaman?’ Habang tumatakbo ang sasakyan ay lumilipad naman ang isip ko. Matapos ang ilang oras na byahe mula sa kampo kanina ay nakarating rin kami. Madilim na ang langit at nakikita ko na rin doon ang makukulay na mga bituin at maliwanag na buwan. Doon ay napagtanto ko rin naman kung nasaan kami dahil nakita ko na ito sa isang picture. "Wow, Tagaytay!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD