HERA’S POV
MAINGAY NA TILAOK ng manok ang nagpagising sa akin.Nagulat pa nga ako ng ibang kwarto ang magisnan, pero agad rin nakabawi ng maalala kung nasaan kami ngayon.Si Lavender ang kasama ko sa guest room na inihanda para sa amin ng pinsan ni Riri and I can’t believe it na may pinsan ito na may ganitong kagarang bahay.Bahay na maganda ang pagkakayari.Alam mo yung mga old house from the 80’s to 90’s style, yun ganun ang pagkakayari nitong bahay.It’s old house pero ang linis at maayos ang lahat.Sa ibang guest room na katabi namin ay naroon ang ibang kasama while ang kwartong para kay Riri ay nasa tapat namin.
“Magandang umaga po,”
Bungad na bati ko ng makababa ng hagdan. Mag-isa na lang kasi ako sa kwarto ng magising kaya mabilis ang kilos ko na gumayak dahil nakakahiya naman sa mga kasama ko.Alas singko y medya pa lang naman at saka ang lamig ng temperatura dito ngayon isama pa ang munting hangin galing sa labas.Sabagay ber months na kasi ngayon at malapit na rin ang pasko talaga.
“Magandang umaga rin.Ang aga mo nagising ata hija.Kumusta ang tulog mo naging komportable ka ba?”
Maaliwalas ang mukha na pagtatanong sa akin ng tita ni Riri ang mother ng pinsan nito.
Mabait at palangiti ang ginang.Maasikaso rin sa ibang tao.Alam mo yung treatment na ibibigay sayo na tunay na mag-papagalak sa puso mo.
“Opo tita.Salamat po,”
“Good to know hija.Oh siya dumiretso ka na sa hapagkainan nandoon sila nag-aalmusal. Akyat lang ako sa kwarto namin at may kukunin,”
“Sige po tita Sue.Thank you ulit,”
Saad ko sa ginang ng nakangiti.Tumango lang ito bago umakyat na.Habang ako naman ay tinahak ang papuntang kusina. Tama nga si tita na nandoon na ang mga kasama dahil masaya na ang mga itong nag-aalmusal habang nag-uusap.Napahinto pa ang mga ito ng mapansin ako ng isa sa mga kasama namin.Agad akong ngumiti sa mga ito.
“Hi, good morning sa inyo.”aniya ko.
“Ay ante buti naman gising ka na.Halika na dito at mag-breakfast ka na rin para makapag start na tayong mag twerk-twerk este work pala!”malakas at masiglang bulalas ni Riri at nilapitan pa ako nito at hinila.Sa may tabi ako nito pinaupo at binigyan ng tasa.May nilapag rin si Riri na kape na ang basa ko ay 3 in 1 na coffee, pero hindi iyon ang nakakuha ng atensyon ko kundi ang aroma na nagmumula sa isang lagayan na kung hindi ako nagkakamali ay takore ang tawag.Ang bango kasi ng amoy.
“Mmm…ano ‘to?”nahihiya ko pa tanong sa mga kasama.Agad naman pumalakpak si Riri at ito na rin ang sumagot sa aking tanong.
“Ante tikman mo iyan.Kape rin yan at ang tawag dyan ay Kapeng Barako.Masarap yan kaya tikman mo na.Fresh brewed hot black coffee from the fresh coffee beans!”aniya ni Riri at hindi pa ako na oo ay sinalinan na ako nito sa tasa ko.Mas lalo tuloy humalimuyak ang aroma ng kape.Natakam tuloy ako kaya naman hinipan ko lang sandali at tumikim na. It tastes good and tama si Riri masarap nga.I love it!saad ko sa aking isipan.Dahil nasarapan ako nagsalin pa ako muli sa pangatlong pagkakataon.Sorry naman bago kasi sa panlasa ko and masarap talaga.May tinapay rin na nakahain at syempre hindi ko pinalampas ang pandesal na tawag nila and nilagyan ng palaman.I choose coco jam instead of peanut butter.Masarap rin. Nabusog tuloy ako sa dami ng nakain na tinapay at tatlong tasang kape na nainom. Dinaig ko pa ang PG sa dami ng nakain.
Nahiya rin ako bigla ng mapadighay ng malakas dahil sa kabusugan.Nawala lang ang hiya ko ng magyaya na si Riri para makapag-umpisa na kami na agad kong sinang ayunan.Kasama pa rin namin ang pinsan ng kaibigan bilang tour guide para mapabilis kami at hindi na maligaw.
Inumpisahan namin ang photo shoot sa may labas ng old house kung saan nakatayo ng pose si Lavender bilang part sa aming gagawin.Next naman ay sa mga halaman na puno ng bulaklak then after that ay sa ibang parte pa ng lugar.Meron sa taniman sa may mga puno ng mangga and lastly ay ang sa tabing ilog na kinamangha ko dahil sa ganda.So clean and clear ng tubig.Mga rock formation na akala mo ba ay sinadyang ilagay sa ganoong ayos.Dahil sa magagandang tanawin ay may naisip akong magandang ideya.Inilahad ko ito sa team kong kasama and they’re all agreed.Kaso may problema nga lang kasi wala kaming pwede maipareha kay Lavender sa part na ng music video shoot na aming gagawin for the last clip of the theme.
“Alam ko na kung sino ang pwede natin isama sa mv,”
Nagniningning ang mga mata na bulalas maya-maya ni Riri habang break time kami. Mula sa pagkakatingin ko sa camera ko na hawak para i-check ang mga kuha ko ay napatingin ako dito.Yup ako rin ang photographer at isa lang rin yan sa profession ko at hilig.Nasa may tabi ko rin ang nakabukas na laptop ko.
“Sino?”ngumunguya na usisa ni Lavender. Lahat tuloy kami ay nag-focus ng tingin kay Riri.
“Siya!”nakangiting saad ni Riri sa mga kasama sabay turo sa pinsan na papalapit sa amin.Napasunod kami sa tinuro ni Riri sa hindi kalayuan sabay tawag nito sa papalapit na lalaki—na walang iba kundi ang pinsan nito.”Seed halika nga dito biliiiiisssss…” palakat na sigaw ni Riri sa pinsan nito na matulin namang naglakad at napapakamot sa ulo na parang nahihiya.
“Bakit insan?”
Kunot ang noo na tanong ng pinsan ni Riri.Pinagmasdan ko ang kabuuan ng lalaki at masasabi kong mas hamak itong bata sa amin.At speaking of ‘bata’ bigla tuloy niya naalala ang batang lalaki kahapon!Focus Hera!sita ko sa sarili sa isipan.
“Pwede ka ba naming kunin bilang extra sa music video na gagawin namin?Please insan pumayag ka na birthday mo naman ngayon eh.Regaluhan kita mamaya ng alak!” pangungumbinsi pa ni Riri sa pinsan nito na pumayag rin kaya tuwang-tuwa ang kaibigan.Nagpaalam rin sandali si Seed matapos nitong itanong kung ano ba dapat ang isusuot.Nang ma-explain ni Riri at masabi rito ay nagpaalam ito saglit para daw magbihis.Few minutes after he left we set all the things we need.Nakaayos na rin si Lavender.
Same sila ng color ng suot.A white one.Ang konsepto at theme kasi nitong sinu-shoot nila is about sa lovers na nagkalayo.Seed suggest a song and before we used it ay pinakinggan namin at masasabi ko na maganda siya.Akmang-akma sa aming gagawin ngayon.We start our shoot and so far job well done.Nakadagdag din sa ganda ng video ang papalubog na araw.A sorrow life of someone you love that gone forever.A sadness that swallow you for everything that you have together.Past that can’t get back again to the present.Never Regret for those moment you been together.
“Yehey.Perfect!Job well done guys.Meyged enebe yern insan bagay kayo ni Lavender. Ayyiiee pero sayang lang mas matanda sayo ang babaitang itey!”
Napaangat ako ng tingin kay Riri ng marinig ang sinabi nito.Sa totoo lang in a short time may spark akong nakita sa pagitan nila Lavender at Seed but still like what Riri said we are all here older than him.Pwede na niya kaming maging ate at kuya.Hindi naman nagkomento ang pinsan nito sa halip ay ngumiti lang bago nagpaalam na mauuna na sa bahay dahil tutulong pa raw ito sa preparation ng ina nito para sa birthday celebration nito.Inimbitahan rin kami nito muli kaya naman nagpasya kaming sulitin ang isang linggo after work habang narito kami.
Kanya-kanyang ligpit kami ng ginamit at bago mag-takipsilim ay nakabalik na kami sa bahay nila Seed.Nakasalubong pa namin si tita Sue na busy-busy.Sinabihan rin kami nito na maya-maya ay makisaya na sa may garden area pag nakapahinga daw kami.
Nagpahinga nga lang kami sandali bago nag-ayos at ng madilim na sa labas ay saka kami bumaba.Magkakasabay kaming lahat na nagtungo sa may garden.May ilang bisita na rin kaming nadatnan doon.
“Ate Riri!”
Sabay-sabay kaming napatingin sa tumawag kay Riri na nanlaki pa ang mata ng makita ang batang babae na maganda.Teenager exactly!
“Starsue!”
Masayang bulalas ni Riri at nang makalapit sa kanila ang tinawag nitong Starsue ay nagyakapan ang dalawa.Nang matapos ang yakapan ay pinakilala naman ito sa amin ng kaibigan.Napag alaman namin na nakababatang kapatid pala ito ni Seed.She’s pretty and I must say na she has a features from her mother a lot.Sabagay hindi na nakakapagtaka dahil maganda at gwapo ang parents nila Seed.They’re like a forever young despite of their age at perhaps from fifties I guess!?...
Iginiya kami ni Star sa isang table at nakijoin na lang sa amin.She’s so approachable and talkative.Hindi ka mapapanisan ng laway. Saka lang ito nahinto sa kakadaldal ng mag-umpisa na ang party.Short speech lang from celebrant, then sa family member, friends and relatives bago nagtungo sa kainan time.Too many foods.Ang hirap mamili dahil lahat mukhang masarap especially the lechon.Konti-konti lang ang kinuha ko na food para naman hindi masayang just in case na hindi ko maubos.
Nasa kasarapan na ako sa pagkain ng may naupo sa tabi ko.Bakante kasi ang silya sa tabi ko.Hindi na ako nag-angat ng tingin pero natigilan ako sa gagawing pagsubo sana ng magsalita ito.Familiar kasi ang boses!
“Pwede po ba makiupo dito Ate?”
Malumanay na pagtatanong ni Mint sa babae na busy sa pagkain.Hindi na niya hinintay na sumagot ito bagkus ay naupo na at inilapag ang plato na may lamang pagkain.Ramdam niya ang pagtingin nito sa kanya kaya tumingin rin dito pabalik.
“Ikaw?!”
Sabay pa nilang sabi matapos mahigit ang paghinga.Napairap sa hangin si Hera ng mapagsino ang umupo sa tabi niya.Ang batang lalaki noong nakaraan.My gosh!
“Ikaw na namang bata ka!”
Mahinang sambit ni Hera dito habang hindi inaalis ang tingin dito.Sa dinami-rami ng tao ngayon ito pa talagang bata na ito ang makakatabi niya.Ang galing di ba!
“Oh hello ate masungit ikaw pala yan,”aniya ni Mint ng makilala ang katabi.Napangiti pa siya ng makita ang pagrehistro ng inis agad sa maganda nitong mukha.Parang dragon na naman ito na handa siya bugahan any moment.
“Whatever!”saad ko na lang at inalis na ang tingin dito.Binilisan ko na lang rin ang pagkain na naging dahilan para mabilaukan ako.Napaubo ako ng bahagya at agad na hinagip ang baso ng tubig.Napaigtad pa ako ng may lumapat na kamay na humahaplos sa likuran ko.Lalo tuloy ako nasamid sa tubig ng bumulong pa ito na halos tumama na sa mukha ko ang mainit na hininga nito.
“Be careful kasi ate, wala naman aagaw sa food mo po, ayan tuloy nabilaukan ka pa. Buti na lang nandito ako sa tabi mo,” pabulong na salita ni Mint at pigil ang matawa ng masamid ito sa tubig kaya naman pinagpatuloy niya ang pagh-haplos sa likuran nito.Sinamaan naman ako nito ng tingin ng lingunin ako at halos mahigit ko ang paghinga at mapalunok ng laway ng gadangkal na lang ang espasyo sa pagitan ng aming mga labi.Napababa tuloy ako ng tingin doon at napatitig.
“Lumayo ka nga na bwisit na bata ka!My god and can you please take off your hands!”gigil na bulong ko dito sa katabi ko na nakatunghay sa akin partikular na sa labi ko. Nang hindi ito natinag ay muli akong nagsalita.”Naririnig mo ba ako o nagbibingi-bingihan ka—”hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla na lang ako halikan ng lalaki.Sa nanlalaking mga mata na may kasamang gulat ay natuod ako bigla at hindi nakakilos agad.Pakiramdam ko rin ay napigil at nakalimutan ko ang huminga!Oh my god…oh my god he kissed me.Damn this boy for stealing a kiss!