Chapter 5: Captain Argiel

2061 Words
Jadie's POV Alas kwarto y media ng umaga, nagising ako sa napakalakas na ingay. Napabalikwas ako ng marinig ko ang isang malakas na tunog na siyang gumising sa aming lahat. "Oh my God! May sunog!" matinis na sigaw ng isang babaeng kasamahan namin. Tinalo pa ‘yung bell, na siyang dahilan upang mapatakip kami sa tenga. 'Grabe, ang ingay! Kurutin ko mani nito eh,' asik ko sa isip ko habang inis na tinatakpan ang aking tenga. "Bunganga ka d’yan, sunugin kita eh! Napaka-over act mo naman, Sara, bangon na!" sigaw naman sa kaniya n’ong kasama niyang espasol. At mukha rin namang magkakilala sila pero anong pakialam ko sa kanila? I believe, don't talk to strangers if they don't talk to you. Ano daw? Dahil sa kaingayan ay mas pinili ko na lang bumangon at maunang lumabas, kaysa naman mabulabog pa ‘yung tahimik kong buhay. Alas siete ng gabi nang dumating ‘yung mga kasamahan namin dito sa kampo, which is sila. Sa wakas ay nakompleto na rin ang bilang ng aming grupo. Dose kaming lahat dito, ‘yon kasi ang kompletong bilang ng isang battalion. Kakaunti na lang ang oras namin kagabi, kaya wala pa akong masyadong kilala. Maliban na lang do’n sa unggoy na ‘yon, sisirain lang niya ang buhay ko. Pero wala naman talaga akong balak kilalanin sila, siya pang ililibre ko kapag nagkataon, hehe. Oo, secret lang to, ah? Sadyang kuripot lang talaga kaming mga ilokano, haha. Naalala ko na naman tuloy ‘yung payo sa akin ni Papa, na 'wag agad magtitiwala sa iba, In short trust yourself! Ang galing, saan naman kaya niya hinukay ‘yon? Baka lang naman sa plato niya no’ng kumakain kami bago ako umalis? Agad din naman naglabasan ang mga kasamahan ko hanggang sa masabayan na nila ako sa pagbaba sa hagdan. 'Shet wala pa pala akong mumog? Yaks amoy buro,' turan ko sa isip ko, sabay amoy ng aking hininga ko. Aguray! (Teka!) Ulam ko pa ‘yon no’ng nakaraang linggo, ah? Napatakip na lang ako ng bibig dahil doon. Mula sa paglalakad ay rinig namin ang malakas na pagpito. Hudyat ‘yon na kailangan naming bilisan, upang makapagsimula na kaming mag-stretching. Hephep! (Huray!) Nasabi ko na ba sainyong ngayon ang orientation, s***h simula ng training namin? Oh, ayan! Sabi ko nga sinabi ko na. Lakad takbo ang ginawa namin pababa mula ika-apat na palapag ng mga kasamahan ko. Mabilis naman kaming nakababa at aba! Naunahan pa nila ako, ah? Danadong ganado ang mga ‘to, may inspirasyon sa buhay. 'Mabilis ba talaga sila o sadyang mabagal lang ako?' napapaisip ko pang isipin. Ano daw? Luh, wala inggit lang kayo. Dalawa ang ulo ko remember? Isa sa ibaba at isa sa itaas. "Humanay!" sigaw ng instructor namin. Agad naman kaming luminya according to height and take note by group ‘to. Itinulak-tulak pa 'ko sa harap, mga bastos rin ang mga ‘to eh. Mga feeling close! 'Akala niyo naman siguro ay maliit ako? Sorry na lang kayo pero pinagpala kaya ‘to. 5'8 naman ang height ko at alam kong matangkad na ‘yon. Oh, ‘di ba, pulis na pulis ‘no?' Mahaba ko pang saad sa aking isipan. Nakita ko naman si unggoy sa likod ko at mas matangkad pala siya sa 'kin. Pansin ko pa ang pagngisi nito nang magtama ang aming mga mata. Proud na proud naman ang unggoy sa kaniyang sarili. 'Akala mo naman sasambahin kita? Hindi porket mas matangkad ka ite-take advantage mo ‘yon, bakulaw!' isip-isip ko sabay lingon sa harapan, madilim pa upang tuluyang masira ang araw ko. Kahit naman madilim ang paligid ay kita ko pa rin ang mga sambakol na mukha ng mga kasama ko, dahil sa ilaw na nagmumula sa poste sa ligid nang field. "Madilim pang umaga sainyong lahat!" bati sa 'min ng amig chief trainor, na siyang sinagot naman namin pabalik. 'Obvious ba? Ang liwanag na nga dahil sa mga ilaw eh,' kontra ko pa sa isip ko. "Bago ang lahat ay nais ko munang magpakilala sainyo, I'm Senior Superintendent Aldon Fiore of Philippine National Police. Ikinagagalak ko kayong makilala mga kaibigan," turan nito sa malumanay na tono. Rinig ko naman ang mga kababaihan sa kanilang chikahan nang masilayan si Sir Aldon. “Uy, Sis! Ang gwapo niya.” “Kaya nga eh, crush ko siya!” “Hoy! Akin lang yan,” rinig ko pang sulpot ng kontrabidang isa. Mukhang siya si Sara, ‘yung ang lakas maka-girl on fire kanina. Ang sahol rin pala talaga nang bibig nito. Napatawa na lang ako ng bahagya dahil sa mga narinig kong bulungan at bangayan nila. Napatingin na lang ulit ako sa harapan nang muling magsalita si Sir Aldon. Sa totoo lang ay gwapo nga naman talaga siya. "Alam kong maliit ang oras kagabi upang makilala niyo ang isa't isa, kung kaya't nais kong makilala niyo ang lahat. Alam ko ring pinaniniwalan niyo yung katagang, ‘wag agad magtitiwala sa iba, inshort trust yourself." Pagpapatuloy nito sa seryoso nang tono. Gano'n na lang umingay ang lahat sa kakatawa nang mapagtanto namin ang huling sinabi niya. “Haha! Sa kaniya pala galing ‘yon?” “Oo, nga narinig ko din ‘yan sa tatay ko!” Rinig ko pang chikahan ng mga maliligayang taong dito. Kung sabagay ay totoo naman kasi ‘yon eh, o sadyang idol ko lang si Papa? Ano ba talaga? Kayo d’yan ano sa tingin niyo? Wala naman nang dahilan para 'di ako sumali sa kaligayahan nila. In short no choice ako ‘no? Makitawa na lang rin tayo. WHAHAHAHA! Abala ako sa pakikisaya nang biglang may humampas sa 'kin mula sa likod ko, kung kaya't naudlot ‘yung kasayahang idinala ni Sir sa akin. Ano ba ‘yan? Pwede naman akon g tawagin ng maayos eh. "Aray! Ang sakit, ah?" daing kong ganyan, sabay hawak sa masakit kong likod at ska limingon sa likod. Napakunot na lang ang noo ko ng makita kung sino ito. ‘Yung unggoy na naman pala. Naku, nakakainis kung makatawa parang walang bukas. Kung makahampas parang close na close kami, ah? Ang babaw ng kaligayahan nang unggoy na 'to! 'Ma-sample-an nga 'to,' naniningkit ang mga mata kong turan sa isip aking isipan. Mula sa kinatatayuan ko ay mabilis akong lumapit dito at malakas na tinampal ang kaniyang noo, dahilan upang mapapikit-pikit siya. Nahilo yata ang loko, haha. Sige! Try me, you will never win. "May lamok! Ayan, oh?" pampa-plastic ko dito, sabay kunwaring pakita ng palad ko sa kaniya. 'Hmm… lintik lang ang walang ganti!' isip-isip ko at ngumiti ng matagumpay. ALAS otso ng umaga, natapos ang orientation namin. Isa-isa rin kaming binigyan ng uniform para sa tatlong linggong training. Isang pares para sa field drill at isa rin sa formal, ‘yung camouflage? Agad na ring ibinigay ;yung mga activities namin sa buong linggo at sadyang napakahirap pero sure akong kayang kaya ko. Para sa bayan at para sa kinabukasan! Magkakaroon rin daw kami ng captain sa bawat grupo, na siyang tatayong lider. Ipapaskil na lang daw nila sa bawat pintuan ng silid ang mga ito mamaya. Excited na akong malaman kung sino ang mga ‘yon! Natapos na rin kaming mag-almusal kanina, sa may covered court dito sa kampo. Ngayon wala na akong gagawin kaya minabuti kong maglakad-lakad nalang. Nasabi pa pala nila kaninang pwede naman daw kaming lumabas ngunit kapag emergency lang. Libre din naman ang pagkain dito, sponsored by the gobernment, syempre. Hindi naman siguro nila ikakahirap yon para lang sa pagkain ‘no? Kaysa naman kurakutin nila, haha! Joke lang, bara ‘di pa 'ko tanggapin sa application eh. Kung tatanungin niyo kung naman nasaan si unggoy, na kanina ko pa nakikita dito. Ay,un pulang pula ‘yung noo niya. Bakit sa 'kin din naman, ah? Bumakat pa nga ‘yung kamay niya. Ewan ko ba kung kamay o bakal ‘yon? Ang tigas eh, parang semento. Kasalukuyan akong nandito ngayon sa likod ng tinitir'han naming gusali, kung saan maraming puno at malilim. Presko rin ang hangin, kaya maraming akong kasamahan na naisapang tumambay at magpalipas ng oras dito. Agad naman akong nakakita ng magandang, doon pwesto sa may malaking bato dito sa ilalim ng puno. Umupo ako at nagpalinga-linga sa paligid, kaya pala maraming tumatambay ditong mga kasamahan namin dahil sa magandang view. Mula dito ay tanaw ang mababang parte ng siyudad at makikita rito ang mga naglalakihang nga gusali, mga kalsada, pati na rin ang mabagal na pag-usad ng trapiko. Nasa gano'n akong pagmumuni nang maalala ko ang kinagisnan kong lugar, pati na ang mga tao doon. Ibang-iba kasi ang Manila sa Isabela, kung saan sa probinsya ay simple lang ang buhay. Magtatanim ka lang ng kamote at iba pang klase ng mga gulay ay may pang ulam ka na, while dito sa siyudad kailangan mong kumayod upang kumita at makabili. Kung sa mga tao naman, wala namang pinagkaiba. Maliban lang sa mahilig ang mga ilokano sa bagoong, lalo na ang pakbet at diningding. 'Miss ko na ang mga ‘yon,' napapabuntong-hiningang isip ko. Habang nasa gano'n akong posisyon ay may biglang tumabi sa 'kin sa pagkakaupo. "Ang lalim naman nang iniisip mo, ‘Tol?" biglang singit nang kung sino sa tabi ko. "Kaya nga. Gaano ba kalalim ‘yan?" pamimilosopong sambit pa ng kasama niya. Ah? Dalawang unggoy rin pala ‘tong tumabi sa 'kin. Hindi ko naman alam na zoo pala ang pinuntahan ko dito. Akala ko pa naman kampo pero bakit ang daming mukhang hayop? Nilingon ko naman ang mga ito at ngumiti, pamilyar sila sa 'kin. Kung hindi ako nagkakamali siya na naman ‘yung girl on fire kanina, lakas talagang maka Miley Cyrus. Idol niya siguro, ano sa tingin niyo, guys? At ito namang kasama niyang espasol sa kaputian. Face powder ba ‘yan o harina? Ano ba talaga? Doon ko na lang napagtantong kagrupo ko pala sila sa battalion. Oo, sila nga ang ibang myembro sa grupo namin. Ang pinakamaingay sa lahat. "Huy! Okay ka lang ba?" tanong nang babae, sabay kaway pa ng kaniyang kamay sa harap ko at nag-dalagang pilipina. Natulala na pala ako. Baka akalain niyang maganda siya. Yaks, very-very no! "H-Ha? O-Okay lang ako, hehe," sagot ko dito at napakamot ba sa batok. Bigla naman niyang nilahad ang kaniyang kamay bago magsalita. "Ako nga pala si Sara, pero pwede mo rin akong tawaging Princess para Princess Sara nang Chuminea, haha!" pagpapakilala nito sa sarili. Haha, tawa na lang tayo kahit waley ‘no? Agad ko rin namang inabot ang kamay niya, na nag-aalok ng handshake. Maputi si Sara, matangos ang ilong at manipis ang nakaartong kilay. Ay tangsit! (Ay taray!). Pero ew, may bulubundukin sa mukha, na bumagay naman sa kaniya. Ang ganda nga eh, parang pinaglihi lang sa monggo, haha. Mababakas rin sa tono nang boses nito na bisaya siya, gano'n din ang kaniyang kaibigan. Kung hindi ako nagkakamali magpinsan ang dalawang unggoy rin na 'to. "Ito naman si Leonard, pero tawagin mo na lang na Leo, ‘yon kasi ang gusto niya. Mukhang lion pero katawang baboy, haha!" pagpapakilala nito sa kasama at ibinulong ang huling linya. Inabot ko naman ang kamay nito upang makipagkamay rin. "Insan naman pinangungunahan mo 'ko eh. Kung gusto mo, palit na lang tayo ng panaglan?" reklamo nito sa kasama niya. Oh ‘di ba? Tama ako, magpinsan sila pero teka, ah? I smell something fishy sa Leo na ‘to. Mabilis din kaming natapos sa pagkukwentuhan nila Sara at Leo, ‘di na rin namin namalayan ang oras at hapon na pala. Ang bilis lang talaga ng oras, mamaya ‘di mo na rin namamalayang Aniloloko ka na pala niya, hahaha. Biro lang, walang forever! Ano ka ba? Oh sige, payt me. Masasabi kong mabubuting unggoy, este, mabubuting tao ang dalawang ‘to at magaan ang loob ko sa kanila. Sana nga maging magkakaiibigan kami. Papasok na kami ngayon dito sa aming silid nang may mapansin akong nakapaskil na papel sa pinto. Mabilis ko naman itong nilapitan at binasa. “Voune Jadie Argiel, team captain!” Hindi ako lubos na makapaniwala sa nabasa ko. Totoo ba ‘to? Kaya naman idinilat kong mabuti ang aking mga mata at muli itong tiningnan. Nagmumukha akong tanga sa ginagawa ko. Jusko, kahihiya ‘to! "Masaya kaming makilala ka, Captain Argiel!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD