CHAPTER 57 – MIRACLE & JARRED “Thank you po, Kuya.” Magalang na sabi ko sa driver ng school service matapos akong ibaba sa isang mansion na malapit ang sa school kung saan ako nagtatrabaho. Nasa isang kilalang village ako na alam kong residence ng mga bilyonaryo. Isang malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan ko bago nagpasya na mag-doorbell sa isang mataas na gate. Hindi ko naman kita ang loob ng mansion dahil sa taas ng bakod no’n. Napatingin pa ako sa CCTV na naroon sa itaas ng gate bago tuluyan na pindot-in ang doorbell. Hindi na ako naghintay ng matagal at may nagbukas ng gate. Isang lalaki na maganda ang tikas ng katawan. “Ma’am Miracle, Hinihintay na po kayo ni Boss JK.” Magalang na sabi ng lalaki. Naningkit agad ang mata ko sa narinig. So, nandito rin siya? Nakaramdam

