CHAPTER 64 – MIRACLE & JARRED Miracle Florence Geronimo “Mas magiging masaya ang bata o ikaw ang magiging masaya, hah, Jarred!?” Naiinis na sabi at humakbang pa patagilid para lumayo sa lalaki. “Hey, baby… ‘Wag ka ng magalit. I’m just concerned with the kids. I know they want us to be a complete family. That’s why naisip ko na dito ka na matulog sa kwarto ko.” “Ayoko! Hindi ako papayag kahit anong sabihin mo.” Matigas na sabi ko. Besides, ako ang magpapatulog sa mga bata simula ngayon. Hindi na nila malalaman kung saan ako matutulog. “But, baby—” “No buts! Ililipat mo ‘ko ng kwarto o aalis ako ngayon din sa mansion na ‘to!?” Pananakot ko. Narinig ko naman ang buntong hininga ni Jarred. Deretso lang naman ang tingin ko sa kanya para ipakitang seryoso ako sa sinasabi ko. Nakikita ko

