CHAPTER 75 – MIRACLE & JARRED Miracle Florence Geronimo “K-kuya, matagal pa po ba?” Tanong ko sa driver nang pumasok itong muli sa sasakyan. Pinahalata ko na ang pagkayamot sa boses ko. Paano ako hindi maiinis? Halos mag 30 minutes nang nakahinto ang sinasakyan namin. Naka-tatlong labas na rin si Manong driver dito sa loob ng sasakyan. Kada labas niya ay binubuksan niya ang hood ng kotse at may kinakalkal do’n at pagkatapos ay papasok dito para buksan ang makina pero bigo naman siya na mapaandar itong sasakyan. “Ma’am Miracle, pasensya na. Malapit na pong maayos.” Sambit naman ng driver na halatang natakot din sa expression ng mukha ko. Pinipilit kong kumalma. Wala naman na kasalanan ang driver at hindi naman siguro nitong gustong masiraan kami. Binaling ko na lang ang tingin sa cell

