Cassy
Nang makarating ako sa Greece sinalubong ako ng ka tiwala sa bahay na kinuha ni mommy para may makasama ako. Pilipina din ito mga nasa 40 na siguro ito. May dala dala itong banner welcome to Greece Cassy Smith. Nakasuot pa ito ng baro’t saya.
“ Hi Cassy welcome to Greece ako ang makakasama mo sa bahay ako nga pala si Yaya Tess.
“ hello po ate Tess nice to meet you po.”
“ oh Tara na Cassy uwi na tayo nagluto ako ng paborito mong sinigang. Na Baka.”
“ talaga po wow let’s go na po”
Mukang hindi naman ako masyadong malulungkot dito dahil napaka bait ni ate Tess at kulit.
Habang nag dadrive kami papunta sa bahay Hindi ko maiwasan mamangha sa Lugar.
“Ang Ganda po talaga dito no ate Tess sa Santorini”
“ oo baby girl sobra bukod sa Pilipinas eto na ang pangalawang tahanan ko.” Sagot ni Ate Tess
“Matagal Na po kayo dito?”
“ Oo ten years na din matagal ko ng kilala mga magulang mo nag trabaho ako sakanila noon sa America.” Tapos yung amo ko na inaalagaan ko sa US ay lumipat dito sa Greece sinama ako pero na tegi din siya after ilang buwan”
“Ano po yung na tegi?” Takang tanong ko
“Hahaha sorry baby girl ha.. ibig sabihin ay namatay dead tegi..”
natawa na Lang ako.. ang kulit talaga ni Ate Tess. Nang makarating sa bahay ay Napailing ako.
“Ang mommy at daddy talaga sinabi ko na sakanila maliit lang na bahay ang kunin ang laki nito tayo Lang dalawa ate Tess.”
“ ok Lang yan baby girl ayaw mo nun pag nakahanap tayo ng jowa pwede kayo mag habulan sa loob ng bahay.” Biro nito
“Ikaw talaga ate Tess mapagbiro ka”
“Bakit baby girl Wala ka pa bang naging jowa sa ganda mong yan? Kung ako ganyan kaganda naku dami ko sigurong gwapong jowa bells”
Natawa akong muli sa sinabi nito Nag ikot ikot ako sa bahay. May tatlong malalaking kwarto ito. Maliwalas din ang kitchen. Pinili ko ang kwarto Kung saan tanaw ko ang ocean. Napaka ganda talaga ng view. Mas masaya sana Kung nandito din si Jacob kasama ko. We both love relaxing by the ocean.
“Tigilan mo na nga Kaka isip kay Jacob nandito ka para mag move on” kausap ko sarili ko.
“Baby girl baba ka na diyan mamaya kana mag emote diyan kain muna tayo” sigaw ni Ate Tess
Bumaba na ako para kumain.
“Masarap ba baby girl?”
“Opo masarap po” Pero mas mas sarap yung Luto ni Jacob. Gusto kong kutusan sarili ko dahil puro Jacob nalang nasa isip ko.
“Bukas baby girl Kung gusto mo mamasyal sabihin mo saakin ipapasyal kita pero ngayon pahinga ka muna”
“Ok po thank you po ate Tess”
Nagtungo ako sa kwarto ko at inayos ang aking mga gamit. Tinawagan din ni Ate Tess sila mommy to let them know I’m here and safe.
“Ate Tess bukas samahan mo ako bibili ako ng cellphone”
“Ok baby girl no problem”
Kinabukasan nga ay sinamahan ako ni Ate Tess mamasyal at bumili ng cellphone. Dahil mainit pA dito nag suot lang ako ng shorts at crop top. Tinernuhan ko din ito ng white tennis shoes at naka bun Lang ang hair ko. Kinuha ko ang mini back pack ko at sumakay na sa kotse ni Ate Tess.
“Let’s go baby girl sa Ganda mong yan marami tayong mahahakot na pogi”
“Naku ate Tess Wala pA yan sa isip ko.” Sagot ko kunyari
“Wehhh.. ok sabi mo eh.. edi ako nalang” hirit pa ni ate Tess
Nang makabili ako ng cellphone ay agad Kong sinalin ang mga contacts,, apps at pictures galing sa luma kong phone. Syempre screen saver ko pa din picture ni Jacob. Tanggalin ko nalang kapag nakapag move on na ako.
Pinasyal ako nito sa mga Malapit na restaurant kung saan kami Nakatira.
“May coffee shop ba sila dito ate Tess”?
“Ay oo baby girl pero malayo dito saatin..” Sagot ni ate Tess
“Ay sayang naman mahilig pa naman ako sa kape at muffin sa umaga”
Sumunod namin pinuntahan ay ang school na aking papasukan. Malapit Lang naman Kung saan kami nakatira. Pagkatapos akong ilibot ni Ate Tess ay nagpunta kami sa ocean naupo sa buhangin at pinagmamasdan ang napa ka gandang sunset view.
“Mahilig kaba sa sunset Baby girl”?
“Ok Lang po pero mas gusto ko ang sunrise it reminds me of new day new hope new beginnings” may hugot Kong Sagot.
Jacob POV
Nang makalabas ako sa ospital ay agad Kong inasikaso ang lahat ng dapat kong asikasuhin dito sa USA dahil plano kong Sundan si Reign sa Greece. Nalaman ni Isabel ang address ni Reign sa Greece sa kuya Enzo ni Reign.
“Hoy Isabel i block mo na yang number ni Enzo wala na si Reign dito. Hindi na niya kailangan ang number mo.” Utos ko dito
“Grabe ka naman kuya pagkatapos natin pakinabangan i ba block ko na.” Tutol nito.
“Hoy Isabel seventeen kapa lang tumigil ka diyan”
“Ay wow kuya nakakahiya naman saiyo mas matanda pA kaya ako Kay Reign ng ilang buwan baka nakakalimutan mo”
Sinamaan ko ito ng tingin.
“Isabel yang bibig mo ha.. baka nakakalimutan mo din panganay nila si Enzo so mas matanda saakin yun.”
“Alam ko kuya mas matanda nga siya saiyo ng tatlong taon” Sagot nito
Muli ay sinamaan ko ito ng tingin.
“Ayos ha informed na informed ka ha.. tumigil ka Isabel napaghahalataan ka”
Ngumuso Lang ito at nag walk out. Maya maya ay Tumawag na saakin ang taong Inutusan ko sa Greece.
“Mr. Mendez ayos na po lahat dito sa Greece Sir””
“Great thanks” maiksi kong sagot
Nagpakuha lang naman ako ng bahay Malapit sa baby ko. At nalaman kong walang Malapit na coffee shop kung saan siya nakatira eh mahilig pa naman magkape ang baby ko sa umaga at blue berry muffin kaya pinasimulan ko na din ang pag papa tayo ng bago kong branch sa Santorini Greece. Konti nalang at Malapit ko ng matapos lahat ng dapat kong tapusin dito sa USA Tapos lilipad na ako patungo sa Greece. May isa pa akong problema si Isabel. Pag iniwan ko ito baka Kung anong gawin nito Duda talaga ko sa Enzo na yun feeling ko may something sila.
Heto kami ngayon kumakain ng hapunan ni Isabel.
“ Isabel pag umalis ba ako mapag kakatiwalaan ba kita mag isa dito?”
“Opo naman kuya.” Sagot nito
“Ewan ko kasi Kay nanay bakit ayaw pumunta dito May visa nanaman siya.”
“Hayaan mo na ang nanay kuya Kung saan siya masaya.. matanda na din si nanay.” Sagot ni Isabel
“ hayaan para magawa mo gusto mo I mean gusto niyo ni Enzo? Ganoon ba?” Seryoso kong tanong dito.
“ bakit ba lagi mo binabanggit si Enzo kuya? Mag kaibigan Lang kami ni Enzo.” Inis na Sagot nito.
“ Oh Hindi na kuya Enzo tawag mo ngayon ha.”
Hindi ito kumibo nakita kong Naiinis na ito pero Wala akong pake alam. Ayokong maranasan niya ang mga naranasan ko pag dating sa pAg ibig lalo na sa murang edad.
“Huwag ka sanang magagalit Isabel saakin alam mo ang pinag daanan ko ng dahil sa pag ibig ayoko lang maranasan mo yun.”
“Kuya pagnag mahal ka dapat ready Kang masaktan dahil Hindi ka naman masasaktan Kung Hindi mo mahal ang isang tao. Pero promise ko saiyo Wala akong boyfriend kuya. Priority ko ang pag aaral.” Seryosong Sagot nito.
“ pwes kung ganoon eh makakaalis ako ng panatag ang loob.”
Babalik balik din ako dito sa US Hindi naman ako pwede mag stay ng matagal sa Greece dahil ang sa negosyo ko. Sobrang successful na ng coffee shop ko just US alone Meron na akong 100 branch at 200 Franchise. Karamamihan ng mga five star hotel dito sa buong US ay coffee shop ko ang kinukuha para i lagay sa hotel nila. Meron din akong branch sa Pilipinas at sa ibang parte pa ng Asia. Pero eto ang una kong branch dito sa Europe kaya napaka espesyal nito. Sa wakas after a month of non stop working ay tapos na lahat ng dapat kong tapusin at nakabili na ako ng ticket papuntang Greece. Hinatid ako ni Isabel sa airport.
“ oh kuya ingat ka doon ha.. kamusta mo ako Kay Cassy sabihin mo miss ko na siya.”
“Oo Siyempre naman.. gagawin ko lahat maiuwi Lang si Cassy dito sa US. Ikaw din mag iingat ka ha yung bilin ko saiyo mag aral ka mabuti huli dapat si Enzo sa priority mo.”
“Bakit nasali nanaman si Enzo?” Maktol nito
“ osige na sige na papasok na ako ng makapag Check in. Si manAng Gloria ang mag babantay saiyo simula bukas.”
“Ok po kuya ingat ka love you”
Nang makapag check in ako ay Hindi ko maalis ang excitement ko. Sa wakas after one month makikita ko na din ang baby ko. Masasabi ko na din sakanya ng harap harapan na mahal na mahal ko na siya. Nang makarating ako sa Greece sinalubong ako ni Rogelio ang nag Asikaso ng titirhan ko dito sa Greece at nag asikaso ng ipinatatayo kong J&R coffee.
“Hi boss welcome to Greece”
“Thank you Rogelio ha.. sa pag asikaso mo sa lahat..”
“Sus maliit na bagay boss”
ang asawa ni Rogelio ay anak ni Manang Gloria na ka tiwala ko sa US na ngayon ay nag babantay Kay Isabel.
“Tara boss dalin na kita sa bahay mo tska sa coffee shop konti nalang matatapos Na ito.”
“ ok let’s go” excited kong Sagot
Una naming pinuntahan ang coffee shop.
“Siya ba yung May ari ng coffee shop ang gwapo pala ng magiging boss natin” dinig Kong bulungan ng ng mga babae na nag tetraining para sa coffee shop. One thing na I’m proud of sa coffee shop ko ay pilipinong pilipino pa din ang ambiance ang mga workers ko ay puro Filipino Hindi dahil sa ayaw kong mag hire na ibang lahi Kung Hindi para maging mas Filipino vibes ang coffee shop ko.
Nang ipakilala ako ni Rogelio sa mga empleyado ko ay lalo pang nag tilian ang mga ito. Naka shades ako at simpleng Tshirt at pants Lang at tinernuhan ko ng blue modern sport coat. At Siyempre white tennis shoes. Tinanggal ko ang Salamin ko at kinamayan ko isa isa ang mga empleyado.
“ nice to meet you po sir.. kahit isang gabi Lang patikim” biro nung isang babae
“Ay ikaw Lang pano naman ako”?
Natawa ako sa mga ito.
“ isa Lang pakiusap ko sainyo pag May nag tanong sino may ari ng coffee shop don’t tell them my name please.”
“ eh sino po sasabihin namin?”
Ngumiti Lang ako at Sinuot muli ang shades at yinayA ko na si Rogelio sa bahay na aking tutuluyan. Pagdating namin doon ay namangha ako sa Ganda ng view.
“ Rogelio saan ang bahay ng baby ko I mean ni Cassandra Smith”
“ kaharap niyo Lang boss ayun oh turo nito. parehong corner house ang sainyo kaya magkaharap kayo boss tapos ocean na ang nakapalibot sainyo.”
“Nice great job Rogelio sulit na sulit ang binayad ko dito sa bahay”
“I can’t wait to see you baby I miss you so much Reign” bulong ko sa sarili ko habang nakatanaw sa bahay ni Reign.