Ruthless Billionaire 1 - 6

1852 Words
CHAPTER 6 - MIRACLE & JARRED Miracle Florence Geronimo “May mali ka dito, Mira.” Napalingon ako sa table ni Ate Ryza nang marinig ko ang pangalan ko. Pagtingin ko kay Ate Ryza ay wala sa akin ang atensyon nito at nasa isang document na hawak. Kinabahan ako. Malamang ay ‘yon ang pinagawa niya sa akin na simpleng encoding lang naman. Pinaulit na ni Ate Ryza sa akin ‘yon kanina, pero ito na naman at tinawag niya akong may mali raw. Tumayo ako at lumapit dito. “M-may mali ba uli, Ate?” tanong ko. “Oo, eh. Typo error lang uli.” Sambit nito na tumingin tumingala na sa akin. “Naku, sa ngayon, understandable ang ganitong error, Mira… Pero sa mga susunod na araw na hindi ko na matse-check pa ang gawa mo. Kailangan mong ma-ensure na 100 percent correct lahat ng report na gagawin mo dahil mahigpit ang CEO natin. May mga report na dumadaan sa kanya at kapag nakita niya ang mga simpleng mali ay paniguradong uusok ang ilong no’n sa galit.” Nakagat ko ang ibabang labi. Hindi naman galit ang tono ni Ate Ryza, pero bigla akong napapahiya sa output ko. Baka isipin nito na slow-learner ako. “P-pasensya na, Ate… Uulitin ko na lang.” “It’s okay, Mira. Next time, don’t just double check. Kung kaya mong i-triple check ay gawin mo. Namamahiya ng empleyado si Sir Jarred at naninigaw. Kapag mahina ang loob mo ay siguradong mapapa-iyak ka n’ya. Or worst, baka mapa-resign ka pa.” Bigla akong kinilabutan sa narinig. Resign? Ayokong mangyari na sumuko ako agad. Kailangan ko ng pera. Kailangan kong pagbutihan ang trabaho. Inabot na sa akin ni Ate Ryza ang documents at humingi ako muli ng pasensya bago bumalik sa upuan ko. “Presence of mind muna, Miracle Florence! First day mo sa trabaho kaya magpakitang gilas ka!” Kastigo ko sa sarili. Sa tindi kasi ng tense na nararamdaman ko mula pa kanina ay nahirapan na akong ibalik ang concentration ko. Hindi na nga ako naka-move on dahil sa incident sa pagitan namin ng CEO do’n sa elevator ay sinundan pa na nalaman kong hiningi nito ang mga files ng lahat ng empleyado. Hindi mawala sa isip ko ang possibility na makita ni Sir Jarred ang picture ko at biglang maalala ang ginawa kong pagyakap sa kanya. Pati ang pagtulak ko. Baka bigla nitong maalala ang comment niya sa tatanggalin niya ako sa trabaho. Tinapos ko lang ang pinagawa sa akin. Ilang beses kong pinasadahan pinagawa sa akin ni Ate Ryza bago muling binigay sa kanya. Nagpasalamat ako sa Diyos na hindi na pinaulit sa akin ang report. Lumipas pa ang maghapon. Medyo busy ang lahat ng empleyado. Nagkaroon kami ng coffee break na 30 minutes pa pero hindi ko naman nagawang makisama pa sa ibang employee dahil ginawa kong busy ang sarili ko sa para magkalkal ng mga reports na gagawin ko. Gusto kong maging familiar sa mga files habang hindi pa naman field work ang gagawin ko. Sa wakas at oras na ng uwian. Nawala na ang pagka-tense na naramdaman ko dahil hindi naman ako pinatawag sa HR. May mga ilang nang empleyado na umuwi.Ako naman ay nahihiya pa na magaalam dahil parang busy pa si Ate Ryza. “Mira, hindi ka pa ba uuwi?” Bigla ay napalingon ako sa nagtanong sa akin. ‘Yung lalaking ka-department ko na trip ako na kanina pa nagpaparinig sa akin sa elevator. “Hindi pa, Sir.” Sambit ko. “H’wag ka nang masyadong pormal, Mira. Jo na lang ang itawag mo sa akin.” Sambit nito na halatang nagpapa-cute. “Hoy, Jo. Tigilan mo si Mira, ang bata pa n’yan!” Biglang saway ni Ate Ryza na ikinatuwa ko. “Tsk! Ang KJ mo naman, Ry!” Baling no’ng Jo kay Ate Ryza bago muling tumingin sa akin at nagpaalam na uuwi na siya. Pilit na ngiti ang sinukli ko sa lalaki na walang paglagyan ang tuwa sa ginawa ko. Masyado siyang obvious at tinukso pa siya ng ilan namin na kasama na papauwi na rin. Napabuga na lang ako nang hangin nang tuluyan silang maka-alis. “Pasaway talaga ang lalaking ‘yon! H’wag mong pansinin ‘yon, Mira, ha!” Babala sa akin ni Ate Ryza. Tumango na lang ako sa babae. Binaling ko na lang ang tingin sa laptop. Ilang minuto ang nagdaan nang nagsalita muli si Ate Ryza. “Mira, tama na ‘yan. May bukas pa. Uwi na tayo.” “Sige, Ate Ryza.” Sagot ko. Tumingin ako sa orasan at 15 minutes pa lang ang nakalipas sa alas singko. Nag-shutdown na ako at kinuha ang gamit ko sa drawer ko. “Mira, sa mga susunod na araw ay baka mag-o-overtime na tayo dahil minsan ay overloaded ang trabaho dito sa atin. Hindi naman madalas iyon, pero willing ka naman ‘diba?” Kausap sa akin ni Ate Ryza na nakapag-shutdown na ng laptop at sukbit na ang bag. Lumapit na dito sa may table ko si Ate Ryza. “Oo, Ate. Anytime ay pwede naman ako mag-overtime.” Nakangiting sabi ko. “Sa susunod na araw pala ay may event ka na pupuntahan kasama si Sir Justin. May mga ipapasukat sa’yong damit na sexy bukas, hah, para sa magiging outfit mo. Alam mo na, beer ang product na sponsorship natin sa event na pupuntahan niyo kaya expect mo na daring ang style ng damit. Kaya bukas ay half-day lang ang session natin na dalawa.” Napalunok ako. Pero aware naman na ako sa job description ko kaya dapat buo ang loob ko. “Oo, Ate. Nabanggit naman ‘yan sa akin ni Ms. Perez.” Nakangiting sagot ko. Ayoko naman na mag-attitude at sabihin na pwedeng ‘wag nang sexy na damit ang isuot kung iyon naman ang required. “Merong studio dito sa Building. Nasa 5th floor lang naman. Doon ka magpi-fit bukas ng hapon.” Sabi muli ni Ate Ryza. Tumango ako. Bigla ay napabuga ng hangin si Ate Ryza. Parang may gustong sabihin sa akin pero nag-aalangan na ituloy. “M-meron pa ba, Ate?” Tinanong ko na. Hinawakan niya ang braso ko at lumingon muna sa paligid. Napalingon na lang din ako sa tinitingnan ni Ate Ryza. May naiwan pa na ka-department namin pero malayo ang table dito sa amin. “Sa atin na lang ito, Mira, ha. ‘Wag mo akong isusumbong kay Sir Justin.” Pabulong na wika ni Ate Ryza. Kumunot ang noo ko bago tumango. “May pagka-manyakis ‘ang TL natin na si Sir Justin, ha… Mukhang type ka pa naman. Kapag may ginawang something sa’yo na hindi mo nagustuhan ay pwede ka naman na magsumbong sa HR.” Napaawang ang labi ko. Natakot tuloy ako agad na dumating ang bukas. “Hah?” “Para matauhan naman si Sir Justin. Alam mo kasi, may minanyak na ‘yan dati na brand ambassador. Hindi naman nagsumbong ‘yung empleyado, pero bago nag-resign ay sinabi niya sa akin ang mga panghihipo ni SirJustin. Alam mo na… concern pa naman ako sa’yo dahil batang-bata ka pa at baka isipin niya na madali kang takutin kaya hindi magsusumbong.” “S-salamat sa concern, Ate Ryza.” Ngumiti ako sa kanya kahit paano. Ilang sandali lang nauna nang lumabas ni Ate Ryza. Nagpaiwan lang ako sandali para ayusin ang ibang kalat ko sa table. Nang naglakad na ako patungo sa elevator ay wala na si Ate Ryza. Pinindot ko ang down button at ilang sandali akong naghintay dahil nakahinto pa sa 20th floor ang elevator. Floor kung saan nag-oopisina ang CEO. Nang bumukas ang elevator ay halos tumalon ang puso ko nang mabungaran ang dalawang lalaki na naroon sa loob. Pareho silang may dala ng bag at halatang pauwi na rin. Napako sandali ang tingin ko sa lalaking hindi ko expect na makakasabay ko pa ngayon sa pag-uwi. Mr. Caballero! Bigla tuloy na parang huminto ang oras na kasabay ng kakaibang kaba na bumalot sa akin dahil nagsalubong ang tingin namin ng napaka-gwapong CEO. Napaawang na lang ang labi niya sa akin, pero sandali lang iyon. Sigurado ako dahil natandaan niya na ako ang babae kanina. Pauwi na lang ay mate-tense pa ako! Nilipat ko ang tingin sa katabing lalaki ni Sir Jarred. Siya ‘yon! ‘Yung nakabanggan ko nang interview pa lang. Nakalimutan ko na ang pangalan nito. Seryoso ang tingin nito sa akin nang magtama ang tingin namin. “Are you going to stand there?” sambit nito na biglang ngumiti ng tipid. Isang hakbang patagilid ang ginawa ng lalaki senyales na pumasok na ako at doon pa ako sa gitna nila tatayo. “H-hah? Uhmm… Sorry po, Sir.” Bigla akong napayuko at pumasok sa loob ng elevator. Pakiramdam ko ay mahihimatay ako na mapagitnaan ng dalawang gwapong lalaki. Sumara na ang elevator. Nakatingin lang ako sa lapag nang naramdaman ko na ang pag-andar ng elevator. Kung pwede lang na ground floor na ang kasunod para makalabas na ako dito, eh. Kaso ilang floor pa ang dadaanan namin. “So, you’re a new employee here?” Narinig kong sambit nang lalaki. Nag-angat ako ng tingin at nilingon si Sir na nakangiti sa akin. Sigurado akong kamag-anak niya si Sir Jarred dahil sa may kaunti silang resemblance. Pero mukhang mas matanda ito ng ilang taon. Kung si Sir Jarred ay 34 na, baka ito ay nasa late thirties na. “O-opo, Sir.” “You look very young. How old are you?” “19 na po.” “Mabuti at natanggap ka dito sa office job?” Seryosong tanong nito. Bigla akong kinabahan sa tanong nito. Diyos ko! May backer lang ako kaya natanggap. “Ahhm—" “I’m Henry. I’m the COO.” Nilahad nito ang kamay. Mabui na lang at wala na itong follow up question tungkol sa edad ko. “Welcome to CBC.” Ngumiti ako nang pilit kay Sir Henry matapos mabilis na nakipag handshake. May something sa tingin niya sa akin na kinailang ko. Nag-iwas agad ako ng tingin at yumukod. “S-salamat po, Sir Henry.” Tumango na lang si Sir Henry at inayos ko na ang pagkakatayo ko. Hindi ko alam kung kakausapin ko ba si Sir Jarred dahil wala naman akong narinig man lang na salita dito. Baka isipin nito na bastos ako at hindi man lang nag-good afternoon sa kanya. Patuloy lang sa pagbaba ang elevator habang patuloy rin ang kakaibang t***k ng puso ko. Mabuti na lang at sa bawat pababa na floor ay humupa na rin ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pero hanggang sa nakarating na kami sa ground floor at bumukas na ang pinto. Naunang lumabas si Sir Henry matapos na tumango sa akin. Hindi ko alam kung kikilos na dahil gusto kong makalabas muna rin si Sir Jarred. “You go out first.” Biglang nagsalita si Sir Jarred na ikinatayo ng balahibo ko. Nang binaling ko ang tingin sa kanya ay parang lalabas na sa ribcage ang puso ko dahil bahagya siyang nakangiti sa akin. “My God! Ang gwapo!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD