CHAPTER 36 - MIRACLE & JARRED Miracle Florence Geronimo “Jarred… love ko…” Nanghihinang usal ko habang nakatitig lang sa dalawang naghaharutan. Napahigpit ang kapit ko sa bakal na gate. Parang unti unti nang nagdidilim ang paningin ko. Pero nilabanan ko ang panghihina ko. Hindi ako pwedeng mahimatay. Pagod na ako sa byahe at hindi pa rin kumakain. Pero kailangan kong makauwi sa amin. Mahihirapan akong sumakay pabalik dito dahil hindi ko naman kabisado ang lugar na ito. Hanggang sa napatingin sa kinatatayuan ko ang babaeng kasama ni Jarred habang tawa ito ng tawa. Halatang nagulat ito na may nakatingin pala sa kanila kaya bigla nitong naitulak sa dibdib si Jarred. Biglang natigilan si Jarred sa paghalik sa babae at marahan na binaling dito ang tingin sa akin. Medyo malayo pa ang

