CHAPTER 16 - MIRACLE & JARRED Miracle Florence Geronimo “Pucha! Sino ka bang gago ka!?” Sigaw ni Mr. Santos. Mukhang pinipilit nitong mag tapang-tapangan kahit sa tingin ko ay sobra na itong nanginginig sa takot. Parang kulang na lang ay maihi ito sa salawal. Pati ako ay mas natakot. Bakit may baril si Sir? “S-sir, ibaba niyo po ‘yan!” Nanginginig na sabi ko. Sandaling binaling ni Sir Jarred ang tingin sa gawi ko bago muling binalik kay Mr. Santos ang tingin. Mas nakita ko kung gaano katalim ang tingin niya kaya natakot ako at natahimik tuloy bigla. “Get out of this room, dirty old man!” Mariing utos ni Sir Jarred na kinagulat ko. “Hindi mo ba kilala kung sino ang binabangga mo!?” sagot ni Mr. Santos. “Kung gusto mo ng babae, hindi na pwede ang baby ko. Binili ko na siya!” s

