CHAPTER 35 - MIRACLE & JARRED Miracle Florence Geronimo “Oh, parang napaaga ka, Mira?” Malamig na tanong ni Tita Mayet nang naabutan ko siya sa bahay. Sandali niya akong tinitigan at nakita ko ang pagtataka sa mukha niya. Alam kong mahahalata niya ang pamumugto ng mata ko. Nakabihis na si Tita Mayet at mukhang papasok na sa club. Napalunok ako. Hindi ko expect na mag-aabot pa kami. Ayokong mag-abot kami kaya hindi muna ako deretsong umuwi galing sa trabaho. Nagpalipas muna ako ng ilang sandali sa isang convenience store na malapit dito hanggang sa alam ko na nakaalis na si Tita. Pero heto at mukhang si Tita naman ang nagpa-late sa trabaho. Dapat pala ay nagtanong man lang ako kay Heaven sa text. Pero na-trauma kasi ako bigla sa paghawak ng cellphone dahil sa na-receive kong text m

