Chapter 6

1184 Words
Mabilis na lumipas ang Buwan nasa ika 7 buwan na ang Tyan ng kanyang Ina, at nalaman narin nila ang Gender nito, It's A Boy...kayat Tuwang tuwa silang lahat lalo na ang mom and dad nya dahil kompleto na sila, may lalaki na sa pamilya nila. Isang araw sabay sabay Silang kumain, Nagulat sya pagbaba nya na nakabihis ang Dad nya, eh wala namang pasok dahil sabado. Goodmorning Mom and dad..bati nya sabay halik s pisngi ng mga ito, pati nadin sa tyan ng mommy nia. Goodmorning my Baby boy..Ate loves you..behave dyan ha..hehe.. 'Oh dad..bat po nakabihis kayo? May lakad po ba kayo? Oo anak..may meeting kasi kami.. Malalaman namin today kung ano ang tunay na nangyari sa company may mga nakuhang witness at malalaman din namin kung sino ang promotor ng katiwalian. Ganon po ba..mag iingat po kayo dad. Oo anak...Nak, ikaw na muna ang bahala sa mommy mo ha, Wala ka namang pasok diba pwede bang wag kana muna pumunta sa shop mo ngayon, para nasa tabi kalang ng mommy mo pag may kailangan sya..wika ni enrique. Sige po dad, ibibilin ko na lamang po kay Danna ang shop. Salamat anak...Hon, Pag may kailangan ka ha kay eris muna habang wala ako, alam kong kaya yan ng anak natin kaya magsabi ka lang kapag may kailangan ka.. 'Oo hon, wag ka mag alala kasama ko naman si Eris. Sana maging maayos ang pag uusap nyo..at managot ang dapat managot. Sana nga hon..Pano. mauna na ako..On the way nadin daw sila Alejandro. Oh sya sige mag iingat ka... Kayo din , mag iingat kayo habang wala ako...Eris anak ang mommy mo ha.. Opo dad, ako na po ang bahala, Hindi malaman ni Eris habang patayo ang dad nya ay bigla syang kinabahan.. Ahmm Dad...Need nyo pa po ba talaga pumunta? hindi po ba pwedeng makibalita nalang po kayo kay Tito alejandro about sa napag usapan..?tanong nang dalaga sa ama. Hindi anak eh..Mas ok din na andon ako at masaksihan talaga at marinig ang mga paliwanag nila. 'Ganon po ba? hmmm Sige po kayo po ang bahala'... Hinatid nila ng tanaw si Enrique hangang sa mapalapit ito sa sasakyan, Lumingon pa ito sa Kanilang mag Ina saka Kumaway.. Hindi alam ni Eris kung ano ang nararamdaman nya pero Tila malungkot ang Pagsakay ng Papa nya sa sasakyan nito. Ayaw nia mag isip ng kung ano at baka mamaya ay mag usisa pa ang mama nya. Kayat ng makaalis na ay inaya niya na ang mommy nya papasok. Tara na po s loob mom..nakangiting wika nya sa ina.. Tara na anak..Hayy hirap na talaga maglakad..etong kapatid mo kasi lumalaki na hehe.. Opo nga mhie..bilog na bilog na sya. Mommy ano po gusto nyong kainin ipagluluto ko po kayo.. Naku anak, ikaw na ang bahala parang kahit anong lutuin mo kakainin namin ng kapatid mo.. Sige po mommy..carbonara po.. Sige anak masarap yan..hehe.. Habang nagluluto ay nagkwekwntuhan sila ng mommy nya. Mommy..Mahirap po bang magbuntis? Ahmm.mahirap na masarap anak..Mahirap dahil bilang babae ang dami mo ng dapat iwasan..yung mga dati mong kinakain,..Dati mong routine, mga nakasanayan mong gawin syempre habang lumalaki din ang tyan mo Sumasakit din lahat hirap ka maglakad..pero masarap dahil kapag naisilang mo na ang sanggol lahat ng sakit mabubura.. Hmm.Ganon po pala mom... Bat mo natanong anak,? Wala lang po, Nakikita ko po kasi kayo ni Dad, Lagi sya nakaalalay sa pagbubuntis nyo..in love na inlove pa rin po sya sa inyo. Hehehe uyy si mommy. Oo naman nak..first love ko kaya ang dad mo.. Hanga ako sa inyo ni dad mahal na mahal niyo ang isat isa.. 'Oo naman nak..mahal na mahal namin ang isat isa..kung pwede nga lang kung mamamatay man ang isa sa amin..gusto ko na sabay kami'.. Dahil sa sinabi ng Mommy niya ay tila kinilabutan si Eris.. Ah..Eh mom Ano ba yan bat dyan po napunta ang usapan..change topic na nga po mhie...mabuti pa tikman nio nalang po itong carbonara ..wika ng dalaga. Sige na nga patikim.mukang masarap ito anak. Kumain na silang mag ina habang nakain ay naisipan ng mommy nya na tawagan ang dad nya.. Nawala naman ang kaba nya ng sumagot ito sa phone. Hi Girls..kumusta kayo dyan.. Eto hon nakain kami nagluto si eris ng carbonara, Wow..paborito ko yan, tirhan nyio ako ha...hehe.. Yes dad. Ipinagtira po namin kayo..hehe Salamat anak...Oh sige na..end call ko na At parating na sila. . Bye Dad...I love you.. Bye anak..Bye Hon...Mahal na mahal ko kayo.. Eris anak...? Yes dad? Pakibulong naman kay baby Boy Na mahal na mahal ko sya.. Bakit dad..mamaya mo nalang sabihin kay Baby pag dating mo. Ngayon na anak iba kasi yung pang mamaya kesa yung kasalukuyan.. Sige dad Ibubulong ko na.. At nilapit ni Eris ang phone sa tyan ng mommy nya. I love you Baby sabi ni daddy.. Nagulat naman si Estella ng biglang sumipa ang baby sa sinapupunan nito. Dad, mukang narinig ni baby sumipa bigla eh hehe.. Ganon ba..sayang di ko nakita..Oh sya sige na bye..mis you... At pagkatapos non ay end call na After nila kumain ay nanood sila saglit ng TV...maya maya ay nag aya na ang kanyang mama na aakyat na muna ito sa taas upang magpahinga.. Hinatid nya naman ito. Mommy pag may kailangan ka tawagin nyo lang po ako ha.. Oo nak..wag mo ako alalahanin papahinga lang ako. Sige po mom dun lang po ako sa Baba manood lang po ako ng TV. Nang maihatid ang mommy nya ay nanood siya ng paborito nyang show. Nakahiga sya sa sofa at aabutin nya sana ang remote ng biglang matabig nya ang picture frame nilang mag anak dahilan ng pagkabasag nito at dooy nakaramdam na naman sya ng kaba..tatayo na sana sya para linisin ito ng biglang naputol ang palabas at Biglang nag Flash Report Flash Report Nauwi sa Barilan ang sanay mahinahong pag Uusap ng mga Empleyado ng Rivamonte Corp. Batid na ang Rivamonte corp ay isa sa kilalang kompanya Ngunit biglaan nalang ang pagbagsak nito dahilan upang hindi matangap ng ibang empleyado, Dahil naniniwala silang may anomalyang naganap kaya ito basta basta bumagsak.. 5 ang nasawi sa naturang insidente natukoy naman ang pagkakakilanlan ng mga Biktima isa na dito ay Si Mr.Enrique Escaño ,Alfredo Montes,Evita Reyes, Fernando Cortez at Rogelio Atutubo, sugatan naman ang ilan Na sina Alejandro ramirez, zymin rodriguez at 3 pa na di pa nakikilala... Halos Hindi makagalaw si eris sa balitang narinig...na patingin agad sya sa taas kung saan mahimbing na natutulog ang ina... Pigil ang kanyang pag iyak.. Nagulat sya ng humahangos na pumasok si sol ang kanilang kasambahay.. Eris....Si Sir... Minuwestrahan nia si Sol na wag maingay..nag aalala sya para sa ina..tanging pigil na iyak lamang sya at niyakap si Sol.. Ate sol..Ikaw muna ang bahala kay mommy...Wag na wag mong sasabihin muna ang nangyari okay sabihin mo may inayos lang ako sa shop..aliwin mo si mommy..ate..pupuntahan ko muna si daddy... Umiiyak na saad ni eris. Mag iingat ka Eris..ako muna bahala kay mam.. Dali daling umalis si Eris at tinungo ang lugar kung saan naganap ang meeting ng kanyang ama na nauwi sa shoot out.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD