Chapter 3 first heartaches

1740 Words
Jacob “Kamusta ang pag uusap niyo nila Daddy mine?” Tanong ni RaRa Habang nag lalakad kami sa campus ng school namin upang ihatid siya sa kanyang next class. “Ok naman I explained na malinis intensiyon ko saiyo na Seryoso ako na mahal na mahal kita.” Ngumiti ito at kumapit sa aking braso. “So payag na sila? Hindi naba nila tayo pipigilan mine?” Tanong muli ni RaRa “Hindi ko alam.. ang sabi Lang ng Daddy mo ang iniisip Lang niya ay ang Kinabukasan natin pareho.” “Tuloy natin pag uusap mamaya mine ha pasok na ako sa class room.” Nang nakapasok ito sa room niyA Hindi ko maalis sa isip ko ang sinabi ng Daddy niya na pag aralin ako at pag nagkataon at naging successful ako maibibigay ko Kay RaRa ang buhay na nakasanayan niya. Kung sasabihin ko Kay RaRa ang alok ng Daddy niya I’m sure Hindi ito papayag or baka sumama din saakin. Kaya gulong gulo ang utak ko. Ayokong saktan si RaRa ayoko din malayo sakanya pero minsan naiisip ko sapat na ba ang pagmamahal? Mabubuhay ko ba ang bubuuin namin pamilya sa pagmamahal Lang lalo na at marangyang buhay ang nakasanayan ni RaRa isa pA ang responsibilidad ko pa sa aking kapatid na mag ha highschool na at nanay ko. “ Bro lalim ng iniisipip mo diyan” bati saakin ng aking kaibigan kong si Randy. “Malalim talaga bro. Ikaw bro tanungin kita Kung papipiliin ka dahil Hindi pwedeng pag sabayin pag-ibig o pangarap?” “Napa kahirap naman niyan pang beauty contest Lang ang tanong mo bro.. pero ako pangarap. Aabutin ko muna ang pangarap ko kasi sa huli Hindi Lang naman ako ang makikinabang pati na rin ang iniibig ko. Minsan sa pagmamahal kailangan May sakripisyo din. Tska Kung kAyo sa Huli kayo talaga Kung Hindi ibig sabihin May naka tadhana saiyong iba.” Sersyosong Sagot ng aking kaibigan na si Randy. “ wow bro kunyari kapa pero pang beauty contest din Sagot mo.” Biro ko dito. Nang matapos ang klase at basketball practice namin ay dumiretso ako ng uwi sa bahay pagkatapos Kong makatangap ng tawag kay Isabel na nahimatay ang nanay. “Isabel napano ang nanay”? “Hindi ko po alam kuya nag lalabada ang nanay tapos nahimatay siguro sobrang pagod din kuya.” “Nay Huwag na po kayo tumanggap ng labada maghahanap po ako ng trabaho magpahinga nalang po kayo ng week end nay.” Kausap ko ang nanay habang naka higa ito sa kama. “Anak ayokong May distraction kayo sa Pagaaral gusto ko mag focus Lang kayo sa pag aaral niyo.” “Pero nay Hindi na ho kinakaya ng katawan niyo ang sobrang pagod Wala na ho kayong pahinga. Kaya sa ayaw at sa gusto niyo Hindi na po kayo tatanggap ng labada mag pahinga nalang po kayo sa week end.” Kausap ko ngayon si RaRa sa telepono. “Mine kamusta na ang nanay” alalang tanong ni RaRa. “Ok naman nagpapahinga na napagod Lang siguro kaya nahimatay.” “That’s good to hear, I’m glad she’s fine dalaw ako diyan mamaya ha after ng dinner namin ng family ko.” “Ah mine Huwag muna siguro kasi mag hahanap ako ng trabaho Sinabihan ko kasi si nanay na Huwag ng tumanggap ng labada Tuwing week end so hindi ko alam Kung anong Oras ako makakauwi.” Naghanap ako ng trabaho mag hapon ngunit puro tatawagan nalang daw ako. Minsan yan ang mahirAp dito sa Pilipinas gusto college graduate ka pag college graduate ka naman gusto May experience. Pag uwi ko sa bahay na datnan ko si RaRa ang dami na namang dalang mga groceries. “RaRa anong ginagawa mo dito at ano nanaman itong mga dala mo.? “Mine nandito ako para kamustahin si nanay tsaka naisip ko na din mag dala ng mga groceries para makakain ng masustansiya si nanay habang nagpapagaling.” Sagot nito habang busy pa din sa pag labas ng nga groceries sa bag. “Mine mag usap tayo saglit sa labas please.” Yaya ko dito Sumunod ito saakin palabas. “Mine May problema ba?” Tanong nito “RaRa yan ang problema natin hindi mo ako pinakikinggan. Sabi ko saiyo diba tigilan mo na ang pagdadala ng mga kung ano ano sa bahay.” Hindi ko na napigilan mapataas ang boses. “RaRa ang dami ko ng iniisip please Huwag ka munang dumagdag pakinggan mo naman ako Paminsan minsan Hindi yung Kung ano gusto mo yun ang ginagawa mo.” “Bakit? Dahil nanaman diyan sa ego mo natatapakan ko nanaman. Inuuna mo pang isipin talaga yan kesa sa kalagayan ng nanay? Imbes Matuwa ka at makakain siya ng masustansiya Habang nag Papagaling at nagHahanap ka ng trabaho inuuna mo pa yang ego mo. I guess you don’t appreciate what I’m doing.” Galit na tumalikod ito saakin upang kunin ang gamit niya sa loob ng bahay. Nang papalabas muli ito napatigil ito sagkit sa sinabi ko . “ tama ka RaRa mas inuuna ko nga sarili ko kesa sa pamilya ko. Pero mali ka dahil na a appreciate ko lahat ng ginagawa mo pero sana initindihin mo din na ako lalake sa relasyon natin” Hindi na ito sumagot pa at umalis na. Habang ako ay nakahiga sa Kama ko napag isipan ko na tanggapin ang alok ng magulang ni RaRa. Mag aaral akong mabuti at pag naging successful tiyaka ko babalikan si RaRa kAilangan ko muna unahin ang pamilya ko. Nang magkausap kami ng Daddy ni RaRA upang tanggapin ang alok nito ay agad na inayos ang aking mga papeles papunta sa America. NanDito kami muli sa ilalim ng puno habang ako ay nag gigitara at kumakanta ng Minsan Lang kita Iibigin. Mahal, pangako sa iyo, hindi magbabago Ikaw lang ang iibigin ko Kahit ikaw ay lumayo at masaktan ako Asahan na 'di maglalaho Ang pag-ibig ko'y alay sa 'yo lamang Kung kaya, giliw, dapat mong malaman Minsan lang kitang iibigin Minsan lang kitang mamahalin Ang pagmamahal sa 'yo'y walang hangganan Dahil ang minsan ay Magpakailanman. Hindi ko mapigilan Maluha dahil ilang araw nalang ay lilipad na ako patungo sa America at walang alam si RaRa. “Ok ka Lang mine Bakit naiyak ka?” Tanong nito habang haplos haplos ang aking pisngi “Wala mine na dala Lang ako sa kanta. Basta Tatandaan mo mine lahat ng gagawin ko para saatin dalawa yun. At ikaw Lang ang babaeng mamahalin ko habang buhay Wala ng iba pa kahit magkalayo man tayo.” “Mine Hindi naman tayo magkakalayo Hindi ako papayag pag iniwan mo ako hahanapin kita kahit saan ka magpunta.” Sagot nito. Alam Kong Hindi nagbibiro si RaRa sa sinabi niya Kung aalis ako ng Hindi nito alam ang dahilan Bakit ako umalis ay gagawa ito ng paraan upang malaman ang dahilan at kahit magulang nito ay Hindi siya ma pipigilan. Kaya masakit man ang gagawin ko ay no choice ako ito Lang ang paraan para siya mismo ang lumayo saakin. Kinabukasan sinadya kong Hindi pumasok sa school. Hindi ko din ito tinext or tinawagan maghapon. “Kuya sigurado kaba dito nakakadiri ang itsura natin sa totoo lang Bakit Hindi mo nalang sabihin ang totooo maiintindihan ka noon.” “ Lara Mae pwede ba sundin mo nalang ako hindi mo kilala ang girlfriend ko Hindi niya ako maiintindihan.” Saad ko sa pinsan ko pinag panggap ko Lang naman na kunyari ay may relasyon kami kaya diring diri ito. Pinahiga ko ito sa kama habang ako ay nakatayo at walang tshirt na suot Kung hindi boxer short Lang si Lara naman ay naka pants at tube Lang naka kumot din ito kaya mukang walang saplot. “Kahit anong manGyari Lara Huwag kang tatayo at Huwag mo tanggalin ang kumot mo mabubuking tayo.” Bilin ko Kay Lara Mae. At tulad ng inaasahan ko dumating si RaRa sa bahay sinadya kong iwan nakabukas ang pintuan ng bahay at kwarto ko. At nang marinig kong papasok na ito kwarto ay kunyaring nagmamadali akong isuot ang aking pAnatalon. “Mine..” dinig kong tawag nito saakin. Mahina pero ramdam ko ang sakit sa pag tawag niya saakin Hindi ko magawang lingunin siya dahil ayokong makita ang sakit sa kanyang mga mata. “Mine anong ibig sabihin nito? Sino siya Bakit kayo nakahubad?” Lumingon ako dito kitang kita ko sa kanyang mga mata ang nagbabadyang bumagsak na luha. Tang ina ng makita ko ang sakit sa mga mata niya gusto ko ng bawiin. Hindi ko kayang makita siyang nasasaktan. Ngunit mas nangibabaw ang takot ko at ang pangarap ko na mabigyan siya ng buhay na nakasanayan niya. “ I’m sorry RaRa pero alam Kong Hindi mo pA kaya ibigay ang panganagilangan ng isang lalaki kaya hinanap ko sa iba.” “Mahal mo ba siya?” Tanong nito Hindi ako kumibo yumuko ako Hindi ko na kayang titigan ang mga mata niya. “Kung mahal mo siya mamili ka ako oh siya Kung ako ang pipilin mo mine Handa kitang patawarin please Huwag mo Lang siyang piliin.” Pagmamakaawa ni RaRa habang iyak ito ng iyak. Hinawakan ko nah braso niya at inilabas sa kwarto. “Tama na RaRA umuwi kana tapos na Tayo.” “Sagutin mo muna ako ako ba o siya? Kung siya ang pipiliin mo sige Hindi na kita guguluhin pababayaan kitang maging masaya sa piling niya.” Patuloy Lang ito sa pag iyak. Tang ina ang sama kong tao sinaktan ko na siya pero kaligayahan ko pA din iniisip niya. “Osige para matapos na OO RaRa siya pinipili ko.. kaya umuwi ka na tapos na tayo.!.” Tinitigan ako nito ng mariin sa aking mga mata. “Tama nga sila mommy at Daddy Hindi ka karapdapat saakin.. sinayang mo pagmamahal ko saiyo Jacob. Saiyo umiikot ang mundo ko mahal na mahal kita. Sana maging masaya ka at sana Hindi na tayo muling magkita pa!!” Tumakbo ito palabas ng bahay habang umiiyak.. Hindi ko na napigilang umiyak ang sakit tang ina para kong namatay para akong dinurog. “Kuya habulin mo siya hanggat May Oras pa magpaliwanag tayo.” “Hindi na Lara Mae kitang kita ko sa mata niya ang pagkamuhi saakin. Darating ang araw maiintindihan din niya ako magpapaliwanag din ako sakanya at Sana Hindi pa huli ang lahat pag Dumating ang panahon na iyon.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD