Heaven Venice Geronimo “Don’t worry about me, Jasper… I’m okay. Lumaki ako sa hirap, remember? Kaya kong magtiis. Pero sinisigurado kong sandali ko lang siya titiisin. Gagawa ako ng paraan para matakasan ang kasal na ‘to. Promise me, tutulungan mo akong malinis ang pangalan ng kumpanya natin para hindi na ako magtagal pa dito.” Matapang na sabi ko. Sobrang nag-aalala si Jasper sa akin matapos kong i-kwento ang first day experience ko as Mrs. Lavarias. Wala naman akong choice kung hindi ang mag-kwento dahil baka mabaliw naman ako kapag sinarili ko. At si Jasper ang malapit kong kaibigan na pinagsasabihan ng sama ng loob ko. Halos lahat ng nangyari mula kanina sa kasal hanggang ngayon na katatapos ko lang na kumain ay sinabi ko kay Jasper. “Basta kapag sinaktan ka niya, Ma’am Heaven… Sab

