CHAPTER 74 – MIRACLE & JARRED Miracle Florence Geronimo “Ma’am Mira. Hayaan mo nang iba ang gumawa d’yan.” Napalingon ako kay Manang nang maramdaman kong hinawakan nito ang braso ko at akmang pipigilan ako para maghugas ng pinggan. “Kaya ko naman po, Manang. ‘Wag po kayong mag-alala. Tsaka ‘wag niyo na po akong tawagin na Ma’am. Hindi po ako sanay.” Nakangiting sabi ko sa matanda. “ Pero kapag nakita ka ni Sir Zeus na naghuhugas ka ay baka mapagalitan kaming lahat dito. Baka sabihin ay kasambahay pa rin ang turing namin sa’yo.” Tuluyan ko nang hinarap si Manang at ngumiti sa kanya . Siya pa rin ang mayordoma dito sa mansion ng Hacienda Cervantes. “Para na rin po kayong tumayong magulang namin ni Heaven nang nakatira kami dito. Hindi po namin naramdaman na tinuring niyo kaming kasamba

