CHAPTER 68 – MIRACLE & JARRED Warning! R18+ Skip niyo na lang po at ‘wag unlock kung hindi sanay sa v*lgar words. Thanks Miracle Florence Geronimo Lumakad si Jarred patungo dito sa kama. Dalawa ang kama at narito ako sa dulong kama kung saan nakahiga si Karlo at hinihimas ko ang buhok nito. Sa isipin na patulog na kami at mukhang may binabalak si Jarred ay hindi ko na maintindihan ang katawan ko. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko. Nagkalapit lang ang katawan namin kanina ay nagulo na ang sistema ko. Paano pa kaya kapag nasa isang kwarto na kami at nilapitan niya uli ako. Tumayo ako nang nakita ko si Jarred na nakarating na sa kama ni Ella. Hinalikan niya sa noo ang bata at matapos ay akmang papunta na dito naman kay Karlo. Nilagpasan ko siya nang nagkasalubong ang mga katawan

