Heaven Venice Geronimo “Laine!” Nag-aalalang katok ko habang sumisigaw sa labas ng maid’s quarter. Pagkatapos akong iwan ni Jacob do’n sa bodega ay napilitan akong magbihis muna ng tshirt at short para pumunta dito. Makiki-ligo ako bago puntahan si Jacob para sa kung ano man na duties ang pinagsasabi nito. Pero heto nga at may naririnig akong iyak mula sa loob ng tinutuluyan nila Laine nang nag-check ako kung may tao ba. Isang tawag pa ang ginawa ko at bumukas ang pinto. Bumungad sa akin si Laine na namumugto na ang mata. Halatang kakapunas niya lang ng luha pero may naiwan pang bakas sa pisngi niya dahil nakita ko ang pamamasa ng bahagi na ‘yon. “A-anong nangyari, Laine?” Tanong ko kahit may idea na ako sa dahilan ng pag-iyak niya. Malamang na dahil pa rin sa nangyari sa kanya do

