Chapte 19

2703 Words
SHARON POV PAUWI na kami at tahimik lang kami ni Cj sa loob nang kotse ng kanyang Ama. Walang ni isa ang gustong magsalita sa amin! Pagkalabas kasi namin sa restaurant kanina, parang gusto pang bumalik si Arogante sa loob dahil sa pagbabanta ng lalaking yun! Buti nalang at hinawakan ni Cj ang kamay ng kanyang Ama at nagpati anod naman na lumabas si Boss. Ngunit ang kanyang mga mata ay nagbabagang sa galit na para bang may hidwaan ang dalawa! Hindi ko din naman maiwasan ang hindi mag-alala ewan ko ba dahil bigla nalang din akong natakot lalo na sa lalaking yun, na para bang nakita ko na siya! Sa isang linggo kong tumira sa Pen House ay masasabi kong unti -unti ko din nakikita ang totoong ugali niya, minsan sweet pero madalas seryoso talaga. Ngunit hindi mawawala sa kanya ang maalahanin siyang tao, lalo na kay Cj. Minsan pa nga nasigawan ko siya noon isang araw, akala ko bubulyawan din ako pero awa ng dios hindi naman! Pero yung galit niya kanina sa lalaki sa doon sa kinainan namin, iba eh! Iba ang pakiramdam ko sa taong yun, pati rin sa pinakita ni boss sa kanya! Hindi naman ako pwede magtanong dahil una sa lahat, hindi ito kasama sa contrata ko. Isa pa mahirap ang mabulyawan noh! Lalo yung mata niya akala mo lalapain ka sa subrang galit pati panga gumagalaw pa! Gosh! Ngunit nagtaka ako ng pabalik na ang kotse niya sa PenHouse, pati si Cj tumingin din saakin na para bang nagtatanong! Isa din ang batang to, marunong din palang tumahimik kapag alam niyang galit ang Daddy niya! At nakita ko pa sila, na nagtinginan sa salamin na sabay pang napakunot noo! Oh diba hindi talaga maikaka-ila na mag Ama nga sila! Samantalang ako syempre tahimik lang! Ayaw kong magsalita lalo galit ang mukha niya baka madamay pa ako noh! Hayaan ko lang silang dalawa na mag-usap total naman napapansin ko din na hindi naman siya nagagalit or pinapagalitan si Cj! "Daddy I don't want to go back home yet! I want to ride more! " Basag ni Cj sa katahimikan dahil nahalata ata niya na pauwi na din kami, tignan mo diba ang talino ng Anak! Lihim naman ako na napangiti sa inasta ni Cj! Dahil ang Ama mukhang mahihirapam sa kanyang Anak! " I'm sorry buddy,Daddy have something important to do, mybe next time, " malumanay na sagot nang kanyang Ama. Sabay sulyap saakin na para bang nagpapatulong siya na kumbinsihin ang Anak na wag ng mag joy ride pa! Kaya naman napalunok pa ako at ang bata mukhang mag aalborot na! "No! I want ride more Daddy! You promise me right! " sigaw na ng bata! Napansin ko pang medyo napahigpit ang hawak niya sa manobela kaya naman ako na ang sumagot kay Cj, pansin ko talaga kay Arogant na masyado niyang ini ispoiled si Cj, lahat ng gusto binibigay! " Baby Cj, relax ok, mybe next time na, because I am not feeling well, we go home na ok? Your mine feel dizzy, " pagsisinungaling ko sa bata, at ayun medyo natahimik naman! Narinig ko pang medyo nakaluwag sa hinga ang driver namin! Mukhang tumalab naman sa bata ang kunting drama ko, pero sinamaan ko ng tingin ang magaling niyang Ama, gagawin pa kasi akong sinanguling ang Aroganteng to eh! "Are you ok mine? Ok Daddy, we will go home then, mine she take a medicine, I don't want her to get sick Daddy, " Sagot naman ni Cj na parang nabenta sa kanya ang pagsisinungaling ko, at ang hinayupak yung kaninang nag aapot niyang galit aba himala! Eto siya ngayon nakangisi na ang gago! Kaya pina ikutan ko siya ng mata! Biruin mo gagawin pa akong sinungaling ang mokong to! " Ok Buddy, sit down properly, and I'll hurry, so, we can get home right away! " sagot ng walang hiya niyang Ama, at ayun nga parang pinalipad na ang kotse na akala mo isang eroplano! Tuwang-tuwa naman ang bata sa ginawa ng kanyang Ama. Samantalang ako nakapikit at ayaw kong tumingin sa labas! Mamaya ko nalang sabunan ang hinayupak na boss ko dahil mukhang gusto pa ata niyang madisgrasya! Hindi ba niya inisip na mag kasama kaming bata bwisit talaga siya! Pagdating namin sa Penhouse. Ay agad siyang pumasok sa secret place niya! Iniwan lang kami ni Cj dito sa sala. Ni sulyap nga dedma! Kaya naman hinayaan ko nalang! Inakay ko na rin si Cj na pumasok na! Narinig ko pa siyang tinawagan niya si Sro Michael, bago kanina umakyat sa taas! Na para bang may importante ang sasabihin at gagawin niya dahil iba ang mga kilos ng aking boss! "Hello, Michael, come to my place immediately! " Rinig kong sabi niya sa kabilang linya at nagmamadali ng umakyat! Hindi ko na narinig ang sa sumunod na sinabi niya kasi malayo l-layo na siya! kaya naman inasikaso ko na si Cj dahil eto na naman ang noo nakakonot na akala mo nawalan na naman nang milliones ang bata! "Hoy, ano problema mo? " tanong ko sabay sundot sa tagiliran niya, minsan talaga hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na kausapin siya na para siyang matanda, kasi naman kung umasta nga akala mo matanda diba? "Mine, I need to do something, " sagot niya saakin na akala mo nag-iisip nang seryoso kasi naman nakalagay lang naman ang mga daliri niya sa kanyang baba at patango, tango pa! Dahil nga sa natatawa ako sa kanya sinakyan ko ang kalokohan nang batang to! "Ok what is that baby? " tanong ko na nagpi- pigil akong matawa, kasi naman tumingin saakin nang seryoso na akala mo binabasa niya ang laman ng isip ko! Napalunok pa ako sa titig ng batang to! Pakiramdam ko ang Ama niya ang nakatitig saakin! "Come in mine, " senyas pa niya sa mga kamay niya na lalapit daw ako sa kanya eh malapit na nga ako. Wala din naman akong nagawa kaya naman nilapit ko ang sarili ko sa kanya at may binulong siya saakin! Medyo nakiliti pa ako sa ginawa niya dahil kahit bata eh, tumatayo mga balahibo ko sa kanya! Magkapareho talaga sila nang kanyang Ama! Ganun ang sitwasyon namin na nadtanan kami ni Sir Micahel sa sala. At isa pa to kung makaringin saamin ni Cj, may pagka pelosopo din, dahil napangisi pa ang loko! Ni hindi nga din pumansin at dumeretso na sa taas. Halata siya na nagmamadali at tumakbo pa ang luko! Napailing nalang ako, "ano kaya nangyayari sa kanila" bulong ko sa sarili ko, Hapon na hindi pa lumalabas ang dalawa sa hide out niya, pero napaisip ako sabi niya noon walang nakakaalam na iba doon bakit si Sir Michael alam naman, "hindi kaya niluluko kalang girl " sigaw nang isang bahagi sa utak ko, "eh paano naman siya lukohin nagtanong ba" sagot din nang kabila, kaya napag isip-isip din ako! $Oo nga noh! Hindibkaya na scam ako noon ni Mr Arogante? " tanong ko pa sa sarili ko! At napansin ko si Cj tahimik na din siya! Dahil wala naman akong ginagawa at busy na si Cj dahil binigyan ko siya ng crayons at papel, naisipan kong mag prefer nalang ako nang dinner namin mamayang gabi, magluluto ako nang sweet's adobo, gustong gusto naman ni Cj kasi kahit anong klase nang manok. Dahil sabi ko sa inyo! Wala naman nagawa ang maarte kong amo n'ong nagpumilit akong magluto noh! Bahala yung Ama niya kung hindi kakain, kasi hindi naman yun nakikisabay saamin, minsan nagtitira nalang ako at tinatakpan sa lamesa, pero kinaumagahan chinicheck ko pa ang basurahan baka tinapon lang sayang naman! Dahil sabi nga nya noon saakin wala akong talent sa pagluluto! Ngunit wala naman akong makita sa basurahan. Kaya nagkibut balikat nalang ako! Baka pinakain sa aso aba malay ko! Habang nagluluto ako, pasulyap-sulyap pa ako sa gawi ni Cj mahirap na baka mahulog sa couch malikot pa man din, pero bago ako pumunta sa kusina, matinding bilin muna sa kanya bago ko iniwan doon! "Baby! mine, will cook our dinner ok, so, stay here and don't be naughty, or go everywhere" Bilin ko pa sa kanya, baka nga magkadugol pa ang bata eh di bulyaw na naman ang aabutin ko sa ama niya! Sayang din ying Fifty thousand ko noh! "ok mine" maikling sagot niya saakin pero duda parin ako eh, kaya naman inulit ko na baman ang sinabi ko, aba! Ano malay ko kung pati sa bata ma scam din ako! Mas maigi yung sigurado! "I said don't go everywhere, I'm watching you" Sabi ko pa na senenyas ko pa ang kamay ko na nilagay samata ko, pero tumango lang siya hindi kasi ako pinapansin kasi busy siya sa pagkulay ng drawing niya! Buti nga at hindi na Ipad ang hawak eh! Naku next time ko ipapaluwanag kung bakit wala ang Ipad ngayon! Dahil matagal-tagal na debate namin noon ang magaling kong boss! Pero ako naman ang nagwagi syempre! Kaya eto ako ngayon, pasulyap l-sulyap sa kanya wala naman problema at mukhang ok naman siya, at eto na nga magsimula na akong magluto, pakanta-kanta pa ako sa ginagawa ko wala naman tao si Cj lang naman! "Sabi nila, balang araw darating ang iyong tanging hinihiling at nung dumating ang aking panalangin Ay hindi na maikubli Ang pag asang nahanap ko sayong mga mata....... " Napatigil ako sa pag kanta nang may naramdaman ako nakatitig saakin kaya naman tumingin ako sa likud ko, at ganun nalang ang gulat ko na tatlong pares lang naman ng mga mata ang nakatitig saakin at naka nga-nga pa sila habang nakatingin saakin, maliban kay Cj na nakangiti saakin at pumalakpak pa ang bata! "Yehey! mine you have so awsome voice! " masayang sambit ni Cj, at pumalakpak pa kaya naman ang dalawa mukhang natauhan naman at sabay pa silang nag "ehem" Napangiwi naman ako saaking sarili at binatukan ko pa ang aking ulo dahil sa kahihiyan! Oo nga hilig kong kumanta noh! Pero alam ko naman na hindi pang singer ang boses ko! "Langya ka talaga Sha hindi ka nag-iisip" sermon ko pa sa sarili ko at tinalikuran ko na sika dahil sa kahihiyan, bahala sila kung ano ang isipin nila saakin! Pero sumulyap ako ulit kay Cj dahil may complentment pala siya nakakahiya naman kung hindi ko sasagutin diba! Kaya naman pinasigla ko pa ang boses ko para naman hindi ako mapahiya sa dalawang damuho dito sa kusina! "Talaga baby? wow thank you hah! " masigla kong sagot kay Cj, pero biglang nagsalita si Sir Michael, at ang kanyang mga mata nakato'on sa'kin niluluto! "Wow, ang bango naman nang niluluto mo Sha pwede maki kain? " Tanong niya na may halong biro pero nakatingin kay Arogante na akala mo sa kanya siya nagpapaalam! Ngunit ang hindi mawala sa utak ko yung tinawag saakin ni Sir Michael na 'Sha' dahil mga close friend ko lang tumatawag noon saamin Probinsya! Ngunit nagkibit balikat nalang ako! Lalo na ng sumagot si boss sa kanyang pinsan! At ang hinayupak ang sama talaga ng sinabi niya kay Sir Michael! " Hindi masarap ang luto niya, kaya umuwi ka na lang Michael dahil masayang lang ang oras mo " narinig kong sagot niya sa pinsan niya kaya naman dahik sa inis ko! Pinaikotan ko siya ng mata! At si Sir Michael naman mukhang natatawa pa sa sinabi ng Boss ko! "Pareho talaga kayong mapanghusga! Kung ayaw niyo ng luto di wag kayong kumain! Ang dami niyong alam tse! " himutok ko sa saakin sarili na ako lang naman ang nakakarinig! Habang si Sir Michael natatawa na! Ngunit tumigil siya ng napansin niya atang masama na ang timpla ng mukha ko na tumingin sa kanila! "Talaga Bro? Hindi masarap ang luto ni Sharon? Makikikain ako para ma judge ko kung totoo bang hindi masarap! " Sagot niya,diniinan pa talaga ang pagkabigkas niya sa HINDI MASARAP at parang may kislap pa ang mga mata ni Sir Michael ng sabihin niya iyon sa aking Boss na seryoso na naman ang mukha ngayon! Dahik sa bwisit ko sa aking boss at kung maka judge wagas! Ako na ang nag aya kay Sir Michael na kumain at matikman niya ang aking luto at ma judge niya! Dahil dito ko talaaga malalaman kung hindi talaga masarap dahik si Cj hinahanap-hanap ang aking luto! " Naku Sir Michael buti nga andito ka halika na dahil HINDI MASARAP ang luto ko tayo nalang nila Cj ang kakain dito, sayang naman kapag itapon! " sarcastic kong sagot at diinan ko pa ang salitang hindi masarap sabay taas nang kilay sa judge mental namay ari nang bahay! Samantalang si Sir Michae hindi na ata niyang kayang pigilan ang sarili niya kaya naman napahalakhak na lang siya! Napasimangot pa ako dahik sa inasta ni Sir Michael, pakiramdam ko ako yung tinatawanan! Perp naiisio ko naman wala naman akong sinabi na nakakatuwa! "Baliw na nga! " bulong ko sa hangin at inaya ko na si Cj! Napapa-iling nalang ako sa inaasta ng mag pinsan! Yung isa maka judge wagas, yung isa nama hindi maawat-awat sa kakatawa! " Baby Cj come!kain na tayo, "tawag ko kay Cj. Nakita ko pang, uupo na sana din si Sir Michael nang biglang pigilan niya si Boss! "Go back home Man, naghihintay na si Tamara sayo, ikaw din kapag yun nagalit at_! " Sabi ni Boss kay Sir Michael at meron pang nalalaman na pambibitin sa isa! At yung isa naman parang may naalala na akalamo nakalimutan niya at ayun dali-dali nang tumayo at parang hangin ng umalis no hindi manlang nagpapa-alam! Kung sabagay nga naman, kilala ko si Miss Tams, masyado din yung demanding minsan! Napa-iling nalang ako dahik mukhang takot si Sir Michael sa kanyang girlfriend! Kaya naman napabungisngis ako sa aking naiisip! Ngunit nawala ng may tumikhim sa aking harapan, kaya naman bigla din akong napatigil at magseryoso na rin ako! Dahil hindi daw masarapa ang aking luto! Dalawang plato lang ang naka lagay sa dine'n para saakin lang at kay Cj, tumingin pa akos a gawi ng aking Boss at 'to nga napakunot noo na naman saamin, ewan ko kung saamin dahil saakin naman siya nakatingin! Basta dedma ko lang! Hindi ko siya pinapansin, ni sulyap nga ayaw ko siyang tignan! Pero ayun saakin peripheral vision nakatitig saakin ang hinayupak kong boss! "Baby, kain lang hah! Ubusin natin to ok, " Sabi ko pa kay Cj habang sarap na sarap ang bata sa kanyang kinakain! Inignore ko lang ang kanyang Ama kahit pa alam ko pinapanood niya kami! Dahil pagkatapos nito aakyat na kami ni Cj sa taas. Ngunit ang hindi ko inaasahan ang ginawa nang aking boss, kinuha lang naman ang plato ko at kutsara, dahil pinunasan ko lang ang bibig ni Cj kasi may natirang sauce at kanin sa mukha niya! Kaya hindi ko napag handaan ang ginawa nang Arogante kong amo, ayun at kumakain na! Napa nga-nga pa ako sa inasta ng aking boss, kaya naman kukunin ko na sana ang aking plato sa kanya ngunit nilayo niya saakin! " Sir baka ho pwede kumuha nalang kayo nang sarili nyong plato!Ang damu doon oh, gusto niyo kukuha ako ng sa inyo? " tanong ko sa kanya, pero eto na naman ang ngisi niya sarap katusan talaga! Bwisit! " Why you didn't give it to me, when you'll start to eat then, " nakangisi pa niyang sagot sa akin,at sarap na sarap na sa pagkain niya! Kahit kailan talaga hirap spelingin ang ugali nang amo ko! Kaya naman sinagot ko siya! " Sir diba sabi mo nga po, HINDI MASARAP ang luto ko! " sagot ko bubulyawan ko sana kaso andito ang bata, kaya pilit ang ngiti ko na kinakausap ang arogante kong amo at medyo nilakasan ko pa ang HINDI MASARAP na sinabi ko sa kanya! Pero ang Arogante ayun hindi na ako pinansin basta kumain na lang nang kumain! Hinihintay ko naman ang complentment niya kung ano ba talaga! Dahil parang nabusog na din ako habang pinapanood ko silang dalawa ni Cj na kumakain! "Hmmp, Not bad, ok na rin pagtyagaan kapag walang makain, " sabi niya sabay tingin saakin, ngunit ang ulam na nakahain sa harapan niya nasimot niya! Yan ba ang sinasabi niyang Not Bad? Simot! Kaya naman dahik sa inis ko, at hindi ko siya pwedeng bulyawan dahil kay Cj, nag walk out nalang ako! Baba nalang ako mamaya upang hugasan ang mga pinggan, dahil hindi ko talaga ma take ang ugali ng aking boss! Narinig ko pang hunalakhak siya! Medyo napatigil pa ako sa paghakbanh dahil ngayon ko lang narinig lung paano siya tumawa! Parang magandang musika saakin pandinig ang kanyang boses! Ngunit kalaunan nagtuloy-tuloy na akong umalis mula sa kusina! At naalala ko pala si Cj ng nasa sala na ako, kaya naman binalikan ki ang aking alaga, at nadtanan ko lang naman na may binubulong na naman ang magaling niyang ama! Tuwing nag bubulungan ang dalawa hindi ko talaga maiwasan ang hibdi kabahan! Kaya naman bago pa lumala ang aking naiisip tinabihan ko na si Cj at tinaasan ng kilay ang aking boss! Mukhang natutuwa naman siya hindi katulad kanina mukhang kakain ng tao ng makita niya ang lalaki doon sa restaurant! "Cj halika na baby, akyat na tayo kung tapos kana" sabi ko sa bata,dahil mukhang tapos na naman na siya, dahil kung magtatagal pa ako dito sa kusina at kasama ang Ama nito baka mabaliw ako sa ipinapakita ni Mr arrogant saakin! Hindi ko na rin maintindihan minsan ang sarili ko, kasi kahit kalaswaan na ang pinapakita niya parang hindi naman masama para saakin! Katulad nalang ngayon napadila siya sa kanyang labi na akala mo nang aakit! Hindi ko naman maiwasan ang hindi mapalunok ng ilang beses! "Ay ewan maghulos dili ka self" panenermon ko pa sa sarili ko, at yun nga aakyat na kami ni Cj mamaya nalang ako mag liligpit sa kusina! "kapag wala na ang Arogante at manyak na yun " na sabi ko nalang sa sarili ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD