CHAPTER 67 – MIRACLE & JARRED Miracle Florence Geronimo “Wow. Ang ganda at gwapo naman ng mga baby ko.” Nakangiting sabi ko matapos na magbihis ng dalawang bata ng pang-swimming nila. Sila na ang mismong nagbihis sa mga sarili nila at marunong na naman magpalit ng damit ang mga bata. Tinutulungan ko lang silang ayusin ang swimwear nila. Tapos na rin akong magbihis ng pang-swimming ko. “Kids, sandali lang ang swimming time, ha. Kasi baka lamigin kayo nang husto at magkasakit. Pwede pa naman tayong magswimming bukas dahil sa hapon pa naman tayo uuwi.” “Opo, mommy.” Sagot ni Cinderella. “Uhhmm… Ayaw niyo ba talaga katabi si mommy mamaya? Gusto ko kasi kayong maka-bonding, eh.” Muli kong sambit. Kailangan kong lambingin ang mga bata para pumayag sa gusto ko. Kanina kasi ay kaharap nila

