Chapter 1
Lumaki sa Masaya,Busog sa pagmamahal at may kayang pamilya ang Dalagang Si Eris..Nag iisang anak sya ng mag asawang Enrique at Estella Escaño. Ngunit kahit na ganon ay hindi sya naging spoiled brat sa mga ito, minsan nga sya pa ang pumipigil sa kanyang mga magulang para ibili sya nang kung ano anong mga luho.
Maganda ang trabaho nang kanyang Ama maging ng kanyang ina.
Sya naman ay nasa 3rd year na sa Kolehiyo. Isang taon na lamang ay gra graduate na rin sya. Kumuha sya ng Kursong BSBA dahil narin gusto nyang magtayo ng business balang araw..
Dahil nasa puso nya ang pagbi business kahit na nag aaral pa sya ay Ipinagbukas sya ng kanyang mga magulang ng isang Hindi kalakihang Coffeeshop..
Sya ang namamahala dito..kahit na nag aaral sya ay dito sya dumidiretso at dito ginagawa ang kanyang mga takdang aralin, kahit na meron syang helper ay gusto nyang makita parin ito kada araw at kamustahin ang empleyado,customer at takbo ng kanyang maliit na negosyo.
May 3 na empleyado sya 1 cashier, 1 naka assign sa preparation ng order at isang taga serve. At kapag andon sya ay sya din mismo ng nag seserve sa mga order
Kahit napaka busy nya ay nagagawa nya paring magtrabaho sa shop...4thyear na kasi sya sa mga susunod na buwan kayat mas lalo nadagdagan ang mga ginagawa nila sa eskwelahan. Ngunit hindi ito hadlang para hindi nya mabisita ang shop...
Alas 8 n nang gabi, kapag 8pm na ay Coffee nalang ang sineserve nila. 2 nalang din ang naiiwan niyang tao na mag eextend ng OT until 11pm.
Biglang tumunog ang pinto hudyat na may customer na pumasok..Akmang babati sya sa mga bagong dating ngunit laking gulat nya ng makita ang kanyang Mommy at Daddy..
Oh..Hi mom and dad..bat sumunod pa po kayo..pauwi narin po ako maya maya..nag aayos nalang po kami..
Nakangiting wika ng dalaga sa mga magulang. na masaya ring Nakangiti sa kanya na tila may dalang magandang balita na kailngan nya na agad malaman .
Ay naku anak..eto kasing mommy mo..nagpupumilit na puntahan ang napakaganda at napaka sipag na unica hija niya ..
Wika ng daddy nya na nakangiti habang nakayakap sa mommy nya..
What is it mom..na miss mo na ba agad ako..
Wika ng dalaga habang naglalakad palapit sa kanyang mommy.
Yes anak...saka may ibabalita kami sa iyo ng daddy mo..Hindi na ako makapag hintay eh..kaya kinulit ko sya na puntahan ka namin dito sa shop..
Wika ni estella na bakas ang saya habang sinasabi kay Eris.
Ano po ba ang Good news na yan mommy at tila napakasaya nyo ni Dad..pwede ko din po bang malaman?
wika ng nakangiting dalaga at maya maya ngay nagsimula ng magkwento ang mommy nya..
Hija..ganto kasi yun..you know naman nag iisang anak ka namin at mahal na mahal ka namin .napaka responsable at matalino kang anak sa amin ng daddy mo..Sinubukan naming magkaron ka ng kapatid nung bata kapa pero nabigo kami.
Pero anak...alam mo bang Sinubukan ulit namin nitong medyo may edad na kami at gusto naming ipaalam sa iyo na...
Nakabuo na kami ng Dad mo..
Magkakaron ka na ng kapatid anak...
Wika ng nakangiti ngunit lumuluhang si estella...
Its a miracle baby sabi ng Ob ng mom mo..mahirap nang magbuntis ang mommy mo pero nakabuo at healthy daw si baby sa loob ng tyan ng mommy mo... Wika naman ni Enrique na pumatak nadin ang luha.
Walang nagawa si Eris Kundi masaya at lumuluha ring yumakap sa ina..
Ganon din sa kanyang ama..
Congrats mom..at salamat dahil sa edad kong ito mararanasan ko padin pala maging Ate..salamat mom and dad..pangako ko na magiging mabuti akong ate sa kanya..
At nag yakapan silang tatlo..maya maya ay sabay sabay na din silang umuwi sa kanilang bahay..
Naging mabilis na lumipas ang linggo at buwan...Nasa Ika 4 na taon na sa kolehiyo si Eris at ganon padin ang routine nya School...Shop at bahay..
Natutuwa sya dahil kahit papano patuloy na kumikita ang shop niya. At bukod doon ay hindi nya rin napapabayaan ang kanyang pag aaral.. Sa katunayan ay nangunguna din sya sa Klase Masasabi na Complete package si Eris, Maganda,Matalino,responsableng anak. kayat marami rin talaga ang mga lalaking humahanga sa kanya maging sa kanilang paaralan, ngunit wala palang din to sa isip ni eris dahil mas gusto nyang makatapos muna saka pumasok sa isang relasyon.
Kinabukasan maaga syang pumasok sa eskwelahan..
Sa simpleng postura lamang ni eris ay napapalingon na agad ang mga lalaki sa paligid nya isa nadin doon ang ka klase at kaibigan nyang nyang si Theron..Isa ito sa malapit nyang kaibigan at ka klase..Nagtapat ito ng pag ibig sa kanya..ngunit tulad ng iba ay kinausap nya ito na pagiging magkaibigan lamang ang kaya nyang ibigay. Natuwa naman ang dalaga dahil Hindi mahirap pakiusapan si theron..hindi na sya pinilit pa ng binata ngunit naging malapit naman silang magkaibigan, Gwapo,mayaman at matalino din si theron.mabait dib ito kaya hindi sya nahirapan na pakisamahan ito.
Eris!...Tawag ng binata sa Dalaga..
Oh..Theron kanina kapa..Sorry kadarating ko lang..asan na sila?
Ano kaba...relax ka lang di ka naman late..maaga lang tayo nakarating hehe..
Ganon ba..akala ko late ako, tinapos ko pa kasi yung isang report kagabi then nag check pa ako ng mga needs sa Coffee shop bago umuwi..
Hehehe. Napakasipag mo talaga eris, kaya ikaw talaga ang Ideal wife ko balang araw eh..
Wika ng binata habang nakangiti at labas ang mapuputing ngipin..
Namula naman ang dalaga sa sinabi ng kaibigan kayat kinurot nia ito sa tagiliran..
Alam mo theron tara na baka san pa mapunta tong usapan natin hane..kung ano ano na naman kasi sinasabi mo'..saad ko
Hehe bakit totoo naman ah..halika na nga..ako na magdadala nyan..wika pa nito
Nagbibiruang umalis ang dalawa patungo sa hall na pag gaganapan ng event nila..
Sa tagal na nilang magkaibigan ay minsan at nasasanay narin sya sa mga biro ni theron, ganon lang naman sila. Yun din ang gusto nya kay theron, masarap ito kasama ngunit hindi lang nya talaga makita ang sarili kay theron bilang nobya nito..pero masaya sya dahil kaibigan nya ito.
Pagdating sa Hall ay Apat pa lamang silang naroroon si Theron, Sya, Si Lily at si Ridge mabuti na lamang at nauna na pala si lily at ridge kaya konti na lamang ang aayusin nila.
Eksakto namang may dalang Food Si theron kaya kinain na muna nila ang mga ito.
Inabutan sya ni theron ng Burger at Coffee..
Eris, alam kong may Coffee shop ka..pero binilhan parin kita ng Kape..
Ngingiti ngiting saad ni theron..kayat naghagalpakan naman sila lily at ridge..
Haha..salamat naman syempre tatangapin ko yan libre eh.
Wika naman ng dalaga..
Eh kami ba kelan mo i lilibre sa Coffee shop mo..
Tanong naman ng makulit parin na si theron.
Don't worry after netong event natin ililibre ko kayo sa shop ..
Woahh...talaga eris. Bigla ako ginanahan hehe..wika ni lily..
Oo naman, ikaw din ridge kasama ka,
Talaga Eris, salamat hehe kahit transfer lang ako dito eh tinuring nyo akong kaibigan..
Oo naman bro, ganan talaga yang future wife ko..kaya napaka swerte ko dyan.. Saad na naman ng bungisngis na si theron...
Hoyyy..Theron Jacob Buenaflor...manahimik ka nga dyan mamaya maniwala pa si Ridge sa kalokohan mo...
Namumulang wika ng natatawang si Eris.
Hahaha..Joke lang eto naman Hindi na mabiro..pero pwede mo naman totohanin yun eris,
Hay naku..tara na nga hindi talaga titigil yang si Tender Juicy kung hindi pa tayo magsisimula...
Tatawa tawa naman silang agad kumilos at inayos na ang mga dapat ayusin hangang sa isa isa nang nagdatingan ang iba pa nilang kasama.