CHAPTER 61 – MIRACLE & JARRED “Ma’am Mira!” Napalingon ako sa humahangos na si Jasper na paparating na dito sa kung saan naka-park ang kotse nito. “Jasper!” hagulgol ko. Malapit na si Jasper kung nasaan ako at mabuti ay nakikita ko pa ito kahit hilam na ang mga mata ko ng luha. Nakita ko pa ang pag-aalala sa mukha ni Jasper nang nakita ako. Paano itong hindi mag-aalala… nakasalampak ako dito sa semento sa tabi ng kotse nito. Patuloy lang ang pag-iyak ko. Mugtong mugto na ang mata ko at pati ang sipon ko ay hindi ko na nagawang punasan pa. May ilang tao na nakakita sa akin kanina dito at nilapitan pa ako pero hindi ko sila pinansin nang tila gusto nila akong itayo dito sa gilid ng sasakyan. Sinabi ko na lang na pabayaan ako at mabuti na lang ay iniwan din ako. Ang iba naman ay nakita

