CHAPTER 59 – MIRACLE & JARRED Miracle Florence Geronimo “Thank you, Jasper.” Nakangiting sabi ko matapos ako nitong ihatid sa bahay. “Welcome, Ma’am Mira. Bukas ulit.” Magalang na sabi nito. Pumasok na ako bahay namin matapos ihatid ng tanaw si Jasper. Hindi ko tuloy alam kung itutuloy ko pa ba ang pagpapanggap na boyfriend ko si Jasper gano’n na alam na nga ni Jarred na may kasintahan na ako ay ginugulo pa rin niya ako. Paano pa kapag nalaman nito na wala talaga akong boyfriend? Malamang na mas gugulohin niya ako. Tsaka kanina ay hindi na siya nag-insist na ihatid ako. Siguro naman ay tinamaan siya sa mga sinabi ko. “Good afternoon, Ma’am Miracle.” Bungad sa aking ng kasambahay. “Manang, pwede niyo po ba akong gawan ng merienda. Kahit sandwich at juice lang po?” Magalang na sumun

