bc

The Arrogant CEO

book_age18+
15.9K
FOLLOW
52.2K
READ
CEO
comedy
twisted
kicking
ambitious
single daddy
love at the first sight
punishment
like
intro-logo
Blurb

Si Sharon Magdangal ang babaeng simple lang ang pamumuhay. Masayahin na dalaga at matapang. Simple lang ang kanyang pangarap sa buhay. Ang matulungan ng kanyang pamilya at makapagtapos nang kanyang kapatid sa pag-aaral.

Lumuwas sa Manila si Sharon upang maghanap ng trabaho dahil nakatira lang sila sa liblib ng lugar sa San Jose Isabela kung saan mahirap magkaroon ng trabaho do'n.

Natanggap s'ya ng trabaho sa sikat na hotel sa Manila bilang janitress. Ang SMITH HOTEL. Masaya siya at isa siya sa maswerteng natanggap . Isa pa hindi na siya nagreklamo dahil high school graduate lang ang kanyang natapos.

Masaya s'ya sa kanyang trabaho. At nagkaro'n pa siya ng dalawang part-time jobs. Isa sa restaurant bilang waitress pagkatapos ng duty niya sa hotel. At isa naman sa coffee shop, at pumapasok s'ya dito sa t'wing d'off n'ya.

Si Sharon ay walang ibang hangad kundi makapag-ipon ng pera para sa kapatid at mga magulang upang meron s'yang maipadala sa kanila. Kaya naman lahat ng trabaho ay papasukin niya basta pera ang pinag-u-usapan.

Syempre basta naman kaya ang kanyang katawan at marangal.

Naging magaan naman lahat sa kanya lalo at umaayon sa kanya ang pagkakataon. Until one day. Isang hapon araw ng kanyang d'off.

Pumasok s'ya sa kanyang part-time job sa coffee shop ni Miss Tamara. Ang naging Kaibigan niya at may-ari ng Caffee.

Hindi niya sinasadya na matapunan niya ang mainit na kape ang isang ubod na gwapo at seryosong lalaki na kulang nalang ay magsalubong na ang mga kilay. Na para bang kasalanan dito ang ngumiti.

Dahil sa inis ng lalaki ay nasigawan s'ya nito at sinabihan pa ng istupido! At sa inis ni Sharon sa lalaking ubod ng yabang ibinuhos n'ya ang natitirang laman ng kape sa tasa sa lalaking sumigaw sa kanya!

Galit na galit sa kanya ang lalaki at pinagbantaan pa ang kanyang buhay kapag nagkita pa sila ulit. Ngunit benale-wala niya lamang. Dahil naisip niya, sa lawak ng hotel ay hindi na magtatagpo pa ang landas nilang dalawa.

Ngunit nagkakamali siya dahil ang lalaki lang naman na binuhusan niya ng kape ay ang may ari ng hotel kung saan siya nagtra-trabaho.

Dito magbabago ang buhay ni Sharon dahil pinag bayad siya ng lalaki ng kalasanan na hindi naman n'ya sukat akalain na ang taong binuhusan pala niya ng kape ay s'ya pala ang may ari ng nasabing hotel.

The Arrogant Ceo. Bilang kabayaran san kanyang ginawa, ay magiging Yaya siya nito sa anak niya na ubod din ng kasungitan. Hindi maipagkakaila na mag ama ang dalawa dahil pareho na salubong ang mga kilay.

Meron naman s'yang pagpipilian, maging Yaya siya at magiging triple ang sahod niya, o matatanggal siya ng trabaho sa hotel at kahit kailan hindi na siya makakahanap pa ng trabaho. Tatanggi pa ba siya sa grasya?

chap-preview
Free preview
Simula
Sharon POV Nasa canteen ako kumakain ng may narinig akong may sumigaw. Ngunit hindi ko s’ya maintindihan dahil napakalayo pa n’ya at hingal na hingal pa. Pagdating n’ya sa harap ko ayun akala mo hinabol nang mga holdaper sa kanyang itsura. “Ano nangyari sayo, at bakit ka ba tumatakbo hah? “ tanong ko sa kanya dahil akala mo naman para na siyang na rape sa ng limang kalalakihan sa itsura. Gulo ang buhok at hingal na hingal pa.! “Ano kaba! Kanina pa kita tinatawagan,! “ ganting sagot niya saakin, at pasigaw pa na akala mo naman may nagawa akong mali sa kanya. “E’ paano naman kita maintindihan ang layo- layo mo tapos kung maka sigaw ka akala mo naman hinahabol ka ng mga holdaper d’yan,! “ ganting sagot ko sa kanya, huminga pa siya ng pataas pababa bago niya ako sinagot at saka ngumiti na akala mo naman walang nangyari! “Hindi naman yan ang ibig kong sabihin kamalahalan, sa cellphone mo pa ako tumatawag duh! “ Sagot niya ng medyo nahimasmasan na siya, kaya napatingin ako sa cellphone ko. At yun nga ang dami n’yang tawag saakin na hindi ko nasagot, kasi naman naka silent mood ang aking phone, napangiwi pa ako dahil ang sama ng tingin niya saakin. “Ay, sorry po, naka silent ang aking cellphone kaya hindi ko narinig, sorry my friend, “ lambing ko sa kanya, at ang Gag* inismiran lang naman ako, pina ikot-ikot pa ang kanyang mga mata, kaya natawa ako sa itsura niya. “E’ bakit ka nga nagtatakbo kanina, daig mopa ang hinahabol nang mga holdaper ah! “ tanong ko sa kanya ulit, ng maka upo na s’ya sa tabi ko, at binigyan ko naman agad tubig. “O’ eto tubig, ubos ko na yung soft drinks, “ Ngiwi ko sa kanya, at inirapan lang ako, pero ininom naman niya ang bigay ko. “Sorry hah, atlist naman my tubig no, “ sabi ko sa kanya, dahil ang sama ng tingin saakin. “Oo nga no, salamat friend sa tubig, ang sarap! “ biro pa niya saakin, at yun nga nagtawanan na kami, sa aming kabaliwan. “E’ bakit kaba tumatakbo kanina? “ tanong ko ulit sa kanya ng mahimasmasan na siya. Huminga muna siya ng malalim bago niya ako hinarap. “Eto nga friend, nagpatawag si miss Mangiba na magtitipon daw tayong lahat kasi my Emergency daw, “ balita niya saakin, napakunot noo pa ako sa sinabi ng aking kaibigan saakin, “Emergency? “ pag uulit ko sa sinasabi niya. “Bakit my Emergency wala pa naman Season’s hah, isa pa anong meron? “ dagdag ko pa dahil nagtataka talaga ako sa sinabi ng aking kaibigan. Nagpapa tawag lang kasi ng Emergency ang Manager namin kung madaming customer na darating, kaya naman nagtataka talaga ako. “Aba ewan ko friend, kaya nga pupunta tayo sa office ni miss Mangiba para malaman natin diba? “ Pabalang naman na sagot n’ya saakin, kahit kailan talaga ‘tong maldita kong kaibigan mukhang sinumpong na naman! Pero mabait naman siya. At mahal ko syempre! Isa siya sa tumulong saakin noon bago pa ako dito sa Manila. Naalala ko pa ng kararating ko lang, hindi ko alam kung saan ako pupunta kasi naman galing pa ako sa probinsya at wala akong ni isang kilala dito. Tapos na mudos pa ako nang kapwa ko Pilipino. Ayun yung baon kong pera kinuha pa, Kaya ang kalabasan gutom na gutom ako sa araw na yun. Mabuti nalang s’ya ang nakakita saakin. Kaya nagbalik ako kung paano kami nagka kilala, naka upo ako sa isang bangketa dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta. “Miss ok kalang” tanong saakin na may awa sa kanyang mukha, na para bang naiintindihan niya ang aking sitwasyon. “Hah, hindi ako ok, “ naiiyak kong sagot sa kanya, wala na akong pakialam sa araw na yun kung pagtatawanan niya ako o maawa siya saakin, dahil nakaka-awa naman talaga ako lalo na ang aking itsura. “Halika miss, taga saan ka,? “ malambing na boses niyang tanong saakin, tiningala ko pa siya at maganda naman siya. Tapos naramdaman n’ya ata na pagud ako at gutom, kaya naman hindi siya nagdalawang isip na tinulungan ako at pina kain. At dinala niya ako sa kanyang Boarding House, buti nalang medyo maluwag sakto lang sa pang dalawahan, kaya sa araw na yun subra-subra akong nagpapasalamat sa Dios at sa kanya. Eksakto naman na nag Aaply s’ya ng trabaho noon, at sinama n’ya ako dahil sinabi ko noon sa kanya ang dahilan ko kung bakit ako napadpad dito sa Manila. Tinanong pa saakin noon, kung ok lang ba daw saakin kahit anong trabaho, sabi ko naman maging choosy pa ba ako sa lagay kung to? Doon nagsimula ang aming closeness sa isa’t isa dahil pareho pala kaming palaban, wag lang sa unang araw na nakita niya ako dahil lugmok talaga ako sa oras na yun. Sa SMITH HOTEL’s kami unang nag Aply noon, akala namin hindi kami matatanggap dahil sa sungit ng Manager at nakapa istrikto daig pa namin noon ng professional E’ kasi naman kung ano, ano ang hinahanap saamin, e’ Janitress lang naman ang Aaplyan namin. Nabalik lang ako sa aking diwa nang may tumapik saakin. Nagulat pa ako at napatalon sa subrang gulat, kasi naman ang layo na ang nasa isip ko. “Hoy! Ano nag day-dreaming ka na naman no! “ tanong niya saakin akala mo naman nababasa niya ang laman ng utak ko kung makatingin kasi wagas. “Hindi no! “ pasuplada ko din na sagot sa kanya, iba na naman kasi ang nasa isip niya, napa iling pa ako sa mga titig ng aking kaibigan. “Eh kung hindi, bakit hindi mo ako pinapansin? Kanina pa kaya ako salita ng salita dito, “ Nagtatampo niyang sagot saakin at pina haba pa ang labi niya na pwede ng sabitan ng hanger, napatawa pa ako sa aking naiisip. Dahil sa kanyang itsura! “May iniisip lang ako friend, kung paano natin paamuhin si miss Mangiba, tampo ka naman agad eh, “ sagot ko sa kanya buti nalang may naiisip akong ibang dahilan, at mukhang tumalab naman ang sagot ko sa kanya. “Naku, oo nga no, friend, paano kaya natin mapa amo ang Amasona na yun, “ sagot naman niya sabay tawa pa, kaya napatawa na rin ako, Ayun sabay na kaming napatawa at lahat ng tao sa canteen ay napatingin na saamin. “Pero Thank you talaga Friend hah, dahil sayo andito tayo ngayon, “ pag iiba ko sa usapan namin, ang sinasabi ko kasi nung una kaming nagkita. “Naalala mo Friend no’n una kitang makita, yan din ang araw na papalayasin na ako sa Boarding ko, “ pagsisimula n’ya saakin, oo nga naalala ko noon, buti nalang dalawa na kami sa oras na yun at medyo naawa naman ang may ari ng Boarding House lalo na ata saakin dahil sa itsura ko. “Tapos bigla tayong nag drama sa kanya at iniyakan pa natin at naiyak din s’ya ang ending naawa na sa atin at hindi tayo pinalayas, “ sabay pa namin bigkas na dalawa at nagtawanan na kami ulit na para bang wala ng bukas. Ako din naman kasi ang may kasalanan kung bakit siya palalayasin sa araw na yun. Wala kasi natira saakin, kahit mga dala kong damit kinuha pa. Kung bakit kasi ang malas ko sa araw na yun, buti nalang s’ya ang nakakita saakin. Kaya yung pera n’ya sana na pambayad sa Boarding House ay pinambili niya ng mga personal gamit ko. Kahit hiyang-hiya ako sa araw na yun, ay subra naman akong nagpapasalamat sa kanya, huli ko ng malaman na pambayad pala niya ‘yon ng Boarding House n’ya. “ Pero friend, Thank you talaga ha, “ Taus puso kong pasasalamat sa kanya sabay yakap ko na rin dahil hulog talaga siya ng langit saakin. “Naku ikaw talaga, wag ka ngang magdrama na naman d’yan, diba sinabi ko naman sayo kalimutan mo na yun friend, wala yun masaya din ako kasi dumating ka sa buhay ko, “ sa haba, haba ng sinabi niya doon din naman napunta, habang nakayakap na din siya saakin. Sabay singhot na rin niya, mukhang naiiyak na ang aking kaibigan. “Akala ko ba walang dramahan” tanong ko sa kanya dahil hindi na siya maawat sa kakasinghot niya, “E’ Ikaw kasi pinapaiyak mo ako, “ naiiyak na niyang sagot saakin, kaya hinaplos ko na ang likud niya para pagaanin ang kanyang pakiramdam. “Wag ka nang magdrama diyan, sayang ang luha mo bruha ka, ibibigay natin yan kay miss Mangiba baka sakaling maawa saatin, “ pag bibiro ko sa kanya, si miss Mangiba kasi ang mahirap biruhin dahil para siyang laging galit sa mundo. Kung hindi mo na iiyakan wala kanang pag asa sa kanya. “Oo nga no, para pala kay miss Mangiba tong luha natin, nakalimutan ko na tuloy, “ sagot niya saakin sabay pahid na sa kanyang pisngi. At ayun na nga nagtawanan na naman kami. “Kaya halika na, baka nag-aapoy ang bunganga ng balyenang yun sa kahihintay saatin, at wag na tayong magpa VIP friend, “ Sabi pa n’yang natatawa, kaya naman sabay na kaming tumayo. Pagdating namin sa meeting area para sa mga taga linis dito sa Hotel na katulad ko, Oo tama kayo ng iniisip dahil isa akong janitress. Kung sa akala niyo ay kinaka hiya ko ang aking trabaho ay nagkakamali kayo, dahil para saakin proud ako. Una sa lahat mataas ang sahud kumpara sa ibang trabaho, katulad nalang ng waiter’s sa restaurant, crew sa fast-food chain at iba pa! Pangalawa malaki pa ang bayad kapag may OT ka dito. Kaya para saakin, hulog ‘to ng langit, minsan nga dito na ako hangang gabi dahil sa OT ko. Sabi nga ng kaibigan kong si Jenny, Ako na daw si miss masipag. Kailangan E’ kung walang sipag, walang pera! Yan ang motto ko sa buhay. “Miss Magdangal nawawala ka na naman sarili mo, “ nagbalik lang ang diwa ko sa boses ng Manager namin. At nagtawanan pa silang lahat. “Sorry po ma’am, “ Pangiwi kong paumanhin, kahit kailan talaga tong Balyenang to hilig magpahiya. “Ikaw naman kasi hindi ka nakikinig, ano naman ba ang nasa isip mo ha, “ Bulong ng kaibigan ko, kaya siniko ko lang siya, baka mapansin na naman kami ni miss Mangiba. At ang gag* kung kaibigan, bumungisngis pa ayun tuloy s’ya din ang nasita. “Miss Asunción my problema ba tayo? “ tanong sa kanya ni miss Mangiba na seryoso ang mukha at nakatingin sa aking kaibigan. Ganyan naman talaga ang aming Manager laging seryoso para bang kasalanan sa kanya ang ngumiti. “Wala po ma’am, “ kiming sagot ng aking kaibigan na halatang pinipigilan ang matawa. Paano ba naman kasi na hindi ka matatawa sa Manager namin, alam mo yun apat na layer na ang belly makuha pa n’yang magsuot ng fitted blouse, E’ di ang labas para na s’yang cutter pillar. Kaya matatawa ka talaga sa itsura niya, ramdam ko din sa mga kasamahan namin pinipigil din ang sarili. “Ok bweno, magsisimula na ako” Pagsisimula ni miss Mangiba sa kanyang sasabihin dahil tahimik na kaming lahat na nakikinig sa kanya. “Kaya pinatawag ko kayong lahat dahil sa isang Emergency, “ sigunda n’ya habang kami tahimik at nakikinig. “Darating ang Bigboss, Or I could say ang CEO, “ pagpapatuloy niya. Napasinghap pa ang lahat na narito dahil sa sinabi ng Manager. At nagsimula ang ingay. “Tigil! Hindi pa ako tapos, “ Awat ni miss Mangiba saamin, sabay taas ng kamay, E’ kasi naman kung maka react naman tong mga kasama ko akala mo may nakaka bigla. At Nagsitigil naman sila ako kasi bale wala naman ang aking nalaman. “E’ Ano naman kung darating, Bakit may bonus ba s’yang ibigay saamin? “ kausap ko sa sarili ko, napangiwi p ako sa aking iniisip. “Kaya lahat kayo linisin n’yo mabuti ang kwarto lahat pati kasuluksulukan, at pati yung mga bakanteng kwarto, “ bilin saamin ni ng Manager. “Para sabihin ko sa inyo, si Mr CEO ay mabusisi sa lahat, ayaw n’ya ang madumi at makalat at nakita n’yo naman diba hindi basta, basta ang pinagtra-trabauhan natin, pasalamat nalang kayo, at nakapasok pa kayo dito! “ mahaba-habang litanya ni miss Mangiba sa amin. Oo nga naman buti nga nakapasok kami dito, kasi kung tutuusin ang sabi nila noon college graduate daw ang tinatanggap, E’ ako High School Graduate lang, kaya nga nag allangan ako noon, akala ko hindi ako matanggap. “Ano may magtatanong paba sa inyo? “ tanong sa amin miss Mangiba. Sabay tingin saamin pa isa-isa. “Wala na po ma’am, “ sabay-sabay naman namin na sagot sa kanya para matapos na ang pagtitipon na ito. “Kung ganun simulan n’yo na ang paglilinis, ngayon DOBLE TIME lahat walang uuwi ng hindi natatapos, “ Utos ni miss Mangiba sa amin hindi maiwasan ang mapa lungkot ng mukha ng mga kasamahan ko, samantalang ako ayos lang syempre dagdag sahud na naman. “Oh’ Bakit may reklamo kayo? “ tanong ni miss Mangiba sa aking mga kasama. Dahil mukhang naka halata siya! Pero walang nagsalita sa kanila, alam naman kasi namin na kapag nagreklamo kami mawawalan na kami ng trabaho kinabukasan. Ganyan siya ka-istrikto at kahigpit ng aming Manager, gusto man magreklamo ang iba ngunit mas pinili nalang nila ang manahimik. “Bweno kaya naman kaylangan natin mag over time ngayon ay dahil sa oras na ito nasa Eroplano na ang CEO, kaya Team kaya natin to, “ Medyo mabait na ang boses ng aming Manager sabay cheer pa niya saamin, akala mo naman isa itong kontis. Wala na kaming nagawa at naki cheer na din kami sa kanya. “Kaya natin to guys! Laban! “ sabay-sabay namin bigkas sabay taas ng mga kamao namin na para bang lalaban kami sa giyera. Matapos ang usapan, aalis na sana kami nang kaibigan ko ng tawagin ako ulit ni miss Mangiba. Kaya napatigil pa ako sa paghakbang. “Miss Magdangal maiwan ka” tawag n’ya saakin, napakunot noo pa ako sa sinabi n’ya. Hindi nga ba sabi niya kanina na DOBLE TIME kami, bakit ngayon paiiwan niya ako dito. “Ma’am, bakit po? “Takang tanong ko sa kanya, ng may pagtataka sa akin mukha. “Naku! Kung ipapagawa n’ya saakin ang pinapagawa sa ibang kasamahan ko wag lang akong susubukan. “ kausap ko sarili ko. Paano ba naman kasi, eh pinama-masahe daw ang buong katawan n’ya ang sabi pa daw E’ puro mantika ang laman, Ew! Napangiwi pa ako sa aking iniisip. “Sorry Lord…. “ peping dasal ko. “Miss Magdangal naririnig mo ba ako? “ Boses ni miss Mangiba ang nagbalik saakin realidad. “Ah, Yes ma’am, Ano po ulit? “ sagot sa kanya sabay tanong ko at napangiwi. Napailing nalang ang Balyena este si miss Mangiba. “Ang sabi ko, ikaw ang inatasan ko na maglinis sa Pen house. Bukod sa wala naman akong ibang pagkatiwalaan maliban sayo, “ Medyo touch naman ako sa sinabi ng Manager namin kahit paano. Kahit masungit siya sa iba, mabait naman saakin. Ang sabi nga niya saakin ay hindi daw kasi ako maarte. Yan naman ay patunay na ako talaga ay rakaterang dalaga. “Thank you ma’am, “ Sagot ko sa kanya na may kinang pa ang aking mga mata. Pero bigla akong natigilan. Ano daw sa PEN HOUSE? “Wait ma’am, ano po sa Pen House po? Pag uulit ko sa sinabi niya saakin. Napakunot noo pa siya sa tanong ko. “Oo, my problema ba Sharon? “At ayun nga binanggit na ang pangalan ko, once kasi na pangalan na ang banggitin n’ya ibig sabihin hindi kana pwede tumanggi pa. Dahil may kalalagyan ka talaga! “Wala po ma’am” mahina kong sagot na alam ko naman abot sa kanyang pandinig. “Good, Eto ang susi, pwede ka naman hindi pumasok bukas, kasama yung magiging kasama mo sa paglilinis ng Pen House, “ Sabi pa saakin. Kaya lang naman ayaw ko sa Pen House dahil ang sabi-sabi sa Hotel ay masyado daw aroganti ang may ari. Kahit nga daw maliliit na bagay ay nagagalit na kapag may nasira. Kahit pa daw accident lang, para daw sa kanya walang excuses. “Wag kanang mag alala, with payment yan, pero wag mo sasabihin sa iba hah, “ Halos pabulong na sabi saakin ni miss Mangiba, kaya naman yung pag-alala ko kanina ay napalitan ng kinang sa aking mga mata. “Ikaw talaga miss Magdangal kapag pera na ang pinag uusapan nag-iiba talaga ang anyo mo, “ Pabiro pa n’yang bulalas saakin, mukhang napansin nga niya ako. “Naku ma’am, kailangan eh” deretso ko naman na sagot sa kanya sabay ngisi narin, napailing nalang siya saakin. “ Sige na, lumabas kana at maka simula na kayo lalo at kunti nalang ang oras, “ Pagpapalayas pa niya saakin, kaya naman nagpaalam na ako sa kanya at hinanap ko na ang aking kaibigan. Pero kanina pa ako naghahanap sa babaeng yun at hindi ko makita, kaya tinawagan ko na sa kanyang cellphone. Isang ring lang naman ang ginawa ko, buti at sinagot naman niya agad. “Hello, Sha bakit? “ Tugon niya agad saakin, sigurado ako na nakita niya agad ang pangalan ko sa screen ng cellphone niya. “ Babaita ka saan kaba? “ sagot ko agad sa kanya, dahil kanina pa ako naghahanap sa kanya lalo mag aalas dos na ng hapon. “Andito ako, bakit? “ sagot n’ya na nag pelosopo pa kahit kailan talaga ang aking kaibigan! “Kapag hindi kapa sumagot ng maayos d’yan, maghahanap talaga ako ng ibang kasama ko na maglilinis sa Pen House! “ panakot ko sa kanya dahil mukhang hindi niya ako si-seryosuhin. Papatayin ko na sana ang tawag ko ng narinig ko s’ya ng sumigaw. “Wait friend! Hintayin mo ako, saan kamo? Sa Pen House? “ Tanong n’ya saakin, parang nakikita ko na ang itsura niya, sigurado ako nagtatalon yun sa tuwa. Isa kasi sa pangarap n’ya ang makita ang kabuuan ng Pen House. Syempre ako na rin pagkakataon ko na rin ito. Habang nakasakay kami sa hotel’s car nakikita namin ang magandang tanawin sa labas papunta sa Pen House, nasa likud lang kasi eto ng Hotel. Ngunit medyo malayo. Sa dalawang taon kong pag tra-trabaho dito hindi ko pa na ikot ang buong hotel, puro nalang kasi akong over time. Ngayon ko lang talaga mapag masdan ang labas ng hotel, maliban na sa maganda ang loob, masasabi kong napaka ganda at nakapaka-aliwalas sa labas ng hotel lalo na sa likud nito. Mabuti nalang pala at ako ang inatasan na maglinis sa Pen House kaya eto na pagkakataon namin na malibot ang kabuuan ng labas ng hotel. “Wow friend, ang ganda pala dito no, “ manghang sabi ng aking kaibigan. Dahil pati ako, hangang- hanga ako sa aking nakikita. “Oo nga Jenny, ganito pala dito kaya pala ang daming duma-dayo, dahil marami palang pasyalan dito sa labas ng hotel, “ Pang sang ayon ko sa sinabi ng aking kaibigan. May nadaanan pa kasi kaming leak kanina. At napaka ganda! “Ma’am andito na po tayo, “ biglang sabat naman ng driver sa hotel’s car, sabay pa namin inismiran ni Jenny, dahil sa tinawag n’ya saamin. “Tsee! Ma’am ka d’yan, ikaw Eric hah, wag kang manira nang araw! “ Sigaw ng kaibigan ko kay Eric. Napailing nalang ako sa dalawa, dahil para silang aso at pusa. “Ang suplada mo talaga Jenny, Ang ganda mo na sana E, “ Sagot naman ni Eric sa kaibigan ko. Habang ang isa, parang sa sabog na ang ilong. Dahil mukhang nainis na! “Lumayas kana nga! Alam ko na maganda na ako, hindi ko kailangan ng papuri mo! Babalik kanalang mamaya kapag tapos na kami dito, shoo! “ Sagot naman ni Jenny kay Eric. Sabay senyas pa sa kamay na umalis na siya. Habang ako nanonood lang sa kanilang dalawa. Wala naman nagawa yung isa kundi umalis na rin na pangisi-ngisi pa sa kaibigan ko. “Ikaw talaga Jenny, hindi kana naawa sa tao” Pa ngo- ngonsensya ko sa kanya, dahil kung ipahiya n’ya si Eric para kasi my something silang dalawa. Dahil napapansin ko kay Eric bale wala ang kasupladahan ng aking kaibigan sa kanya. “Aba, bakit friend, inano ko ba s’ya?” Pa inocente pa n’yang sagot saakin. “Pinapahiya mo kaya yung tao friend, gwapo naman si Eric ah, Naku ikaw kapag yun nanligaw sa iba, who you ka sa kanya, “ panakot ko pa, mukha naman tumalab dahil nag iba ang kanyang itsura na para bang, nawalan ng pera. “Ganun naba ako kasama sa kanya friend? “ tanong niya saakin na pinalungkot pa ang mukha. “Ou friend, masamang masama pa! “ pag sang ayon ko sa sinabi niya, at dinag-dagan ko pa. Kaya naman tinignan ako mula ulo hanggang paa, napansin ata niyang natatawa na ako. ‘Ikaw Sharon Magdangal hah, halika na at maglinis tayo para makauwi na! “ Pag iiba n’ya sa usapan kaya naman napahagalpak na ako sa tawa. Dahil mukhang tumalab yong panakot ko sa kanya! “Ikaw Jenny Asuncion ha! May padeny- deny kapang nalalaman na walang gusto kuno kay Eric naku friend, hindi kana makakapag lihim saakin, kotang-kota na kita, sinasabi ko sayo, “ Panggaya ko sa tawag niya saakin. Mukhang natahimik naman ang aking kaibigan. “Oo na, oo na! Happy? “Pag aamin n’ya sa akin mukha ngang tumalab lahat ng sinabi ko sa kanya. “Aha! Sinasabi ko na E’ may something kayong dalawa noh? “ Pangbubusko ko sa kanya, bigla naman iniba niya ang tingin, siguro nahiya na saakin, bakit naman siya mahiya E’ wala naman nakakahiya. Isa pa gwapo naman si Eric at nakikita ko naman na mabait yung tao. At masipag. “Ewan ko sayo friend, “ nasabi nalang n’ya saakin. Mukhang hindi pa nga handa ang aking kaibigan na magkwento, kaya hinayaan ko na. Kaya naman nagpatuloy na kami sa paglalakad. Pagbaba namin kasi kanina malayo layo pa pala ang lakarin, kung hindi ba naman kasi nag inarte tong kasama ko kanina eh. Matapos ang mahabang nilakad namin nakarating na rin kami sa wakas. “Wow! Ang ganda Jenny, “ hindi ko mapigilan na lumabas sa bibig ko dahil sa ganda ng aking nakikita. Pag bungad palang namin ni Jenny sa loob ay mga palamuting pang mayaman na talaga ang nasa makikita mo. Mga chandelier na naglalakihan at mga crystal na palamuti sa bungad palang ng Pen house. “Oo nga friend, ang sarap siguro tumira dito no,” Sagot niya saakin, Pero nasiko ko siya dahil sa sinabi niyang TUMIRA DITO, hindi naman masama ang mangarap.Pero ang kaibigan ko may balak pa ata. “ouch! Sadista mo talaga kahit kailan! “ Pakunwari naman na nasaktan ko s’ya alam ko naman drama lang niya. “Siniko kita para magising ka sa katotohanan, mas masakit ang masaktan nang paulit-ulit, “ Pag dra- drama kong sagot sa kanya, ginaya ko pa si Bea Alonzo. IDOL ko kasi na artista yun. “ Oo na, Oo na! Ako na, ako na ang mali. Bakit mali ba ang magmahal,? “ Pagsasakay naman n’ya sa kalokohan ko. At para sa kanya si Maja Salvador din ang IDOL niya. At sabay pa kaming nagka tawanan sa kagagahan namin dalawa! “Hay naku friend, uumagahin tayo dito kung hindi pa natin sisimulan. ” pagbasag ko sa Kalokohan namin dalawa. “Ikaw kasi E’, ang dami mong pakulo! ” balik sisi naman niya saakin. Kaya bago pa kami pagsisihan ay napagkasunduhan namin na maghiwalay kami sa paglilinis. Dahil malawak at malaki ang Pen house. Kapag magkasama kami baka wala na kaming matapos. Lalo at pareho pa kaming memosa alam niyo na! charot! “Friend, ako na sa leaving room at kusina ha, doon ka nalang sa taas, kapag mauna akong matapos a-akyat ako para matulungan kita, “ sabi n’ya saakin, sang ayon naman ako sa suggest ng aking kaibigan. Mabuti rin at s’ya na ang unang nagsabi saakin. Dahil balak ko din naman. “Ok friend, ganun na nga, at kapag naman ako ang naunang natapos, ako din ang bumaba at ikaw naman ang tulungan ko hah” pang sang ayun ko sa kanya at tumango naman siya. At yun nga umakyat na ako sa taas at iniwan ko na siya. Ang Guestroom ang inuna kong binuksan. Bago ako magsimula sa paglilinis pinasadahan ko muna total naman, minsanan lang naman mangyari ito sa tanan ng buhay ko. “Wow! “ Hindi mapigilan ang aking sarili sa pagka mangha sa loob. Para saakin maaliwalas ang kulay ng loob nito ang sarap sa pakiramdam, Ang Lavender na kulay sa dingding, lahat puro Lavender, pati ang Bed Lavender din. “Siguro pambabae ‘to, “ kausap ko sarili, habang pinagmamasdan ko ang kabuuan ng kwarto. Ang couch din Lavender din ang kulay hindi ko talaga mapigilan ang mamangha sa nakikita ko Ang buong kwarto halos lahat lavender. Napa tanong pa ako sa sarili ko, “Bakit lahat ng paborito kong kulay andito sa room na to? “ parang temang kong sabi sa sarili ko. Na busog na ang mga mata ko sa nakikita ko kung maganda na ang mga rooms sa Hotel, walang panama talaga ang ganda dito sa Pen House. Kung sabagay CEO nga naman ang may ari dito. Pero bago pa kung ano-ano ang tumakbo sa utak ko magsisimula na akong maglinis. Sa wakas, natapos ko narin linisan ang Guestroom. Ngayon, isusunod ko na ang Master Bedroom. Ngunit bakit parang bigla akong kinabahan, allaka! “Baka may multo” Bulong ko sa sarili ko. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto na akala mo naman may huhuliin ako sa loob. “Yahoo may tao ba d’yan? “ kunwaring tanong ko pa E’ kausap ko lang din naman ang sarili ko. Dahil wala naman sumagot saakin as if naman may sasagot, kapag meron E’ di nagsisi-takbo na ako sa takot. Kinapa ko na ang switch on ng ilaw, at tumambad saakin ang napaka laking Master bed. “Wow! “ hindi ko na naman mapigilan ang hindi mamangha sa nakikita ko. Kung sa kabilang kwarto namangha na ako, dito mas lalo pa akong namangha, kulay Grey na combination with cream, may side table siya sa magkabilaang-ang gilid ng kama lahat nang kulay lalaking-lalaki talaga. “Masarap siguro matulog dito, dahil unang kita mo palang parang niyaya kanang matulog. Nagsisigawan na mga chandelier sa taas ng kisame. Pero agaw pansin saakin ang isang picture frame na nakatalikud. Tinitigan kong mabuti ang itsura n’ya sa likud, sigurado ako magandang lalaki siya. “ S’ya ang CEO siguro, “ kausap ko sa aking sarili. Kaso naman ni isang picture ng CEO wala manlang naka kalat sa hotel. Pansin ko rin kahit dito sa Pen House. “Ang Sarap n’yang yakapin, “ sigaw ng atrabida kung utak, kaya bigla akong napatigil sa ginagawa ko. “ Hoy Sharon tumigil ka hah ang landi mo na! “ Saway ko sa sarili ko, kaya naman bago pa saan ako makarating sa ka iisip, tinapos ko na ang dapat tapusin. At sa wakas natapos ko na rin ang paglilinis. Bumaba na ako at hinanap ko ang kaibigan ko. Pero hindi ko s’ya makita sa leaving room. Kaya naman tinawag ko at nilakasan pa ang aking boses, total kami lang naman dalawa ang andito. “Hoy babaita ka, saan ka! “Sigaw ko sa kanya at mukhang narinig naman ako kasi sumagot siya. “Andito ako babaita, halika! “ balik sigaw naman saakin at parang ang boses n’ya andoon sa kusina, kaya naman sinundan ko doon at ang lintik, nagluluto? “Hoy ano ba ginagawa mo, baka mapagalitan tayo friend, “ nag alala kong tanong sa kanya, E’ kasi naman kung maka asta s’ya akala mo bahay niya lang ‘to! “ Shhh, wag kang mag-alala friend walang maka kaalam, kasi wala naman magsusumbong. Isa pa malapit na to maluto, tapos uuwi na tayo kaya wag kang mag-alala nga d’yan, “ Sabi pa saakin na para bang relax na relax pa siya. Samantalang ako, eto kumakabog na ang dibdib ko sa ginawa niya. Paano nalang kung dumating na ang may ari, naku lagot na kami. Pero maya’t maya kunti nagring na ang Cellphone ko. Napatalon pa ako sa gulat ng tunog ng aking phone. “Hello po, “ sagot ko agad, kahit medyo kinakabahan ako. “Miss Magdangal hindi pa ba kayo tapos d’yan, parating na kasi si Mr CEO. On the way na daw sila, kaya kung pwede kahit hindi n’yo pa tapos pwede na kayong umalis, ayaw daw n’ya na may makikita s’yang iba, “ pagtatapos ni miss Mangiba sa kanyang sinabi saakin. Kaya naman nataranta na ako. Lalo pa at si Jenny ayun busy pa sa pagluluto. “Hoy! Alis na daw tayo, parating na ang may ari ng bahay, “ Sabi ko sa kanya. At yun ang g*ga hindi na magkaundada sa ginagawa. “Ikaw kasi bakit kapa nagluto hah! “ Panisi ko pa sa kanya, kaya naman pati s’ya nataranta na rin, hindi na niya alam kung ano ang uunahin niyang iligpit. “Friend, tulungan mo na kaya ako please, “ may pag alala din sa mukha niyang tugon saakin. Natakot din pala. Hindi ko alam kung maawa ba ako sa kaibigan ko o matawa sa itsura niya. Kaya tinulungan ko na kasi alam ko naman na dalawa kaming mapapagalitan kapag nahuli. Yun nga lang kung galit lang, E’paano pala kapag sesanti na? Saktong tapos na kami ng may nag bosina sa labas. Sabay pa kaming napatalon ni Jenny sa subrang gulat.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook