Ruthless Billionaire 1 - 8

2821 Words
CHAPTER 8 - MIRACLE & JARRED Miracle Florence Geronimo “Good morning po.” Magalang na bati ko sa mga bagong ka-department. “Wow! Dito rin ka pala sa amin mapupunta, bhe. Sakto ay may kasama na akong maganda dito sa admin.” Sambit ng isang staff. Nakangiti ito sa akin at sa pagkakatanda ko ay ito ang nakita ko na umiiyak sa CR nang ako ay nagpunta dito para sa initial interview. Naalala ko na ang pangalan niya ay Lucy. “Grabe! Parang artist ana ‘yang makakasama mo, Lucy, ha!” sambit naman ng isang staff. “Welcome, Miracle!” Halos sabay sabay na banggit ng mga narito sa 20th floor ng Caballero building. Narito ako sa Admin and Purchasing department at hinatid ng HR staff na si Miss Jenny para pormal na ipakilala na addition sa department nila. “Salamat po sa inyo. Tawagin niyo na lang po akong Mira.” Magalang na sabi ko matapos ng mainit na pag-welcome sa akin. Hindi ko na pala kailangan na magpakilala. Malamang ay dahil sa gulong nangyari kahapon kaya nila natandaan ang pangalan ko. “Oh, siya… Iwan ko na na si Mira sa inyo.” Biglang singit ni Miss Jenny na tuluyan na akong iniwan. Nahihiya pa ako na baka magtanong sila nang tungkol sa issue kung bakit narito ako. Pero sigurado ako na kahit hindi ako magsabi ay nalaman na nila. Mabilis pa sa alas kwatro na kumakalat ang balita. Lalo na at mukhang uhaw sa tsismis ang mga tao dito sa opisina. Nakadalawang araw pa lang ako ay na-observe ko na kasi ang ugali ng mga empleyado dito. Kagaya ng instruction sa akin ng HR kahapon na dito na ako magre-report simula ngayon ay sinunod ko agad. Hindi ko na tuloy nagawang magpaalam man lang sa mga kasama ko sa marketing department. Matapos ang insidente kahapon sa pagitan ko ni Sir Justin at Sir Jarred ay pinag-under time na ako. Sobrang kaba ko dahil akala ko ay hindi maniniwala sa akin ang CEO. Pero laking gulat ko sa offer nga nito na ililipat na lang ako. Bigla ay naging knight in shining armor ko si Sir Jarred. Mas naging triple pa ang pagka-gwapo niya sa paningin ko. Hindi ko tuloy lubos maisip na siya ang CEO na kinatatakutan ng mga empleyado dito. Hinatid pa ako ni Sir Jarred sa HR para i-report ang nangyari. Natatakot man ako na baka balikan ako ni Sir Justin dahil natanggal ito ay pinangako naman sa akin ni Sir Jarred na hindi niya hahayaan na magantihan ako ng lalaki. Habang sinasabi sa akin ni Sir Jarred ang mga assurance ay parang natutunaw ako sa tingin niya sa akin. Hindi dahil sa feeling ko ay minamanyak n’ya ako. Kasi feeling ko ay sobrang concern siya sa akin bilang empleyado niya. Nang umuwi ako kahapon ay nagtaka pa si Si Tita Mayet dahil maaga akong nakauwi. Hindi ko na lang sinabi ang tungkol sa masamang nangyari sa akin. Ayoko na isipin pa nito na hindi ako safe sa trabaho at isumbat na naman na dapat ay sa club na lang ako magtrabaho. Wala si Heaven sa bahay at nagsimula na ito sa sideline nito sa restaurant bilang dishwasher. Sinundo ko pa nga ang kapatid ko sa restaurant kahit medyo gabi na ito natapos. Hindi ako makakatulog kapag hindi ko makikitang safe ang kapatid ko sa bahay. Kay Heaven sinabi ang tungkol sa nangyari sa akin sa trabaho. Nag-alala pa nga siya para sa akin pero sinabi ko naman na pinagtanggol ako ng boss ko. Unconciously ay hindi ko namalayan na kinikilig pa nang maikwento ang ginawa ng boss ko. Kaya tinukso ako Heaven na crush ko raw si Sir Jarred na mariin ko naman na sinabing hindi dahil ang tanda na ng boss ko para maging crush ko pa. Pero deep inside ay hindi ko talaga maipaliwanag ang naramdaman ko dahil sa ginawa sa akin ng boss ko. First time kasi na mag nagtanggol sa akin ng gano’n. Ang sarap pala sa pakiramdam. Dito kasi sa lugar namin ay madalas talaga akong nababastos at wala man lang na nagtatanggol sa akin. Akala rin siguro ng mga tao kasi ay magiging p*kpok ako na pwede na lang nilang bastusin kung gusto nila porque anak ako ng dancer sa club. “Hi, Mira, how are you?” Bigla ay lumapit sa akin ang secretary ni Sir Jarred na si Ma’am Lori habang nagkukumpulan pa kami dito ng mga bago kong ka-department. Ngumiti ako sa babae. “M-mabuti po.” Hindi ko alam kung para saan ang pangungumusta niya. Pero feeling ko ay ang tungkol sa kahapon. Kinabahan din ako na maalala na dito sa 20th floor nag-oopisina ang CEO at baka narito na ‘yon sa building. Ngumiti naman si Ma’am Lori sa akin ng malapad habang hinahagod ng tingin ang mukha ko at halata ang paghanga sa akin. “Guy’s parating na pala si Sir Jarred.” Sambit ni Ma’am Lori na binaling sa mga empleyado ang tingin. “Magkakaroon daw ng short meeting after tungkol din sa pinag-usapan kahapon. So please prepare.” Agad kong narinig ang mga bulungan at tila na-tense ang mga tao sa paligid ko. “Uhm… Iwan ko muna kayo.” Sambit ni Ma’am Lori na ngumiti pa muli ng matamis sa akin bago bumalik papunta do’n sa may CEO office. “Uy, guys back to work na!” Bigla ay sambit ng head sa admin department. Pati ito ay biglang naging aligaga. Biglang nagsipulasan ang mga empleyado at tila naging tense silang lahat. Parang pati ako ay nahawa na sa mga kilos nilang puno ng pagmamadali. Binaling sa akin ng head ang tingin nito. “Miracle, si Lucy ang in-charge na magturo sa’yo ng workload mo, ha. Pero sa ngayon ay mag-file ka na lang muna ng documents dahil kailangan namin na maghanda para sa meeting.” “Opo, Ma’am. Gagawin ko po.” Nakangiting sabi ko at hindi pinahalata na affected ako sa mga kilos nila. Binaling ng head namin ang tingin kay Miss Lucy na nasa tabi ko pa. “Lucy ipakita mo sa kanya lahat ang ipa-file niya. Tapos pumunta ka sa akin. Mag-usap tayo para sa meeting. Make sure na accurate ang report para hindi tayo masabon mamaya!” “Yes, Ma’am!” sambit ni Lucy na kabado rin ang boses. Umalis na sa harap namin ang head ng admin. Hinarap naman ako ni Miss Lucy. “Halika na, ganda!” Aligaga na sabi sa akin ni Miss Lucy na dinala ako sa isang table. “Dito ang magiging table mo. Tabi ta’yo, girl!” Sambit nito. “Salamat, Miss Lucy.” Sagot ko at matapos ay nilagay ko ang sukbit na bag sa table. Sinipat ko sandali ang work area ko at kagaya lang din ito doon sa upuan ko sa marketing. “Ate Lucy na lang, bebe ganda.” Sagot nito na nakuha pang ngumiti sa akin kahit na tila problemado na. “Sandali, kunin ko ang mga files.” Biglang umalis si Ate Lucy sa tabi ko. Nilibot ko sandali ang tingin sa lahat na naging busy na sa kanya kanyang area. Dito sa bandang kinauupuan namin ni Ate Lucy ay pansinin kung magdadaan sa hallway na patungo sa CEO office. Kaya kung papasok o uuwi si Sir Jarred ay makikita ko siya. Bigla ay na-excite ako. Parang feeling ko tuloy ay araw-araw akong gaganahan na pumasok nito. Kahit siguro mag-overtime ako araw-araw ay hindi ko mararamdaman ang pagod. Nakagat ko ang ibabang labi para pigilan ang ngiti sa labi. “Ito na, Mira.” Biglang lapit muli ni Ate Lucy na may dalang sangkaterbang documents. Nilapag nito ang mga documents sa table ko. “Ito ang gagawin mo. Sort mo lang ang files at ilagay mo sa kanya-kanyang folder na nandon.” Tinuro sa akin ni Ate Lucy ang filing cabinet na naroon sa pader na humaharang sa pagitan nitong admin area at CEO office area. Mabilisan na sinabi sa akin ni Ate Lucy kung paanong filing ang gagawin ko. Madali lang naman kaya gets ko agad. “Mamaya na tayo mag-usap kapag tapos ng meeting, ha? Diyos ko! Delubyo na naman kapag ganitong may meeting with devil boss.” Stress na sabi ni Ate Lucy na mahina lang naman ang boses at hindi kami maririnig ng ibang empleyado. “Huh?” tanong ko. “Hay… Saka ko na sasabihin, Mira. Sa ngayon ay maswerte ka at iyan lang ang gagawin mo at hindi kasama sa meeting with JKC.—” “Guys! Excuse me!” Biglang malakas na sigaw at nang binaling namin ang tingin ay si Ma’am Lori ‘yon na kinuha ang atensyon naming lahat. “Let’s go to conference room within five minutes. Mag-usap muna tayo bago tayo i-meeting ni Sir Jarred para hindi mag-init ang ulo niya kapag may nakitang error!” Mas nagkagulo dito sa 20th floor. Parang naging kiti-kiti ang lahat at naging magaslaw. “Sh*t! Sige na, Mira. Kaya mo na ‘yan!” Sambit ni Ate Lucy na basta na lang akong iniwan. Alam ko naman na ang gagawin ko. Kaya hinayaan ko na lang si Ate Lucy. Nagpunta ito sa table ng head namin. Binaling ko muna ang tingin sa table ko at nilagay ang bag ko sa drawer. Kumuha ako ng kaunting files mula sa nilapag na docs ni Ate Lucy at ‘yun muna ang inayos ko para i-file. Masyadong marami kasi ang pinapa-file sa akin at gusto kong mabawas muna sa paningin ko. Nagsimula na akong mag-file. Ilang sandali ay umalis na rin ang lahat ng tao dito palabas ng floor. Malamang ay nagpunta na sa conference room na hindi dito matatagpuan sa 20th floor. Naiwan tuloy akong mag-isa. Nag-concentrate na lang ako sa ginagawa hanggang sa marinig ko ang yabag ng naglalakad agad akong napalingon at biglang tila nagslow motion sa paningin ko nang mapag-sino ‘yon. “Sir Jarred!” Kitang kita ako sa kinatatayuan ko. Biglang parang may nagtakbuhan na kabayo sa dibdib ko nang ilang hakbang na lang ay binaling ni Sir Jarred ang tingin sa kinatatayuan ko. Napaawang ang labi ko nang ngumiti siya sa akin. “Good morning, Mira.” Bati sa akin ng boss ko na tuluyan nang nakalapit sa akin. “S-sir, good morning po!” Bigla akong yumukod. Hindi ako prepared na makaka-encounter ko agad siya. Akala ko ay dederetso na siya sa conference room dahil pati si Ma’am Lori ay naroon na. “How are you?” Narinig kong tanong niya kaya nag-angat ako ng tingin. Ilang hakbang naman ang pagitan namin pero feeling ko ay ang lapit lang niya. Sobrang gwapo niya ngayon sa suot na business suit. Idagdag pa na parang bagong gupit siya. Pati mukha nito ay may nagbago. Kasi nabawasan ang balbas nito. Meron pa naman kaunting tubo na bagay na bagay sa kanya. “M-mabuti po, Sir Jarred. Kayo po?” Mas lumapad naman ang ngiti ng lalaki na ikinalundag ng puso ko. Pero pinipilit kong hindi ipahalata na affected ako sa ngiti nito. Ewan ko lang kung naitatago ko nga nang maayos. “I’m also good. Sige, just continue working.” Pagkasabi ni Sir Jarred ay iniwan na ako nito. Doon lang yata ako nakahinga nang maluwag nang wala na s’ya sa harapan ko. Napahawak ako sa dibdib ko at sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Pinagpatuloy ko ang ginagawa kahit medyo nagulo na ang sistema ko. Ilang sandali pa yata bago bumalik sa normal ang t***k ng puso ko. Alam kong mamaya ay dadaan na naman si Sir Jarred para magpunta sa conference. Sinikap kong ayusin ang trabaho ko. Gaya ng inaasahan, ilang sandali ay narinig kong ang yabag ni Sir Jarred. Pero naka-focus ako sa ginagawa ko at kunwari ay hindi ko ito napansin. Narinig ko na lang ang papalayong yabag nito hanggang sa naramdaman na tuluyan na itong nakalabas. Nang nilingon ko kung saan ang labasan ay wala na si Sir Jarred. Napabuga ako ng hangin at sa wakas ay makakakilos ako nang maayos. Nagpatuloy ako sa ginagawa hanggang sa lumipas yata ang isang oras at biglang naramdaman ko na nagsidatingan na ang lahat ng empleyado. Mga seryoso ang mukha nilang lahat. Napalingon pa ako nang biglang dumaan muli si Sir Jarred kasabay si Ma’am Lori at sakto na nilingon nito ang kinatatayuan ko sa may filing cabinet. Natigilan ako nang magtama ang mga mata namin. Mula sa seryosong mukha ay tila lumamlam ang tingin nito sa akin bago binaling ang tingin sa daan hanggang sa tuluyan na itong makapunta sa may CEO area. Napailing na lang ako sa kinatatayuan at feeling ko tuloy ay nagha-hallucinate ako. Lumipas na ang buong umaga hanggang sa dumating ang lunchtime. Hindi na rin ako tinuruan pa ni Ate Lucy dahil sa dami ng ipa-file ko ay mukhang maghapon ko ‘yon na gagawin. Ang sabi rin sa akin ni Ate Lucy ay badtrip siya dahil mainit ang ulo ni Sir Jarred. Hanggang sa dumating na ang lunch time. Sabay kami ni Ate Lucy na kumain. Inaya ako ni Ate Lucy sa fastfood at ililibre n’ya raw ako. Pumayag ako dahil masyadong mapilit si Ate Lucy kahit anong tanggi ang gawin ko. Sa isip-isip ko ay kapag nakasahod ako ay ililibre ko na lang siya. Isa pa, nahihiya akong makasabay ang taga marketing department do’n sa canteen. Nahihiya ako na nagkagulo at nawalan pa ng TL do’n dahil sa insidente na involve ako. “Hay naku! Mabuti na lang at medyo bawas ang init ng ulo ni Sir Jarred kanina. Pero nakaka-badtrip talaga s’yang maging boss. Nasigawan pa rin ako kanina sa meeting.” Reklamo ni Ate Lucy nang nakaupo na kami sa table at naghihintay na lang ng order. “Bakit pa kasi siya ang boss natin, eh? Sana si Sir Henry na lang… mabait pa. Si Sir Jarred gwapo at sexy lang. Pero ang ugali kabaligtaran!” dagdag pa nito. Hindi ko naman kung ano ang iisipin. Though, na-experience ko do’n sa elevator ang sinasabi ni Ate Lucy na sama ng ugali ni Sir Jarred, ay bigla naman ‘yong naglaho dahil iba na ang pinakita nito sa akin. “Magkamag-anak ba sila, Ate Lucy?” Curious na tanong ko na lang. “Nakita mo na rin pala si Sir Henry… Oo, mag half-brother sila.” Sagot ni Ate Lucy. Tumango-tango ako. Kaya pala magkahawig. Gusto ko sana na itanong ang tungkol sa lovelife ni Sir Jarred pero pinigil ko ang sarili ko dahil baka magtaka si Ate Lucy kung bakit ako curious. Dumating na ang pagkain namin at madali na kaming kumain para may time pa raw kami na maidlip kapag dating sa office. Nagkaroon na lang ng kaunting tanong na personal sa akin si Ate Lucy. Mabuti na lang at hindi natanong kung ano ang trabaho ng magulang ko. Nang bumalik kami sa office ay nakaidlip pa ako sa table ko ng ilang minuto. Nang dumating na ang working hours ay nagpatuloy ako sa ginagawa kong filing. Tahimik lang na nagta-trabaho ang mga kasama ko. Siguro dahil nga malapit lang kami sa CEO office kaya seryoso ang ambience dito sa department ko ngayon. Doon kasi sa marketing ay may naririnig pa akong mga biruan. Pero si Sir Jarred naman ay maghapon lang na nasa loob ng office nito. Hindi ko man lang kasi nakitang lumabas ito. May ilang mga naglalakad sa hallway papunta sa office ng CEO at malamang na may mga sadya ang mga iyon. Lumipas ang maghapon at sa wakas ay dumating na rin ang uwian. Nag-approach naman sa akin si Ate Lucy na umuwi na raw ako. Ang ibang empleyado ay nakauwi na. Pinauna ko muna sila para wala akong masyadong kasabay sa elevator. Nagliligpit ako ng gamit nang marinig ko ang pagbati ng iba kong kasama sa trabaho kay Sir Jarred. Nang nilingon ko ay nakita kong papalabas na ang boss ko at mukhang pauwi na. Parang biglang naging kulang ang gabi ko dahil hindi ko man lang ito nasulyapan pauwi. Lumipas ang ilang minuto at lumabas na rin ako matapos magpaalam sa mga naiwan kong kasama sa area namin. Deretso akong nag-time-out nang makababa ako sa first floor ng building. Parang ang bigat ng paa ko habang naglalakad papunta sa MRT station. Sobrang nakakatamad agad dahil magiging mandirigma na naman ako para lang makasakay at medyo malayo rin kasi ang mula sa Caballero Building papunta sa MRT station. Malayo na ako sa building nang makarinig ako ng busina ng sasakyan. Lumingon ako at nagulat ako nang bigla bumukas ang bintana ng kotse. “Mira, are you going home?” Biglang nanlambot ang tuhod ko dahil si Sir Jarred ang nasa kotse at nagtatanong. Natameme ako at hindi nakasagot sa kanya. Mas kinagulat ko nang biglang tinabi pa ni Sir Jarred ang sasakyan nito. Bumaba siya sa sasakyan at tuluyan na akong nilapitan. “Sumabay ka na sa akin. I’ll drive you home.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD