CHAPTER 56 – MIRACLE & JARRED Miracle Florence Geronimo “Ahhhh!” Nangangiwi si Jasper sa hapdi ng sugat niya. “Wait, sandali na lang ‘to, Jasper. I’m s-sorry. Kung ‘di dahil sa akin hindi ka masusugatan.” Nahihiyang sabi ko. Inuwi kasi namin si Jasper dito sa bahay namin. Sinabay na lang namin siya sa kotse ko at pagkarating namin dito ay may inutusan kaming driver na kunin ang kotse ni Jasper sa restaurant. Ang masaklap ay nasugatan pa siya at nabubog nang tinulak ni Jarred sa table at nahulog sa lapag. “Nakakainis talaga siya, Ate!” Bigla ko na naman narinig na sabi ni Heaven. Napalingon ako sa kapatid kong nanggagalaiti pa rin sa galit hanggang ngayon. “Sa susunod na guluhin ka pa niya ay hindi lang talaga ‘yon ang matitikman niya! At ikaw naman, Jas… Akala mo ba hindi ko nahalata

