CHAPTER 60 – MIRACLE & JARRED Miracle Florence Geronimo “Paanong nandito ka?” Nagawang kong itanong sa kabila ng pagkabigla. Binaling ko muli ang tingin sa ibaba. Medyo nalulula na ako na hindi ko maintindihan dahil mas mataas na kami ngayon. Sh*t! Kung pwede lang na tumalon ay ginawa ko na! Natatakot akong kumilos nang masyado dahil baka mawala ang balance nitong balloon at maiuwi pa akong bangkay kay Heaven. “Baby…” sambit ni Jarred sabay hawak sa may balakang ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Hinawakan ko ang magkabila niyang kamay at marahas na inalis sa pagkakahawak sa akin at hinarap siya. Sa ginawa kong ‘yon ay pakiramdam ko na mawawalan ako ng balance. Bigla tuloy akong napahawak sa dibdib niya. Kinuha ni Jarred ang pagkakataon para hapitin ang beywang ko at hinigpita

