CHAPTER 14 - HEAVEN & JACOB

2103 Words

Heaven Venice Geronimo “Ma’am Heaven! Gising na po! Hindi pa po kayo nagbe-breakfast!” Malakas na tawag mula sa labas. Ayoko pang idilat ang mata ko. Alam kong kulang na kulang ako sa tulog kaya parang sasakit lang ang ulo ko kapag dumilat ako. Hinayaan ko lang ang naririnig kahit alam kong si Laine ang tumatawag. Hindi ko alam kung anong oras na kung bakit gano’n na lang ang tawag nito. “Diyos ko! Baka napaano na siya, Laine!” Bigla ay narinig ko pang nag-aalalang boses at si Nanay Vina ‘yon. “Kaya nga, Nanay. Naka ilang balik na ako at ang lakas na ng katok ko pero hindi po siya lumalabas!” Sa lakas ng tinig ng mga nasa labas ay naririnig ko na ang usapan nila. Ang lakas ng mga boses nila at gusto ko silang sawayin dahil naiistorbo na ako. Pero wala akong lakas para bumangon p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD