CHAPTER 15 - MIRACLE & JARRED Miracle Florence Geronimo Halatang puyat na si Tita Mayet dahil dapat ay tulog siya nang ganitong oras. Idagdag pa na nagbyahe siya sa presinto ng madaling araw at tapos ay siya pa ang nag-asikaso dito sa ospital habang nagpapahinga ako. Ako naman ay kahit papaano ay may tulog kaya nagsabi ako kay Tita na umuwi na lang muna siya para ako na ang magbantay kay Heaven. Hindi pa rin gising si Heaven. Nanatili lang ako na nakabantay sa kwarto niya nang umalis na si Tita Mayet. May nurse naman na nagmo-monitor sa lagay ng kapatid ko na maya-maya kong tinatanong kung ano na ang lagay. Ilang beses na rin akong puro hagulgol at hinahawakan sa kamay ang walang malay na si Heaven habang kinakausap na lumaban siya para sa akin. Tumitigil lang ako kapag sobrang pa

