CHAPTER 11 - MIRACLE & JARRED Miracle Florence Geronimo Kinabahan ako. Pero mas kinabahan yata si Ate Lucy nang marinig na pinapatawag ako. “Diyos ko! Bakit daw, Miss Lori!?” Exaggerated na tanong ni Ate Lucy. “H-hindi ko alam, eh… Baka may iuutos lang.” “Ako na lang kaya. Baka naman sigawan n’ya si Mira. Ang bago-bago nitong bata.” Ramdam ko ang kaba ni Ate Lucy. “M-malay mo naman ay may tatanong lang, Lucy.” Sambit ni Miss Lori. Binaling sa akin ni Ate Lucy ang tingin. “Sige na, Mira, puntahan mo muna si Sir Jarred. Baka may kailangan lang na files. Oh, may itatanong.” Tumalikod na si Miss Lori at sinundan ko na s’ya nang makarating sa may pinto ng CEO office ay sumenyas s’ya na kumatok na ako ng pinto habang s’ya naman ay umupo na sa table n’ya. Wala akong idea kung bakit a

