CHAPTER 58 – MIRACLE & JARRED Miracle Florence Geronimo “Sinabi ko nang hindi ko kailangan ng explanation mo!” Matigas na sabi ko. Sabay tulak sa dibdib ni Jarred. Ayoko nang bigyan siya ng dahilan na natatameme ako kapag malapit siya sa akin. “Please, baby—” “Jarred! Tigilan mo na ako! Mabait pa ako sa demonyong katulad mo dahil nagagawa ko pang turuan ang mga anak mo!” Tumalikod ako hinawakan ko ang doorknob. Akmang pipihitin ko ‘yon ay naramdaman ko ang pagyakap ni Jarred mula sa likod ko. “I’m sorry, baby… please don’t go… I love you. I love you. Believe me… Hindi ko ginustong saktan ko. Napilitan lang ako dahil nasa delikado kang sitwasyon. Kapag okay na ang lahat. Ipapaliwanag ko sa’yo. I just want your assurance that you are mine.” Hinawakan ko ang mga kamay ni Jarred na nak

