MINT’S POV
MASARAP MAMUHAY nang payapa, tahimik at malayo sa anumang maingay at magulong lugar.Yan ang masasabi ko sa buhay na meron kami dito sa aming farm at proud ako sa ganitong klase ng pamumuhay. Simple at payak lamang.
“Good morning dad,”
Nakangiting bati ko sa ama ng maabutan ito sa aming hapagkainan.Nagbabasa ng diyaryo habang may tasa ng umuusok na kape sa harapan nito.
“Good morning rin anak.Mukhang bihis na bihis tayo ah, may lakad ka ba?”
Kunot noong tanong ni daddy sa akin ng maibaba nito ang hawak at suyudin ako ng tingin ang kabuuan ko.Naupo naman ako sa tabi nito sa left side bago sumagot.
“Yes dad.Pabayan lang po ako mamaya,” saad ko sa ama bago nagsalin ng kape na nasa takore.I know this kind of smell new fresh brewed coffee.Ang aming the best na Kapeng Barako.We own a land farm tree of a coffee beans and also we have here a planta and small factory to produce a fresh coffee powder from our coffee beans.Pinag-aaralan ko pa kung paano lalagyan ng extension ang aming plantasyon ng walang maaapektuhan na karatig na lupa at sa aming mga pananim na rin.At my age hindi biro ang matutunan ang pag-mamanage ng negosyo.Although nakaalalay naman si daddy sa akin but still it’s hard but at the same time challenging.
Marami kaming sinusuplayan ng aming produkto.International man o local and we’re thankful for the blessings that we have.Alam ko masaya sila lolo at lola sa amin—sa kanilang pamana na iniwan kay daddy dahil naaalagaan ito ng mabuti.Kung sa pag-ibig ay iniingatan at pinapahalagahan, pero dahil wala naman akong pag-ibig tamang sa mga tanim na lang namin na mga kape at tapat na mga tauhan na lang magagamit ang ganyang term.Dapat pantay-pantay at patas lamang dahil iisang hangin lamang ang nilalanghap at hinihingahan ng bawat tao. Walang mayaman, walang mahirap.
“Ngayon ba ang dating ng bagong aangkat sa ating mga kape anak?”
“Yes dad.Actually susunduin ko lang po sila sa bayan para personal na i-tour po dito sa atin.”nakangiting sagot ko kay daddy bago humigop sa aking kape.Ahhh…ang sarap!
“Ganun ba anak.Okay sige,”
Aniya na lang ng ama na kinatango ko na lang bago kami nagsimulang mag-almusal. Kung sa iba magara ang almusal na nasa hapagkainan kami dito ay hindi simple lang.Ang lamesa nga namin katamtamang parihaba na yari sa kawayan same as sa mga upuan na pang-anim na katao lamang ang kasya.Simpleng pandesal, pritong itlog hotdog at ham ang nakahain.Syempre hindi mawawala ang palaman na coco jam at star margarine na sweet blend.Dadalawa naman kami ni daddy kasi ang nakain dito sa bahay dahil ang mga tauhan namin dito sa farm ay may kubo sa labas na pahingahan at kainan nila sa umaga, tanghali.They’re all stay in dito sa aming farm.May karatig kasi ng bahagi ng lupa dito sa taniman ang kung saan nakatayo ang kanya-kanyang bahay ng bawat pamilyang tauhan namin.Matagal na rin iyon mula pa sa lolo at lola ko noong nabubuhay pa ang mga ito na hanggang ngayon ay mga nakatayo pa rin para sa panibagong henerasyon.May ilang scholar rin kami mga anak ng tauhan namin.Kaya naman tapat ang mga ito sa amin at masisipag as in wala kang masasabi na hindi maganda.
“Alis na po ako dad,”
Nakangiting paalam ko kay daddy ng mabuhay ang makina ng pick-up ko sasakyan na dadalhin.Naka maong jeans lang ako na may punit ang bandang tuhod sa right side at white t-shirt.Simpleng rubber shoes lang rin ang suot ko.
“Sige anak ingat ka sa pagmamaneho.Just text or call me pag pabalik na kayo para makapag handa ako ng mirienda,”saad ni daddy sa akin na kina thumbs up ko bilang sagot.
Kumaway pa ako sa ama na nakasunod ng tanaw sa aking papalayo na sa bahay namin.Pasipol-sipol pa ako habang nagmamahe habang nakabukas ang bintana sa side ko.Sariwang hangin na kay presko. Bumubusina rin ako sa tauhan namin na nakikita or nakakasalubong ko.
“Sir Mint!”
Napatigil ako sa isang tabi ng marinig ang boses ng kaibigang si Cleo.Sinilip ko rin ng bahagya sa may bintana ang aking ulo para mas makita ito.
“Oh Cleo ikaw pala.Pasaan ka?”
“Sa bayan lang ‘tol.Pwede ba akong makisabay?”
“Oo naman halika na sasabay lang pala eh,”
Saad ko at umabante ng bahagya na ikinareklamo agad ni Cleo sa akin.
“Gago!Literal na isasabay mo nga ako.Raulo ka talaga Mint.Pasakay na nga lang!”
“Hahaha…sabi mo kasi pasabay, hindi mo naman nilinaw kasi!”natatawang bulalas ko ng makasakay na si Cleo sa passenger seat.
“Gago!”naiiling na sambit ni Cleo sa kaibigan.Hay naku na lang talaga!
Habang binabaybay namin ang daan papuntang bayan ay inusisa ko si Cleo kung ano gagawin sa bayan at ng mabanggit nito ang sadya doon ay nakaramdam ako ng pag-aalala para kay ‘nay Minda dahil may sakit pala ito ngayon.Sa may botika ko binaba si Cleo at sinabihan itong hintayin na lang siya muli para maisabay na pabalik.Ako na rin ang nagbayad para sa gamot na binili nito at syempre kinontak ko na rin ang kaibigan kong doctor sa bayan para patingnan si ‘nay.Mahirap na baka lumala pa ang sakit na iniinda nito, maige na yung natitingnan kesa sa hindi.
Pinark ko ang pick-up sa isang tabi bago bumaba.Nauhaw ako bigla kaya naman naglakad-lakad ako para bumili ng tubig sa tindahang malapit.Nadaanan ko rin ang nagtitinda ng banana cue kaya naisipan ko na bumili mamaya pagbalik.Kakalampas ko lang sa nagtitinda ng tumunog ang selpon ko nasa bulsa kaya naman dinukot ko ito para tingnan kung sino ang nagtext.De keypad lamang ang selpon ko dala pag ganitong napunta ako sa bayan.Ang kaibigang doctor pala ang nagtext.Nainis pa ito dahil sa pang-iistorbo ko daw sa day off nito kaya napangiti ako dahil sa huli pumayag rin ito ayon mensahe nakalagay din sa dulo.
Dahil sa selpon na hawak ako nakafocus ay hindi ko sinasadya na may mabangga o masagi sa daan.Mabilis na tinago ko ang selpon sa bulsa upang tulungan ang babae sa paglimot sa tubig nitong nalaglag bago humingi ng pasensya.
“Ay pasensya na po ate hindi ko po sinasadya,”nahihiyang sambit ko dito na ikinalingon nito sa akin kaya naman napatitig ako sandali dito.Sa mukha nito.Saka lang ako natinag ng magsalita muli ito sa himig na halatang naiinis sa akin at sinermunan pa ako na ikinakunot ng noo ko hindi dahil sa inis nito kundi sa itinawag nito sa akin.
“What the f**k!?Ako bata?Tinawag mo akong bata?”
Gulat na salita ko habang lukot ang gwapong mukha at agad ang pagragasa ng inis sa akin.Pakiramdam ko nag-kuluan bigla ang dugo ko.Humarap muli ang babae sa akin at tinaasan ako ng kilay habang titig na titig sa akin na ikinailang ko naman bigla.Na conscious tuloy ako pero kahit ganun ay nakipag sukatan ako ng tingin dito.Damn this woman!
“Ay hindi!Baka yung semento ang sinabihan ko!”may pagka sarkastiko at nakairap na sagot ni Hera sa kaharap na lalaki.Naiinis talaga siya sa ginawa nito.My god kung hindi lang ito bata baka nakutusan na niya ng isa! Nagmura pa ito na lalo kong kinainis para dito kaya naman nagkomento ako muli at pinameywangan na ito.”Aba at nagmumura ka pa bata ka huh.Hindi ka marunong rumespeto sa nakakatanda sayo!Hay naku ang mga kabataan talaga ngayon.Tsk!” dagdag na salita ko dito sa pasermon na boses.Kitang-kita ko ang inis na dumaan sa mukha nito.
“At namimilosopo ka pa ate!At saka nakakailang sambit kana na bata ako huh.Tsk.For your information po ATE nasa legal age na po ako!At itong bata na sinasabihan mo ay kaya na nga rin ho gumawa ng bata eh, gusto mo try ko pa sayo eh,”saad ko dito at pinagdiinan ko ang salitang ate dito at yung mga huling pangungusap ay pabulong ko lang sinambit pero narinig pa pala nito.Inirapan lang ako nito bago inalis ang kamay sa bewang nito.”Ang bastos mo!How old are you?”aniya nito sa akin kaya bahagyang nanlaki ang mata ko at hindi agad nakapagsalita para sagutin ang tanong nito sa halip ay nakatingin lang ako dito partikular na sa mukha nito.Bastos agad?Saan banda eh hindi pa nga ako nakahubad eh.Tsk!gusto ko sana sabihin dito iyon kaso baka lalong uminit ang ulo nito sa akin.Hindi pa naman ako sanay na may babaeng galit sa akin.”Nevermind don’t answer it,”masungit na dagdag na saad pa nito ng hindi ako umimik dito.Sinuyod rin nito muli ang kabuuan ko bago pairap na naman na tinalikuran na ako.Napahinga na lang ako ng malalim dahil sa inis.Sinundan ko na lang rin ito ng tingin habang naglalakad ito papalayo sa akin.Maganda ka nga saksakan naman ng sungit.Siguro mag-me-menopause ka na ate!Tsk!komento ko sa aking isipan bago napapailing na dumiretso na lang sa tindahan at bumili ng tubig.Kagaya ng sabi ko bumili nga ako ng banana cue pagbalik ko.
Naglalakad na ako papunta sa sasakyan ko ng makita ang kaibigan.Binati ko ito ng lumingon sa akin.
“Uy Tol!Pauwi ka na ba?Sabay ka na sa akin dala ko ang pick-up,”aniya ko agad dito na agad ring umiling sa alok ko.
“Salamat Tol, dala ko ang motor ko. Susunduin ko kasi yung pinsan ko na galing maynila kasama ang boss nito,”
“Pinsan?Sino?”aniya ko nagtaka pa sandali.
“Eh sino pa ba edi yung may crush sayo ‘tol!”
Napaisip ako sa sinabi ng kaibigan kung sino ang sinasabi nitong pinsan na galing maynila.At nang may maalala na ay alanganin ko pa isinatinig iyon.
“Si Riri ba?!Yung anak ni tita Rita?”alangan na tanong ko dito na tumango agad.
“Mismo tol, siya nga.”sagot nito ng nakangiti sa akin.I remember him.Siya yung number one fan at cheerer ko—namin noon sa tuwing maglalaro kami ng basketball.He is a gay and I don’t mind kung anong klaseng gender siya.After all he is my half friend also.
“Ganun ba, siya sige mauna na ako,”paalam ko sa kaibigan at tinapik ito sa balikat.
“Sige tol.By the way punta ka bukas sa bahay huh mag-inuman tayo at birthday ko,”
“Ay oo nga pala sige tol.Sagot ko na ang isang kahong kwatro!”nakangising saad ko dito na kinatango nito sa akin.Nagpaalam na ako dito muli at mabilis ang lakad na nagtungo sa sasakyan.Sakto sakay ko ay siyang pag text ng susunduin ko.Muntik ko na makalimutan ng dahil sa babae kanina.
Hindi rin naman ako nahirapan dahil agad ko nakita ang sasakyan ng susunduin ko. Bumaba rin ako at nagpakilala sa mga ito bago niyaya na pauwi.Dinaanan ko na rin si Cleo sa botika kung saan ito naghintay sa akin.Habang nasa daan ay nagpadala ako ng mensahe sa ama na agad rin naman nagreply sa akin.
Naging maayos naman ang araw na iyon at syempre bilang pasasalamat sa aming bagong pagsusuplayan ay inimbitahan na rin ni daddy ang mag-asawang Solivio na doon na rin mag-dinner kasama ang anak ng mga ito na kanina pa tingin ng tingin sa akin. Konti na lang talaga baka matunaw na ako, pero dahil generous gentleman ako ngumingiti na lang rin ako pabalik dito. Walang halong eme at malisya!
Dumating rin ng bandang bago mag-dinner ang kaibigan na inusap ko para tingnan si ‘nay Minda.Sinamahan ko ang kaibigan sa bahay nila Cleo.Nagulat pa nga sila ‘nay Minda at ‘tay Greg sa amin.
“Pahinga lang po kayo ‘nay then wag niyo po kalimutan ang maintenance na gamot na nireseta ko.At saka po pala iwas sa bawal,”
Nasa isang tabi lang ako habang nakikinig sa kaibigang doctor na siyang tumingin kay ‘nay Minda.
“Naku naabala ka pa ‘nak.Okay naman na ako.Nasobrahan lang siguro ako sa mamantikana nakain ko kaya heto inatake ng high blood.Pero salamat pa rin sa pagsuri at sayo rin Mint, nag-abala ka pa rin ’nak na magdala ng doctor dito.Nakakahiya,”
“Wala po yun ‘nay ang mahalaga po ay natingnan kayo ni Lemon,”saad ko sa ina ni Cleo na ngumiti lang.Nagligpit na rin si Lemon ng gamit na dala nito.Anak si Lemon ng mayor dito sa bayan namin na inaanak naman ni daddy sa binyag.She’s a little bit older than me.She’s a professional doctor and also a lawyer with a degree title holder.
Hindi rin kami nagtagal kina Cleo at nagpaalam na rin.Naglakad na lang kami ni Lemon pabalik sa bahay.Niyaya ko na rin ang kaibigan na doon na mag-dinner since nandito na rin lang naman ito.Bayad bilang pasasalamat dito.
“Salamat Lemon kahit naabala kita,”
Pasasalamat ko dito ng malapit na kami sa bahay.Inismiran lang ako nito saka pairap na nagsalita sa akin.
“Anong salamat ka dyan Mint?Hoy may bayad ang serbisyo ko noh plus yung pang-aabala mo sa akin sa day off ko!”
Napangiwi ako sa sinabi ni Lemon pero kalaunan ay natawa rin.Inakbayan ko ang kaibigan bago pinisil ng mariin ang pisngi nito.
“Aray ko naman Mint!Muset ka talaga,” nakasimangot na bulalas ni Lemon sa kaibigan ng panggigilan nito ang pisngi niya.
“Ang sarap mo kasi kurutin,”nakangiting saad ko kay Lemon na agad akong sinamaan ng tingin sabay siko sa aking tiyan kaya napabitaw ako dito sa pagkakaakbay habang dumadaing.Ang sakit manakit ng kaibigan!
“Eh kung basagin ko kaya yan early bird mo bilang ganti, parang mas masaya yun my dear friend!”sarkastiko at nakangisi saad ni Lemon kay Mint na kinasama ng tingin nito sa kanya.Akala niya huh!Buti nga sa kanya. Tsk!
“Wag ganun Lemon sayang ang lahi ko kung mabubugok lang.Wala pa nga akong malilimliman eh, mababasagan agad tsk!”
Nakasimangot na sagot ko sa kaibigan na nagpatiuna na sa akin sa paglalakad. Nagkasabay lang kami muli nito ng malapit na sa bahay.Naabutan pa namin sa may labas ng bahay ang anak ng bisita namin ngayon.Si Avery na sumulyap kay Lemon bago sa akin.Nakasimangot ito sa hindi ko alam na dahilan kaya naman nginitian ko na lang at saka niyaya na rin sa loob ng makalapit kami ng husto.Binati naman ng kaibigan si dad at syempre pinakilala ito sa mga bisita.Naging maayos ang dinner namin hanggang sa matapos at magpaalam na ang mga naging panauhin namin ngayon.
Nasa sariling kwarto na ako dito sa bahay namin ng sumagi na lang bigla sa isipan ko ang babaeng nakabangayan ko kanina. Napahilot ako sa sintido ko ng maalala na naman ang tinawag nito sa aking ‘bata’.Hindi katanggap-tanggap dahil nasaling ang ego ko.Damn it kasalanan ko ba na baby face at cutie handsome ako.Tsk.I’m gonna be turning twenty three by next month for goddamn sake!Pero infairness maganda si Ate at matangkad rin.Sheyt ka Mint don’t tell me humahanga ka at pagpapantasyahan mo na ang babaeng yun?Dang it!mariin na kuwestiyon ko sa aking sarili sa isipan. Napapikit tuloy ako ng aking mga mata at wala sa mood na lumabas ng kwarto.
Sa may kubo ako tumambay habang nilalaklak ang alak na binili sa malapit na tindahan.Isang bilog na gin at chichirya na pulutan ko.Cracklings na malaki at Mang Juan.May tinimpla rin ako juice na malamig katuwang ng alak instead na magtubig ako. Pampaantok lang ito para maalis na rin sa isip ko ang itsura ng babaeng yun—nang babaeng tinawag lang naman ako na bata!