CHAPTER 51 - MIRACLE & JARRED “Sir JK, nakahain na po ang pagkain.” Malakas na tawag sa may pinto ng kwarto ko. Si Manang. I heave a deep sign at binalik ang voice recorder sa vault at isinara ‘yon. Lumabas ako sa secret room ko at bumaba sa dining para kumain. After I ate, I decided to check the kids and Lolo. Bagay na ginagawa ko bago matulog. Nagpunta muna ako kay Lolo at nakita kong tulog na ito. Kagaya ng madalas kong ginagawa ay uupo ako sa tabi ng kama nito at hahawakan ang kamay nitong mahina na. “Lo, you’re still awake?” Tanong ko nang naramdaman ko na humigpit ang kapit ng kamay nito sa akin. “JK, dumating ka na agad... I thought, you are with your friend… Akala ko ay gagabihin ka nang husto.” he weakly said.

