CHAPTER 65 – MIRACLE & JARRED Miracle Florence Geronimo “Sir JK, baka matunaw na po si Ma’am Miracle!” Biglang kong narinig na tukso ng kasambahay. Mabilis tuloy akong napaiwas ng tingin kay Jarred. Ang tagal na yata namin na nagkatitigan. “Kids, come on… Aalis na tayo!” Bigla pag-change topic ko. Nararamdaman ko pa rin ang pamumula ng pisngi ko. Binaling ko ang tingin kay Karlo at kinakawag ko ang kamay ko para hawakan nito. Agad naman na lumapit sa akin ang anak ko at hinawakan ako. “Dadalhin ko na ang gamit mo, baby ko.” Narinig ko pang sabi ni Jarred. Bago pa ako makapalag sa kanya ay nakuha na niya sa balikat ko ang nakasukbit na totebag kung saan nakalagay ang mga gamit ko. Hinayaan ko na lang si Jarred hanggang sa maglakad na kami papunta kung saan naka-park ang sasakyan ni

