CHAPTER 13 - MIRACLE & JARRED Miracle Florence Geronimo “Wow! Ang gandang babe n’yang kasama mo, Ate Mayet, ah. Pakilala mo naman ako!” sambit ng isang lalaki na may bitbit na bucket ng beer. Bigla akong natakot sa paraan ng pagtingin nito sa akin na hinahagod ang buo kong katawan kahit matino naman ang suot kong damit. Hawak ako ni Tita Mayet sa braso. Ayaw akong pakawalan at akala siguro nito na magbabago pa ang isip ko tungkol sa pagsasabi ko kanina na ibebenta ko na ang puri ko. “Kay Mr. Santos na ‘to!” Biglang sabi naman ni Tita Mayet at nilagpasan na namin ang lalaking sa tingin pa lang ay hinuhubaran na ako. Sobrang sama ng loob ko ngayon habang halos hilaan na ng tiyahin ko. Tila bigla itong na-excite dahil sa pagpayag ko at nakalimutan na ang nangyari kay Heaven. Hindi ma

