Jadie's POV
Day 2 sa Camp.
Umpisa ng training namin at nandito kami ngayon sa isang office dahil ipinatawag kaming mga team captain ng mga grupo, para sa mga ilang anunsyo na kailangan daw naming malalam. Onse kaming naririto sa office, sampu kaming mga lider at si Sir Aldon, na kinababaliwan ni Princess Sara. Oh, walang kokontra ‘yon ang sabi niya!
Malawak 'tong opisina, pwede nga kaming maglaro ng tagu-taguan dito eh. Marami ding mga halaman dito sa loob, na kung titingnan at susuriin mo talaga ay iisipin mong hindi pulis ang may-ari nito sa sobrang kalinisan. Very organize ang lahat ng mga gamit dito at syempre, pati na si Sir.
'May janitor pala dito ba't doon sa 'min wala? Discrimination is real. So, maglilinis kami doon, gano’n ba?' isip habang pinag-aaralan ang lugar at nang makita ang lalaking may hawak na panglinis.
Nasa ganyan akong pag-iisip nang may bigla akong naalala no’ng panahong high school pa ako. Naalala ko ‘yung teacher namin na sinabihan kong, ‘maraming namamatay sa sobrang kalinisan’, na sinagot niya ng, 'Sino nangibaga? Ta bekkelek!' (Sino nagsabi? At sasakalin ko!) Whahahaha! Quite na lang tayong mga dugyot. Oh, tama na ‘yan. Ang aga-aga nakarami na naman ako ng Bangka.
"Good morning, Sir!" sabay-sabay naming bati kay Sir Aldon, sabay bigay pugay. Sumaludo naman ito pabalik bago umayos ng pagkakaupo sa kaniyang office chair.
Si Sir Aldon ang pinakamataas ang posisyon dito sa training camp. At his young age of 28, nasa ganyan na siyang posisyon. Kung hindi ako nagkakamali, malakas ang kapit nito eh. Sirugo ay mayaman din ‘to?
'Sa taas ba naman nang posisyon walang pera? Ano ‘yon nagpapakabayani lang?' asik kong ganyan sa isip ko. Hehe, tawa na lang kayo.
Matangos rin ‘yung ilong niya, moreno at brownish ang kulay ng kaniyang mga mata, gano'n din ang kaniyang mabatong katawan. Mapagkakamalan mo talagang siyang model sa isang sikat na magazine, sa unang pagkakakita mo pa lang sa kaniya. In short, borta si Sir. Daddy na daddy, sabi nga nila.
'Aysus… Katawan lang naman ang nilamang nito sa 'kin eh,' saad ko sa isip ko habang sunusuri ang kaniyang kabuuan.
"Good morning, have a seat!" bati nito pabalik at nag-alok nang upuan sa side part ng office niya.
Ang lambot ng sofa dito ah? Parang ‘yung higaan ko lang sa bahay namin, pero bakit ‘yung kama ko dito ang tigas? Ang sakit kaya sa likod, kasing tigas nang mukha ni Sara!
"Now, I want the ten of you to be the official leader of your group. As I see on your credentials, pang high level ang mga pag-iisip niyo. What I'm trying to point out is matatalino kayo. Maaasahan ko ba ‘yon dito sa training?" mahabang pagpapaliwanag nito na magkasugpong pa ang mga daliri sa kamay, sa ibabaw ng mesa.
Speaking of teams leader na yan. Bakit ‘di kaya ako tumakbong kapitan sa barangay namin doon sa probinsya? Siguradong mananalo ako, sa pogi kong ‘to? Naku! Dadagsain siguro ako nang napakaraming boto n g mga tao. Whahahaha! Tatawa o tatawa?
'Proud na proud sa sarili, ah?' biglang sulpot ng gago kong utak.
Marami pang ipinaliwanag si Sir Aldon sa 'min, gaya ng mga rules and regulations sa training ,pati nar in ‘yung mga signs and gestures na aming gagamitin sa pag-command.
"That's all, you may go."
Nagpaalam na rin kami pagkatapos niyang sabihin ‘yon.
"Thank you, Sir!" halos sabay-sabay naman naming sagot at muling sumaludo dito.
'Yes, maisasakatuparan ko na rin ang lahat! Humanda ka sa 'king unggoy kang, Gian ka!' napapangiting isip-isip ko habang palabas ng pinto. Kita ko siya mula dito opisina at nakatanaw sa may hallway, mula sa palapag ng aming silid.
Daga talaga sa buhay ko ang isang 'yon. Naalala ko na naman tuloy ‘yung ginawa niyang kahihiyan kahapon sa orientation, na-warning-an pa tuloy ako dahil sa kaniya. Pero mabuti na lang at naging team leader pa rin ako, kahit na medyo nangunguna sa mga kalokohan.
'Ano kayang bago mamaya sa gagoong 'to?' nakapaningkit ang kaliwa kong mata habang nakikita ko sa siya glass wall ng office. Hindi pa pala ako nakakalabas nang dahil sa kaniya. Teka nga! Bakit ba ako affected sa presensya nang tao ito?
Bubuksan ko na sana ang pinto nang marinig kong tinawag ulit ang pangalan ko. Paglingon ko naman ay si Sir Aldon pala ito. Bakit ako? Ano naman kaya meron sa akin?
"Argiel," pagtawag niya sa pangalan ko. Kumaway naman ito sa akin, senyales na lumapit daw ako sa kaniya.
"Ano po ‘yon, Sir? May kailangan po ba kayo sa ‘kin?" tanong ko naman nang makalapit ako sa kaniya. Umiling lang naman ito, sabay buklat nang isang folder at kung ‘di ako nagkakamali sa 'kin ‘yon. What’s with me ba talga?
'Oh yeah! Now I confirmed na may stalker na naman akong isa. Iba talaga kapag gwapo na, pulis pa!’ mayabang ko pang saad sa isip ko.
"Nothing… I just want to make this thing clear," agad na sambit nito sa 'kin sa seryosong tono sabay turo sa personal data sheet ko, sa may bandang kasarian.
'Seryoso? Bulag ba to?' asik ko sa isip ko habang nakatingin din sa tinuturo niya.
"Obvious ba, Sir?" medyo napalakas kong sabi. Nakakaramdam na ako ng inis dito, ah?
Umiling lang naman ito at ngumiti bago sumagot.
"To be honest, no, you look feminine kasi," bigla naman niyang sagot at kumindat pa talaga. Jusko! Yucks!
Para namang akong tinakasan ng kaluluwa ko sa narinig at naestatwa sa aking kinatatayuan.
'Hoy! My dear soul, bumalik ka na,' paghahanap ko sa aking tahimik na kaluluwang ginambala nang demonyong nasa harap ko. Yay! Nakakapangilabot siya.
Nakita ko pa ang pangangalumbaba nito sa table niya at bahagyang pumikit-pikit. Para lang siyang manika, na kapag pinapatayo at pinapahiga ko ay didilat at pipikit. I hate that thing, nakakatakot!
'Jusko! Nagpapa-cute ba siya o gumagawa ng pera?HIndi ko akalaing may saltik rin pala ‘to, kagaya ni Gian.' Sabay takbo na ako palabas nang opisina niya.
---
"Anong ginagawa mo d’yan, Cap?" si Sara na nakadapa sa higaan niya at panay ang pagpindot sa kaniyang selpon. Naglalaro ‘ata nang Candy crush. Ewan ko rin dito, may sayad ‘ata eh. Hanggang ngayong adik pa ba siya d’yan sa larong ‘yan?
Alas dose ng tanghali, kakatapos lang naming mananghalian at nandito kami ngayon sa silid naming magkakagrupo. Nakilala ko na rin sila kahapon pero mas close ko talaga si Sara at Leo. Ewan ko ba? Mas gusto ko silang kasama, siguro ay marami lang talaga kaming pagkakapareho sa isa’t isa, kaya gano’n. HIndi lang ako sure kung may dugo rin silang bagoong tulad ko. Hahahaha!
"Huh? Anong Cap? Sinong Cap?" tanong ko habang nakaharap ako dito sa may salamin, sa likod ng pintuan at tinitingnan ang bawat sulok ng muhka ko. Nangungulubot na ako sa stress, sa dalawang araw ko dito. Puro kalokohan na lang kasi ang nangyayari sa buhay ko.
'Ano ba ‘yan? Ganito na ba kapangit ang nga tao dito, para itago 'tong salamin sa likod ng pintuan. Hoy! Mahiya kayo!' asik kong ganyan sa isip ko. Isa rin ‘yung naglagay dito eh, napakabopols. Dumagdag na naman tuloy sa stress ko.
Bigla naman itong unayos ng upo at binitawan ‘yung nilalaro niyan. Kami lang ang nandito, kaya nagagawa niya ang gusto niya. Si Leo naman ay nasa banyo lang at naliligo. Ang tagal nga eh, meron na sigurong trenta minutos. Hindi ko alam sa isang ‘yon, mukha namang nagmimilagro na ‘ata eh.
"Ikaw! Sino pa bang Cap dito, kun’di ikaw lang naman. Bakit may nakikita ka bang hindi ko nakikita?" Si Sara ulit, na pagulong-gulong pa sa higaan niya. May sayad nga ang babaeng ‘to.
'Tsss... Mukhang bread roll,' saad ko sa aking isipan. Nagugutom lang ‘ata ako?
"Meron, ‘yang mga paputik nang bulkan sa mukha mo!" pamimilosopong asar ko dito. Sinamaan niya naman ako nang tingin, sabay flip pa ng hair.
"Grabe ka, Cap, ah? At least 'tong mga ‘to eh, mahal ako. Hindi ako iiwan ng mga ‘yan kahit na anong pilit ko silang itabaoy," sambit niya na napapatawa pa. Gusto ko sanang matawa pero ayoko namang magmukhang malinis ‘no? Dugyot rin kasi ako minsan.
"Anong pakialam ko?. Ano ba kasi ‘yang Cap na ‘yan?" tanong ko ulit, curious ako eh. Bakit ba?
Umayos naman ito bigla nang upo, mukhang nakukulitan na sa akin. Hahahaha! Gustong gusto ko talaga ‘yung may naaasar o ‘di kaya ay napipikon at naiiritan sa akin. Well, kasiyahan ko ‘yon!
"Cap, as in Captain. Kapitan ng barangay, char!" paliwanag niya. Eh? Isang napakalaking waley!
"Ang lakas mo namang makapolitiko at makabarangay hall!" sabay tawa ako ng malakas, ‘yung tipong parang pilit lang.
Habang nagbabangayan naman kami nitong si Princess Sara nang Chuminea ay bigla namang bumukas ang pinto ng banyo. Sa wakas natapos rin 'tong espasol na Leo, akala ko pa naman titira na sa inidoro. Yucks!
"Oh, anong tinitingnan mo d’yan, Cap?" Si Leo na nakatapis at naglabas ng mga damit niya sa bag. Isa rin ‘to! Cap sila nang Cap eh, kung kapain ko kaya mga ano nila?
Bigla naman akong humarap sa kanila nang naka-Mr. Pogi pose.
"Sara, Leo?" tawag ko sa kanila.
"Oh," sabay nilang sagot at tumingin sa 'kin. Nakita ko pa ang pagtaas ng isang kilay nila nang makita ako, pero ‘di ko na lang pinansin. Ano na naman kayang pakialam ko sa sabog nilang mga kilay?
"Mukha ba talaga akong babae?" wala sa sariling tanong ko sa kanila. Nanlaki na lang ang mga mata ko nang bigla silang tumango-tango, na parang gutom na asong sinusundan ang hawak mong pagkain.
“Totoo?”
ALAS tres ng hapon, nakatayo kami ngayon dito sa field para sa first training namin, na siyang nakasulat sa schedule. Mataas pa ang sikat ng araw pero medyo nasisilungan na kami ng mga nagtataasang puno palibot sa buong kampo.
"Head count!" utos ko sa mga kagrupo ko habang nandito ako sa harap at sinumulan naman nila ang pagbilag. Ngayon ko lang napagtantong iba pala ang suot kong uniform sa kanila bilang team leader.
"Sampu!" sigaw nang huli naming kasamahan sa likod.
Agad naman akong napatingin sa likod dahil kulang ang bilang, dapat ang hihintuan nito ay labin' isa dahil pang labin' dalawa naman ako. Masinsin ko silang tiningnan isa-isa, meron naman si Sara, Leo pati na rin ‘yung unggoy na si Gian. Kompleto naman kami, ano kayang problema? Hindi ko ma-gets!
"Manatiling walang kilos! Bumilang!" sigaw kong utos muli sa kanila,. Pinalalim ko pa ang boses ko para mas maging seryoso. Ewan ko lang kung anong kinalabasan? Mukhang alam ko naman kung sinong kulang. Hay naku, sakit talaga sa ulo ang isang ‘to!
"Isa!" pag-uumpisa ko na.
'Dalawa!'
'Tatlo!'
'Apa!t'
'Lima!'
'Anim!'
'Pito!'
'Walo!'
'Siyam!'
'Sampu!'
“Labin' isa!” pagtitigil ng bilang.
Naningkit naman ang isa kong mata dahul kulang na naman. Huling huli ko na talaga kung sinong hindi bumibilang. Mabilis naman ako humakbang papunta sa likod na naniningkit ang kaliwang mata.
"Pipi ka ba o ‘di ka marunong magbilang? Inuubos mo ‘yung oras eh," inis kong sambit nang makalapit ako kay Gian.
Bigla lang naman itong tumingin sa 'kin ng nakakunot sabay bilang sa aming lahat na magkakagrupo.
"Isa, dalawa, lima, siyam, sampu!" rinig ko pang bilang niya. Hindi nga marunong ang gago. Pa’no naman siya nakatuntong dito kung bopols nga talaga siya? Sabihin niyo nga dahil hindi ko talaga maintindihan!
"Labin' dalawa, hehe," alanganing sagot nito, na napapakamot pa sa batok.
'Hay... Inuubos nang kinutong unggoy na 'to ang pasensya ko!' napapailing ko pang turan sa isip ko bago bumalik sa harap.
Nakita ko naman si Sara, na nagapipigil ng tawa. Itinikom pa nito ang bibig upang pigilan ang pagtawa nang pandilatan ko siya ng mata. Ganyan, matakot rin kayo sa akin. Seryoso ako ngayon, kaya dapat ay gano’n rin kayo. May oras sa kalokohan pero hindi ngayon.
Luminya na rin ako sa kanila, sa bakanteng pwesto ko dito sa may kanan. Nagbigay na rin ako ng sign na ayos ang team namin. Kung binilisan sana nila, kami ang nauna. Ayun tuloy, kami ang may pinakamababang puntos.
Ilang saglit pa ay handa na rin ang iba at nagsimula na ang training sa isang pagpito nang isa sa mga officials.
"Bilang hakbang, na!" utos ng commanding officer namin at nagsimula na kami sa pagmamartsa.
Seryoso ang lahat sa aming ginagawa, walang kahit na akong kilos maliban lang sa aming pagmartsa sa gitna ng field. 120 kaming trainee's dahil meron kaming 12 battalions dito sa kampo, kaya halos masakop na namin ang buong area. May magaganap rin kasing pagbibigay ng grado dito, kaya kung babagal-bagal at tutunga-tunganga ka, mas magandang lisanin mo na lang ang lugar na ito. Feeling ko naman ay chicken lang sa 'kin ang lahat, basta nakakondisyon ang katawan ko.
"Pasulong, kad!" ‘yung commanding officer ulit namin na nakatayo sa mataas na stage, kung saan kitang-kita ang lahat.
Nagsimula naman kaming magmartsa paharap pero bigla na lang kaming napahinto nang makarinig kami ng malakas na pagtawa. Kusa na lang kumunot ang noo ko nang maisip ko si Sara dahil siya lang naman ‘yung nakita kong natatawa kanina.
"Your team, Captain Argiel!" galit na sigaw ng commanding officer namin, nakakatakot pa naman. Sa laki kasi ng tiyan niya at parang nangangain pa nang tao. ‘Yung panot niyang bunbunan, may lukot-lukot kasi eh, hanggang sa noo. Para lang siyang Chinese bulldog.
'Mali ng isa, mali ng lahat,' pag-uulit ko pa sa pinakaunang rule ng drill commad, sabay lingon sa likuran.
"Unggoy!" sigaw ko sa gagong si Gian, na tumatawa pa rin sa likod. Bwisit talaga sa buhay ang animal. So, pinagtatawanan na naman ba niya ako dahil parang babae daw akong kumilos? Aba! Humanda ka sa akin kapag nalagot ako mamaya nang dahil sayo!