Chapter 2 offer

1550 Words
Jacob Mabilis ang mga pangyayari madali kaming nag ka mabutihan ni RaRa. Napaka bait nito kahit mayaman Hindi mo makikitaan ng kaartehan sa katawan at yun ang lalong nag pahulog ng loob ko sakanya. Two years ago nung senior year namin ni RaRA sa high school nag simula ang aming pagkakaibigan hanggang sa nahulog ang loob namin sa isat isa. At ng 1st year college kami ng malaman nitong sa school niya ako nakakuha ng scholarship ay sinagot na ako nito. Siya rin ang nakaisip ng term of endearment namin. “Jacob Since I’m yours and you’re mine tawag natin sa isat isa mine ok?” “ gusto ko yan mine dahil akin kalang habang buhay” Sagot ko Kay RaRa Lagi itong napunta sa bahay Kung ano anong pasalubong ang ibinibigay kay Isabel at sa nanay ko. Meron mga imported na chocolate pabango bag at Kung ano ano pa. “ mine pwede sa susunod Huwag ka ng magdadala ng pasalubong baka masanay yan si Isabel.” “Hayaan mo na mine hindi naman tayo maghihiwalay diba kaya ok na masanay siya. Ah mine para saiyo pala..” inabot nito ang isang paper bag. Pagbukas nito ay isang bagong mamahaling basketball shoes at Ibat ibang branded na damit. Napatayo ako. “RarA Hindi ba Napag usapan na natin ito. Hindi mo na ako reregaluhan o bibilhan ng kahit ano.” “ oo pero Hindi ko maintindihan Bakit bawal eh.” “ Kasi nga natatapakan mo na p*********i ko. Tuwing kumakain tayo sa labas nag yaya ka sa mamahalin na restaurants tapos ikaw mg babayad pero ako yung lalaki alam mo ba Kung gaano ka sakit sa pag p*********i ko yun.”? “Eh Bakit ba Napaka big deal saiyo niyan eh materyal na bagay lang naman yan! Pero sige Kung ayaw mo last na ito hindi na mauulit. Uuwi na nga ako.” Nang naglakad ito papalabas ng bahay ay hinawakan ko ang kamay nito at yinakap ko siya. “Sorry na mine ayoko lang isipin ng mga magulang mo at ng mga tao na pera Lang habol ko saiyo mahal na mahal kita mine” “ Mine sana Minsan Huwag mo naman isipin yung sasabihin ng iba sana yung nararamdaman natin ang isipin mo tayo Lang dalawa nakakaalam ng Kung anong Meron tayo at ipapakita natin sakanilang mali sila ng iniisip.” Nakaupo kami ni RaRa sa ilalim ng puno sa loob ng campus namin habang ako ay nag gigitara at kumkanta ng ipagpatawad mo by VST “ Ipagpatawad mo, aking kapangahasan Binibini ko, sana'y maintindihan Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo Nguni't parang sa 'yo, ayaw nang lumayo Ipagtawad mo, ako ma'y naguguluhan Si RaRa ay nanatili Lang nakatitig saakin habang nakangiti at nakapangalumababa. Di ka masisi na ako ay pagtakhan 'Di na dapat ako pagtiwalaan Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo Nguni't parang sa yo, ayaw nang lumayo Ipagpatawad mo, minahal kita agad Ah, minahal kita agad Ah, minahal kita agad Ipagpatawad mo, ooh “ mine pag tapos natin ng college ipon tayo tapos patayo tayo ng coffee shop sigurado bebenta yun Kasi sarap mo gumawa ng kape eh.” “Oo mine tapos makikilala ang coffee shop natin sa buong mundo” Sagot ni RaRa Hinawakan ko ang pisngi ni RaRa. “Mine magsusumikap ako at magsisipag lahat gagAwin ko para maging karapat dapat saiyo” Ngumiti si RaRa at Hinaplos ang aking pisngi. “ sabay natin abutin ang ating mga pangarap mine walang iwanan ok” Tumango ako at hinalikan ko siya sa kanyang labi. Mahal na mahal kita mine. “ Rachel what are you doing here?” Sabay hila ng daddy ni Rachel sakanyang kamay para patayuin ito. “Sir Wala po kaming ginagawang masama.” Paliwanag ko sa Daddy Rachel. “Tumigil ka Hindi ikaw ang kinakusap ko ha” Sagot ng daddy ni RaRa. “Dad please tumigil na po kayo mahal na mahal ko po si Jacob at kahit anong sabihin niyo Hindi ko po siya hihiwalayan.” Umiiyak na saad ni RaRa. “Anong alam mo sa pag mamahal eh ang babata niyo pa pareho pA Lang kayong nag aaral” saad ng Daddy ni Rachel habang hila hila ito papasok sa sasakyan. Wala akong nagawa para pigilan ang Daddy ni Rachel. Alam Kong ayaw nila saakin dahil mahirAp Lang ako. Kahit nakapasok ako sa paaralan nila RaRa alam ng mga magulang nito Ay dahil iyon sa varsity ako sa school kaya nakakuha ako ng scholarship. Napaupo ako muli at tumugtog ng gitara. Hindi ko namalayan tumutulo na pala ang luha ko. “Bakit ang Hirap maging mahirap ang Hirap magmahal ng langit kung Lupa ka.” Tumayo ako sumakay sa aking motor at bago umuwi sa bahay ay naglibot libot muna ako. Ayokong makita ng nanay ko ang lungkot sa aking mata. Nang mahimasmasan ako ay doon pa Lang ako umuwi. “Nay.. nandito na po ako.” tawag ko sa nanay ko upang ipAalam na nakauwi na ako. Ngunit laking gulat ko ng makita ko si RaRa sa aming sala nakaupo kasama ang aking nanay at si Isabel. “ Mine anong ginagawa mo dito”? “Mine tumakas ako sa bahay namin kasi pag aaralin daw ako sa state sabi ng Daddy ayokong malayo saiyo mine please oh itanan mo na ako.” “ iha hindi kayo pwedeng magpadalos dalos sa desisyon niyo kausapin mo nalang ng maayos ang magulang mo at maiintindihan ka din nila. Ang pagtatanan ay Hindi solusyon. Jacob iwan muna namin kayo mag usap kayong mabuti alam mo ang tama sa mali anak” payo ng aking nanay bago ito pumasok sa kwarto nila ni Isabel. “Mine Ano bang pumasok sa isip mo Bakit ka lumayas sainyo” Tanong ko Kay RaRA habang hawak hawak ko ang kamay nito. “Mine ayokong malayo saiyo. Hindi na ako bata college na tayo eh 20 years old na ako pero Kung tratuhin nila ako parang baby pA din.” Sagot ni RaRa “Tara na ihahatid na kita sainyo nag aalala na sigurado mga magulang mo.” “Ayoko hindi ako uuwi dito Lang ako sa tabi mo” pagmamatigas ni RaRa “Mine please ihahatid na kita.” “Hindi mo na ba ako mahal kaya parang balewala saiyo kung ilalayo ako ng Magulang ko saiyo”? Tinitigan ko ng mariin ang mga mata nito. “Huwag mong sasabihin yan mine alam mong ikaw Lang ang unang babaeng minahal ko mahal na mahal kita pero tama ang nanay hindi maso solusyunan ang problema ng isa pang problema. Ihahatid kita at kakausapin ko magulang mo ok.” InihAtid ko si RaRa sa kanilang bahAy. “Rachel Rana inuubos mo ang pasensiya ko saiyo!! Sigaw ng Daddy ni RaRa ng makapasok kami sa loob ng bahay nila. “Yaya Samahan mo na si RaRa sa taas ng makapag pahinga” Utos ng mommy nito Nang makaakYat si RaRa sa taas ay kinausap ako ng magulang nito. “ Jacob iho kakausapin ka Lang sana namin Kung ok Lang. “ Ok Lang po gusto ko din po kayo makausap.” Sagot ko “ una sa lahat iho salamat at Hindi ka nag patangay sa kapusukan ni RaRa at hinatid mo siya saamin.” Saad ng nanay ni RaRa “Malinis po ang intensiyon ko sa anak niyo Hindi ko po siya gagawan ng masama at Hindi ko din po siya hahayAan mapasama.” Seryoso Kong Sagot “ Jacob iho naniniwala ako saiyo na mAhal mo ang aming anak at. Seryoso ka sakanya. Hindi kami matapobreng tao Kung yan ang inaakala mo kaya namin pinipigilan ang relasyon niyo .” Paliwanag ng nanay ni RaRa “ nag iisa namin anak si RaRa at May pag ka pA dalos dalos mag desisyon ang batang yan. Kung anong maisipan gagawin. Balak ko ng mag retiro pag ka graduate ni RaRa sa college siya ang hahalili saakin bilang CEO ng aming kumpanya.” patuloy na paliwanag ng Daddy ni RaRa “Eh ano naman pong kinalaman ng relasyon namin doon.” “ ang gusto ko Lang iho ay makapagtapos kayo pareho ng pag aaral ayokong malihis ang plano ni RaRa dahil sa pagmamahalan niyo. Ikaw alam ko marami ka din plano para sa pamilya mo papaano mo matutupad yun Kung mag aasAWa ka agad.” “Wala pa naman po sa isip ko iyan pag aaral pa din po ang priority namin ni RaRA.” “ well good for you iho but knowing our daughter iba takbo ng utak niya. I will give you a deal pag aaralin kita sa state mag tapos ka pag nakatapos ka na natupad niyo na mga responsibilidad at pangarap niyo at may ibubuhay kana sa anak ko pwede mo na siya balikan at Hindi ko na kayo pipigilan pa.” “Hindi ko ho Kaya Tanggapin alok niyo sir mahal ko po si RaRa ayoko siyang masaktan.” “ Huwag mo munang tanggihan iho pag isipan mo muna Hindi Lang ito para saiyo Kung Hindi para sa pamilya mo at sa kinBukasan niyo ni RaRa mabibigay mo ang buhay na nakasnayAn niya.” Umalis ako sa bahay nila RaRa na ma gulo ang utak. Mahal na mahal ko si RaRa Hindi ko Yata kaya malayo sakanya ngunit May punto din ang daddy nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD